Chapter 7

2.4K 56 5
                                    

Chapter 7

~Clark's POV~

Sunday ngayon at kahapon yung contest nila Seira na di ko sinipot. Hanggang ngayon na guguilty pa rin pero iniisip ko na ito lang ang paraan para lumayo siya sa akin. Kahapon ay kasama ko si Nicole nagpunta kami sa rest house namin sa Tagaytay at dun naghorse back riding kami kaya kahit papaano na wala sa isip ko yung contest. Umuwi rin kami nung gabi ding iyon at dun ako nakakakuha ng balita mula sa post ng school namin sa fb na nananalo sila Seira. Wala na rin akong nakuhang text message mula kay Seira sa tingin ko magcecelebrate siguro sila kaya di siya nagttxt.

Ngayon kakagaling ko lang magsimba at nakita ko si Nicole sa may labas ng simbahan, inimbitahan siya ni mommy maglunch sa bahay at pumayag siya, pero sabi niya pupunta na lang siya sa bahay at ngayon iniintay ko na siya.

"Hijo nandyan na si Nicole sa labas." Sabi ni manang Felisa.
"Salamat po manang." Tumayo na ako at pumunta sa may pinto sakto paglapit ko sa pinto ang pagbukas nito.
"Babe" Nakangiting bati sa akin ni Nicole.
"Bakit ngayon ka lang?" Tiningnan ko yung dala niyang paper bag.
"Sensya na, nagdala kasi ako ng dessert. Gawa namin ni Mama, buko pandan."tinaas niya yung paper bag.
"Wow mukhang masarap iyan." Kinuha ko yung paper bag at sakto may kasambahay kaming dumaan "Ate Carla paki dala naman po ito sa kusina at palagay sa ref." Pakikisuyo ko.
"Ok po sir Clark. " kinuha niya yung paper bag na naglalaman ng buko pandan at agad din umalis.

Dinala ko si Nicole sa sala para makipagkwentuhan at habang nagkwekwentuhan ay nabanggit niya ang pagkapanalo namin sa dance competition.

"Oo nga pala babe na nanalo pala yung school natin sa dance competition at ang balita pang apaat na championship natin ito ng pagkakasunod-sunod." Masayang sabi ni Nicole.
"Oo nga daw, nabasa ko sa fb page ng school."pilit na masayang saad ko.
"Teka bakit parang wala kang ideya na apat taon tayong nagchampion dun?" Kunot noong tanong ni Nicole.
"Ang totoo wala naman akong paki-elam noon sa dance troupe. Naririnig ko na lang na champion sila pero di ko binibigyang pansin. Kung may program naman kasi sa school laging mga seniors lang ang nagpeperform." Pagpapaliwanag ko.
"Di ba si Seira kasali sa dance troupe ngayon. Inimbitahan ka ba niyang manuod?" Seryosong nakatingin sa akin si Nicole.
"Oo inimbitahan niya ako kaso di ako pumunta." Pahina mg pahina ang boses ko.
"Parte pa rin ba ng plano ninyo ito?" Seryoso ang mukha ni Nicole.
"Oo" mahinang sagot ko.
"Sabihin mo sa akin ang totoo." Tumingin ako sa kanya at nakita kong napapikit at napahinga siya ng malalim "nung isang linggo dapat may date kayo ni Seira? " agad niyang sinabi nung nagmulat siya ng mata sabay tingin sa mga mata ko.
"Pa---paano mo nalaman?" Utal kong tanong
"Narinig ko si Seira nung nakaraang biyernes na may date kayong dalawa. Kala ko imbento lang ni Seira dahil nung araw na sinabi na may date kayo ay nagyaya sila Vic dito sa bahay ninyo." Pagpapaliwanag niya "so di mo rin ba siya sinipot?" Dugtong na tanong niya.

Imbis na sumagot tumango na lang ako, napabuntong hininga siya sabay sandal sa sofa. Napapikit siya at mukhang may iniisip, samantala ako nananahimik lang.

"Alam niyo naaawa ako kay Seira sa pinaggagawa ninyo, bilang babae at pati kayong mga lalaki masakit umasa." Ewan ko pakiramdam ko kinokonsensya ako ni Nicole.
"Babe ginagawa ko lang ito para sa atin. Ilang beses ko ng pinagtulakan si Seira pero di siya tumitigil kaya ito na lang ang na isip namin ang saktan siya." Pagkukumbinsi ko sa kanya, pakiramdam ko walang halaga yung ginagawa ko para sa kanya.
"But Babe anyone does not have any right to hurt someone. "  nung sinabi niya iyon ay di na ako nakapagsalita. Aaminin ko tama ang sinabi niya at dahil dun wala na akong pwedeng ipakontra dun.

Di na kami nag-usap tungkol dun dahil dumating sila mommy at daddy.  Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain, agad din naman umuwi si Nicole dahil may mga gagawin pa daw siya.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon