Chapter 37

1.1K 37 0
                                    

Chapter 37

~ Clark's POV ~

"Mom look I can swim." Saad ni Tristan na ngayon ay lumalangoy ng mag-isa.
"That's good handsome." Ngiting tugon ni Seira habang nakatayo sa pangpang habang pinapanuod sila Tristan at Arthur.

Ako naman ay tinatanaw sila, pinagmamasdan ko si Seira habang tinatangay ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Nakasuot siya ng sun dress habang nakahalukipkip. Bigla kong na aalala ang pinag-usapan namin kagabi.

"Oh pre ang lalim ng iniisip mo." Naputol ang pag-iisip ko at lumingon sa mga kasama ko.
"May iniisip lang ako." Umupo ako sa tabi ni Dave.
"Babae ba yan?" May halong pang-asar na saad ni Vic. Iniisip ko kung sasabihin ko sa kanila ang pinag-usapan namin ni Seira kagabi.
"Kung sabihin kong tama yung sinabi mo." Nilagok ko ang alak na nakalapag sa harap ko. Medyo maaga pa per nag-aya si Alex uminom dapat mamayang pagkatapos ng hapunan kaso gusto ng uminom ni Alex.
"Wow si Clark Jake Trinidad nag-iisip ng babae." OA na react ni Vic well di ko siya masisisi dahil ngayon lang ulit ako nagkaganito. "So who's the lucky girl?" Dugtong na tanong niya.
"Si Seira." walang paligoy ligoy na saad ko. Nakita kong seryosong nakatingin ang apat sa akin.
"Bakit mo naman siya iniisip?" Seryosong tanong ni Patrick, alam ko nagtataka siya dahil ang alam niya ay dapat wala akong iniisip na may kinalaman pa kay Seira.
"Nag-usap kami kagabi." Tinanaw ko mula sa kinauupuan ko si Seira. Nakangiti ito habang kausap ang anak niya.
"Ano naman ang pinag-usapan ninyo?" Si Dave naman ang nagtanong, alam ko gusto niya malaman ang mga bagay na may kinalaman sa akin at kay Seira.
"Nagpasalamat siya sa pagligtas ko sa kanya." Binalik ko ang tingin sa kanila at kita ko ang mata nila na nakatutok sa akin. "At paghingi ko ng tawad." Kinuha ko ang basong nilagyan ng alak at tinungga iyon.
"Pagkatapos?" Nag-aabang na saad ni Dave.
"Pinatawad na niya ako pero..." pinaglaruan ko ang yelong nasa baso ko, iniisip ko yung sinabi niya na wala na siyang nararamdaman para sa akin ng kahit ano, at parang may kung anong masakit sa puso ko pagnaalala ko iyon. "Pero di niya pwedeng makalimutan ang mga nang yari noon." Napadiin ang hawak ko sa baso ko.
"Teka teka ang gulo." Singit na saad ni Vic kaya napatingin kami sa kanya.
"Oo nga kung napatawad ka na niya bakit di na niya kalimutan ang nakaraan? kasi kung di niya kakalimutan iyon ay maaring niyang gamitin sa iyo yun para ipamukha sayo ang kasalanan mo sa kanya." Si Alex naman ang nagsalita, sang-ayon ako sa sinabi ni Alex. Yan ang pumasok sa isip ko kagabi.
"Ang sabi niya di niya kayang kalimutan ang lahat na napagdaanan niya noon, kung sino siya ngayon ay dahil sa nakaraan." Paliwanag ko habang nakatingin sa baso ko.
"Di ninyo masisisi si Seira dahil di natin nararamdaman ang nararamdaman niya noon." Na iingit ako kay Patrick dahil siya nakasama niya si Seira habang may pinagdadaanan ito. Kahit sa ganun paraan alam ko nakabawi si Patrick kay Seira.
"Kung ganon ok na kayo ni Seira kahit papaano?" Si Dave naman ang nagsalita.
"Siguro" di ako sigurado sa sagot ko.
"Siguro bigyan muna natin siya ng panahon at baka pagnaglaon maging magkaibigan kayo." Saad ni Patrick.
"Tingin ko wala ng oras si Clark para mag-intay." Lahat kami ay napatingin kay Dave.
"Bakit mo naman na sabi yan pre?" Si Alex naman ang nagtanong.
"Dahil na uungusan na siya nung dalawa." Ngumuso si Dave at sinundan namin ang tinuro niya at nakita namin si Seira buhat buhat si Tristan habang nakatayo sa magkabilang gilid niya si Blake at Arthur.
"Teka Clark don't tell me may gusto ka kay Seira?" Tiningnan ko si Patrick na nakatingin din sa akin.

Di ako sumagot at tinungga ko na lang ang baso ko. Nakatingin pa din sa akin si Patrick, pati sila Vic at Alex.

"Silence means yes." Saad ni Patrick at di na ako nagkomento. "Shit pre bakit si Seira pa? O bakit mo lang ngayon na realize na may gusto ka na sa kanya kung kaylan nasaktan mo na siya." Hinagod ni Patrick ang buhok niya kaya ito nagulo.
"Di ko alam." Sinapo ng dalawang kamay ko ang ulo ko. Di ko na alam gagawin ko.
"Oi Patrick wag mo ng awayin si Clark malaki na problema niya dadagdagan mo pa." Sita ni Dave, yung dalawa naman tahimik na umiinom.
"Anong gagawin mo ngayon?" Yan ang tanong ni Patrick.
"Sa totoo lang di ko alam, pakiramdam ko wala akong pag-asa sa kanya." Sino bang babae ang magbibigyan ng pagkakataon sa lalaking na nanakit sa kanila.
"So susuko ka na lang?" Si Alex naman ang nagtanong.
"Ayokong sumuko kaso parang wala akong lakas na suyuin siya. Ano bang panama ko kay Arthur na kasama niya noon, kay Blake na nagbago para sa kanya." Di ko akalain na maiinsecure ako ng ganito.
"So suko ka na?" Si Vic naman ang nagsalita sinamaan ko siya ng tingin dahil inulit lang niya ang sinabi ni Alex. "Easy lang pre wag kang magalit." Tinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko.
"Bakit kasi inulit mo lang yung sinabi ni Alex?" Saad ko sabay sandal sa inuupuan ko.
"Gusto ko lang naman tumulong, gusto ko lang siguraduhin mo yung sagot mo dahil kung sigurado ka na ay dapat simulan mo na ang pagbitaw sa nararamdaman mo." Ininom niya ang alak na hawak niya.
"Alam mo pre, bakit pakiramdam ko ayaw mo magkatuluyan sila Seira at Clark?" Komento naman ni Dave.
"Oi wala akong iniisip na ganyan. Ang sinasabi ko lang ay wag kang mag-aksaya ng oras. Kung ayaw ayaw yun lang yun." Napailing na lang ako sa sagot niya.
"Eh bakit ikaw ayaw mo pang tantanan si Carolina?" Mapang-asar na tanong ni Alex.
"Tsk... bakit sa akin napunta ang usapan na ito. Di ba si Clark ang may problema dito." Inismiran lang ni Vic si Alex.
"Pero pre kung liligawan mo siya mukhang mahihirapan ka talaga." Si Alex naman ang nagsalita at na iintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
"Isa lang payo ko sayo kung liligawan mo si Seira. " napabaling ako ng tingin kay Patrick na napabuntong hininga. "Dapat ligawan mo din ang anak niyang si Tristan." Dugtong niya. "Pero ito lang sasabihin ko sayo, saktan mo si Seira at isa ako sa makakaaway mo." Bantang dugtong niya.

Inubos na namin yung alak bago mapagdesisyonan namin na makisali kila Blake. Nagjejet ski kasi siya habang angkas si Tristan kasabay nila si Val na magjet ski. Sila Patrick at Dave ay nagjet ski, kami naman nila Vic at Alex napagdesisyonan na lumusong na lang sa dagat. Nung medyo nasa malayo na ako ay tinanaw ko muli ang pangpang . May maliit na cotage dun kung saan pwede mag-ihaw at magpahinga at nandun si Seira habang kasama si Arthur at ang lola nito. Mula dito ay nakikita ko ang pagngiti ni Seira sa lola ni Arthur at kita ko din dito ang pagtitig ni Arthur kay Seira. Kita sa mata niya ang paghanga at pagkagusto niya sa babaeng nagugustuhan ko. Bakit ngayon ko lang ito naramdaman? Kung noon ko ito naramdaman ay baka di niya pinagdaanan lahat ng masasakit, at kung nang yari ang bagay na yun ay nasa tabi niya ako. Pero wala ako noon at sa mga bawat taon na nakalipas ay lumayo na siya at nawala na ang nararamdaman niya para sa akin.
Na iimagine ko kung noon ko ito naramdaman baka imbis na si Seira ang nagpapasweet sa akin ay baka ako ang gumagawa nun. Na iimagine ko ang mukha niya kapag ginagawa ng isang nobyo ang bagay para sa nobya niya, sigurado ako todo ngiti ang ibibigay niya sa akin at sigurado akong magniningning ulit ang mata niya.
Maraming katanungan ngunit wala akong masagot, isang malaking misteryo sa akin ang nararamdaman ko kung bakit ngayon ko lang ito naramdaman parang dagat na habang palalim ay maslalong nagiging misteryo sa atin. Sana sa takdang panahon masagot ko na ang tanong na ito at sana pagsagot ko iyon ay kasama ko si Seira sa tabi ko. Sobra na ba ang hiling ko?

"Clark!!" Naputol ang iniisip ko at napatingin sa pangpang. Nandun na silang lahat sa pangpang kaya lumangoy na ako pabalik.

Pagdating ko sa pangpang ay nakita ko na silang naglalakad papunta sa cotage, 'tsk' mga kaibagan ko ba sila mga nang iiwan. Maglalakad na sana ako pero nakita ko si Tristan na nakatayo sa tabi ko.

"Ahm do you need anything? " tanong ko, medyo na iilang ako sa titig niya. Parang matandang nanunuri sa kapwa niya.
"I just want to talk to you." Lumingon siya sa cotage at biglang binalik ang tingin sa akin.
"Ahm ok." Di ko alam paano siya pakikitunguhan.
"I just want to thank you on what you did for my mom." Agad na saad niya na kinabigla ko. Di ko alam na alam niya na ako ang nagligtas sa mommy niya.
"Ahm your welcome." yan na lang na sabi ko. Matapos kong magsalita ay umalis na siya at sinalubong siya ni Seira na may hawak ng towel.

Pinagmamasdan ko sila at iniisip ko kung sakali anak namin ni Seira si Tristan siguro napakasaya siguro namin. Napailing ako sa iniisip ko, naglakad ako papunta sa cotage at nakita ko ang nakahandang pagkain.

"Oh kain na kayo." Yaya ni Inang Marsedes.
"Wow mukhang masasarap ang mga pagkain na ito." Komentong saad ni Alex.
"Naku ijo ng bola ka pa." Nakangiting saad ni Inang.
"Inang totoo naman na masarap po kayong magluto." Nakangiting saad ni Seira kay Inang.
"Naku ija tama na ang pangbobola kumain na kayo."
"Mom where are the spoon and fork?" Tanong ni Tristan habang hinahanap ang mga kutsara at tinidor.
"We're gonna use our hands." Kumuha si Seira ng pagkain at nilagay sa dahon ng saging at nilagay sa harap ni Tristan na halata naguguluhan.
"Mom I don't know how to use my hands to eat." Saad ni Tristan.
"I will teach you. Just copy on what I'm doing." Paliwanag naman ni Seira. "Just got a small portion of meat then put on the top of the rice then use your fingers to get the rice and meat and once you have them on your hand, use your thumb to push the food." Dinemo ni Seira kung paano kumain gamit ang kamay. Nang si Tristan na ang gumawa ay imbis na hinlalaki ang gamitin niya para itulak ang pagkain sa kamay ay sinalampak na lang niya sa bibig niya ito kaya napakaraming kanin ang dumikit sa pisngi niya.
"Mom I think I make it." Humarap si Tristan kay Seira na ngayon ay natatawa sa itsura ng anak. "Your making fun of me." Ngumuso si Tristan na agad naman hinalikan sa labi ni Seira.
"No pouting." Kumuha siya ng pagkain at sinubo kay Tristan.

Habang pinagmamasdan ko sila ay na isip ko na gusto kong makasama si Seira at ngayon napagdesisyonan ko na susubukan ko mapalapit sa kanya muli at sisiguraduhin ko na sa unting unting paglapit namin sa isa't isa ay mararamdaman niya ang nararamdaman ko. Now it's my turn and my chase.

------------------------------------------------
A/N: Hope you like this chapter.

Don't forget to vote, comment and like.

Here is my fb page https://www.facebook.com/dreamerhime

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon