Chapter 4

2.5K 52 0
                                    

Chapter 4

A/N: continuation ng flashback.

~Clark's POV~

Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sa sinabi ni Vic, parang binulungan ako ng demonyo nung sumangayon ako sa plano niya. Ayoko naman talaga kaso pag-iniisip ko ang kapakanan ni Nicole naiisip ko na tama ang gagawin ko, I will do anything to protect the women that I love. Pero bago ko tuluyan gawin ang plano ay kakausapin ko muna sa Nicole para ipaalam ang gagawin ko. Tnxt ko na si Nicole na magkita kami sa likod ng gym para dun mag-usap at ngayon papunta na ako. Kinakabahan ako dahil baka di niya maunawaan ang gagawin ko pero sana maintindihan niya. Nung nakarating ako sa likod ng gym ay nakita ko agad si Nicole na napatayo ng nakita ako.

"Babe" tawag niya habang nakangiti.
"Babe" niyakap ko siya at nung humiwalay ako sa kanya ay ningitian ko din siya.
"Ano pala yung sasabihin mo at di na lang sa classroom mo sabihin?" Umupo kami sa hagdaan.
"Ano kasi..." may kaba sa akin dibdib "Babe may plano kami.." tiningnan ko siya at halata sa mukha niya ang pagkainip.
"Ano yung plano ninyo?" Alam ko kilala niya ang mga taong kasama ko sa pagplaplano.
"Balak kong syotain si Seira." Mabilis pero sinugurado kong maiintindihan niya. Tiningnan ko siya at nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
"WHAT!?" Napatayo siya at di makapaniwalang tanong niya "so makikipagbreak ka sa akin?" Halata sa boses niya ang parang iiyak.
"NO babe." Sagot ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya "di ako nakikipagbreak sayo." Dugtong ko.
"Pero bakit syosyotain mo si Seira?" Nakatingin siya sa mga mata ko at tinitingnan kung seryoso ako sa sinabi ko.
"I'm doing this to protect you." Alam ko kita sa mata ko ang concern para sa kanya.
"For my protection? Di ko maintindihan,  paano ako maproprotektahan sa paraan na iyan?" Halata sa kanyang mukha ang pagkalito.
"Babe alam ko di magtatagal malalaman ni Seira na may relasyon tayo at alam mo ang pwede niyang gawin sayo." Alam ko alam niya ang ibig kong sabihin.
"Ano naman kung malaman niya, mas mabuti nga iyon alam niya at di na natin kaylangan magtago. Dapat tanggapin niya na ako ang babaeng guto mo, sabihin natin sa kanya na nagmamahalan tayo." Saad niya
"Di gagana iyon. Dati ko nang ginawa iyan, pero mapilit siya at yung babaeng pinakilala kong mahal ko noon ay inaway niya at sa huli lumayo sa akin ang babaeng nililigawan ko." Pagpapaliwanag ko. Tiningnan ko siya at tahimik siyang nakatingin sa akin.
"Anong mangyayari kung maging kayo?" Tanong niya.
"Pag naging kami ay ipaparamdam ko sa kanya na di ko talaga siya mahal. Ipaparamdam ko na wala siyang halaga sa akin."
"Pero masasaktan siya." Agad na sabi niya, parehas sila ni Patrick ng sinabi.
"Yun ang talagang plano ang saktan siya para kusa na siyang lumayo sa akin." Pagpapaliwanag ko, tiningnan ko ang mata niya at kita ko ang pag-aalinlangan niya.
"Paano naman tayo?" Halata sa boses niya ang di pagsang-ayon sa akin pero alam ko na iintindihan naman niya.
"Ganun pa din pa tago pero pangako ko sayo tuwing weekend lagi mo akong kasama." Hinalikan ko ang likod ng kanyang palad "tandaan mo ikaw ang mahal ko." Paninigurado ko sa kanya.
Pagkatapos namin mag-usap ay bumalik na kami sa classroom, mamaya ko kakausapin si Seira tungkol sa pagpayag kong maging boyfriend niya. Sinabihan niya ako na lapitan ko siya kung handa na ba akong tanggapin ang alok niya maging girlfriend ko. Nang natapos ang pang-umagang klase namin ay agad akong nagpunta sa canteen para hanapin si Seira, gusto ko ng umpisahan ang plano para matapos na rin agad. Pagkarating ko sa canteen agad kong nakita si Seira sa isang table na umiinom ng juice gamit ang straw. Tinitingnan ko  siya at aaminin ko maganda si Seira at napakalakas ng dating niya at nakikita ko ang mga lalaking nakatingin sa kanya. Mukhang di niya ito napapansin dahil abala siya sa pagbabasa habang umiinom ng juice. Napalunok ako dahil sa paraan niyang pag-inom ng juice, parang napakaswerte ng straw dahil dumadampi ito sa kanyang mapupulang labi at may oras na isusubo niya ang istraw ngunit hihinto ito bago pa niya isubo, tapos mapapakagat labi siya. Nakapikit na napailing ako, ano ba ang ginagawa niya? Nang aakit ba siya, dahil marami kaming nakatuon sa kanya.  Napagpasyahan ko na lapitan siya at ng nakalapit ako ay napatingin siya sa kin.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon