Chapter 21
~Seira's POV ~
Natulos ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko ang papalapit na liwanag sa akin. Alam kong isang sasakyan iyon na babangga sa akin. Ganito ba matatapos lahat ng paghihirap ko.
"SEIRA!!!" Rinig kong sigaw ngunit di na ako nakalingon bagkus nararamdaman kong may tumulak sa akin.
Napasubsob ako sa kabilang parte ng kalsada at narinig ko malakas na pagsalpok ng isang bagay sa sasakyan na dapat babangga sa akin. Inaangat ko ang katawan ko para makita kung sino ang tumulak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, na nginginig ang mga kamay kong napatakip sa aking bibig.
"Da---Daddy." Nangangatal kong tawag. Di ako makatayo kaya pilit kong maglakad gamit ang mga tuhod ko. "Daddy" tawag ko ulit at lalo akong nanginig ng makakita ng dugo na dumadaloy mula ulo ni Daddy. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit ginigising ngunit di siya dumidilat.
"Miss ayos ka lang ba?" May lalaking lumapit sa akin ngunit di ko iyon pinansin nakatingin lang ako kay Daddy at pilit siyang ginigising.
"Tumawag kayo ng ambulansya." Sigaw ng isa pang tao.Mga ilang sandali ay may dumating na ambulansya at sinakay kami dun. Hawak ko lamang ang kamay ni Daddy at lagi kong tinatawag. Nakarating kami sa hospital at agad nilang dinala si Daddy sa emergency room, samantala ako ay nakaupo sa isang gilid at tulalang nakatingin sa mga kamay kong may mga dugo. Nanalangin ako na maging maayos ang lagay ni Daddy at magiging maayos lahat.
"Please God gawin ninyo po lahat para magising si Daddy, magiging mabait na po ako. Di ko na po sasagutin si Daddy, iintindihin ko pa po si Mommy basta po maging maayos siya." Dalangin ko.
"Arnold!!" Napatayo ako ng narinig ko ang boses ni Mommy. Agad siyang lumapit sa pinto ng emergency room. Tumigil din siya dahil alam na di siya pwedeng pumasok sa loob tumingin siya sa akin at napayuko ako. "Anong nang yari?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at ramdam ko ang galit niya dahil sa higpit ng pagkakahawak sa akin.
"Mo----mmy so--rry." Yan ang mga katagang lumabas sa bibig ko.
"Anong ginawa mo?!" Lalong dumiin ang pagkakahawak niya sa akin. Napapikit na lamang ako at napagat ng labi.
"Dapat po ako ang mababangga ng sasakyan pero tinulak po ako ni Daddy." Napaupo si mommy sa sahig habang umiiyak.Di na niya ako kinausap at nanatiling siyang nakatayo sa tapat ng pinto ng emergency room. Lumipas ang dalawang oras at biglang bumukas ang pinto na paangat ako ng tingin at nakita ko yung doctor na umasikaso kay Daddy. Agad akong lumapit at saktong tinanggal niya ang surgical mask niya.
"Doc ok na ba ang asawa ko?" Hinawakan ni Mommy ang braso ng Doctor. Tumingin ang Doctor sa amin.
"I'm sorry Mrs. Vallioso but your husband didn't make it." Parang binaksakan ako ng langit sa sinabi niya.
"No" napapailing saad ni Mommy. "No your lying."
"Mommy" hinawakan ko siya ngunit inihawi niya ang kamay ko at bumaling sa Doctor.
"Please Doc I will pay you just please save my husband. " napaluhod na si Mommy.
"I'm sorry Mrs. Vallioso." Umalis na yung doctor pero si mommy ay nakaupo pa rin at umiiyak,Nang umagang iyon ay nakaburol ang katawan ni Daddy sa isang chapel. Planong icremate ni Mommy ang labi ni Daddy at tsaka dadalhin sa states. Tahimik akong naglulksa sa isang sulok habang nakatingin sa kabaong ni Daddy, si mommy ay iyak ng iyak. At nung huling araw ng burol ay lalo itong umiyak. Hindi pa rin kami nakakapag-usap simula nung nag-usap kami sa ospital. Si Nica ang kasama ko lagi pero di ako nakikipag-usap, parang nawalan ako ng kakayahang magsalita at mag-isip. Nalulunod ako sa lungkot na aking nararamdaman. Pagkatapos icremate ng labi ni Daddy ay may kaunting bisita pa din, si Mommy ay nagkulong sa isang kwarto dito sa chapel.
"Seira, kumain ka." Saad ni Nica ngunit di ako kumibo. Narinig ko siyang napabuntong hininga at napailing. "Nasan ba ang boyfriend mo?" Pagkarinig ko sa sinabi niya ay nakaramdam ulit ako ng sakit. Oo nawala sa isip ko ang tungkol kay Clark pero ngayon ay nanunumbalik ulit ang sakit.
"Wala akong boyfriend. " mahinang saad ko, ramdam ko ang panghihina ko physical, emosyonal. Naramdaman kong napatingin sa akin si Nica.
"Eh di ba nung isang linggo nagpaayos ka ng picnic para sa boyfriend mo." Halata sa boses niya ang pagtataka.
"Di ko siya boyfriend. " nanikip ang dibdib ko at may luhang lumandas sa aking pisngi.Di na siya nagsalita at nagpapasalamat ako dun dahil ayoko munang pag-usapan ang bagay na iyon. Matapos umalis ang mga bisita ay umuwi na kami, magkahiwalay kami ni Mommy ng sasakyan. Di ko kaya yung malamig na trato sa akin ni Mommy, maslumala ito kumpara sa dati. Na unang dumating sila mommy sa bahay, nung pumasok ako sa loob ay nakita kong nakaupo siya sa sofa. Aakyat na sana ako sa kwarto ko dahil gusto kong magkulong sa kwarto. Paakyat na sana ako ng magsalita si Mommy.
"Saan ka pupunta?" Malamig na saad ni Mommy kaya lumingon ako sa kanya.
"Sa kwarto po." Tugon ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at tingin ko ito na ang oras para mag-usap kami.
"Kasalanan mo ito." Ramdam ko ang galit sa boses niya. Nag-init ang mata ko sa akusa ni Mommy. "Kasalanan mo ang lahat, una ikaw may kasalanan kung bakit na kunan ako, tapos ngayon si Arnold! Di ka ba kontento oh pati si Akie gusto mo na ding mawala?!" Tiningnan ko siya dahil sa bingtan na sinabi niya.
"Mo---mmy" nanginginig ang boses ko. Hinawakan ni Mommy ang braso ko at hinaltak ako palabas ng bahay hanggang gate. Tinulak niya ako palabas ng gate.
"Wag mo kong matawag tawag na mommy!!" Sigaw niya. Nakita ko si Manong Guard na nasa likod ni Mommy.
"Mommy sorry po." Na iiyak kong saad.
"Sabi ko sayo wag mo kong tawaging mommy!! Dahil di kita anak!!" Sigaw niya na nagpatigil sa aking paghikbi. "Di kita anak!! di ka namin anak!! Napulot ka lang namin mula sa basurahan!!" Dugtong niya.Parang may bombang sumabog sa harap ko sa mga sinabi niya. Napatitig ako sa kanya at naghihintay na bawiin niya ang sinabi niya pero lumipas ang segundo ay di pa rin siya nagsasalita. Biglang bumalik sa akin ang narinig nung gabing iyon.
Flashback
"So kamusta na yung deal sa Pamilya nila Mr. Abrueva?" Rinig kong tanong ni mommy kay daddy habang nakatingin pa rin ito kay Akie.
"May hiningi siya kapalit na di ko kayang ibigay." Napabuntong hininga si daddy sabay sandal sa headboard ng kama nila.
"Ano ba yung hinihingi niya?" Tanong ni mommy. Isasara ko na ang pinto dahil baka makita pa nila ako.
"25% share sa company natin." Sagot ni Daddy.
"Ang laki ng hinihingi niya. Di natin kaylangan ang tulong niya. Di kaylangan ng pamilya natin ang pera niya. Arnold masaya na tayo kung ano ang meron na tayo, di ko kaylangan ng maraming pera. Sapat na ang pamilya natin, ikaw, ako, si Akie at alam ko kasama rin natin si Baby Akia kahit wala na ito."
"Tama ka masaya na tayo." Pagsang-ayon ni Daddy.End of Flashback
Yung narinig ko yung salitang tayo ay pakiramdam ko ay di ako kasama dun. Ramdam kong may tumulong luha sa mata ko.
"Napulot ka lang namin. Nung mga panahon na iyon ay di ako mabuntis buntis. Pauwi na kami noon at nung may narinig kaming umiiyak. Sinundan namin ang iyak at nagulat kami dahil nakakita kami ng sanggol na nakalagay sa kahon na katabi ng basurahan. Ikaw yun Seira. " nanikip ang dibdib ko. "Dahil sabik kaming magkaanak ay inuwi ka namin ni Arnold. Totoo masaya kami nung dumating ka sa buhay namin. Pero ng nabuntis ako ay lalo kaming naging masaya dahil sa wakas magkaka-anak na kami. Masaya kami ni Arnold dahil dumating ang blessing na iyon. Nagplano kami ng mga bagay bagay para sa pamilyang ito pero dahil sayo nakunan ako." Naiiyak na saad ni Mommy, kaya pala agad na lumayo ang loob ni Mommy sa akin dahil dun. Dahil di nila ako tunay na anak.
"Pinilit kong di magalit sayo pero di ko mapigilan magalit. Ang pamilyang pinapangarap ko ay nawala." Pinunas ni Mommy ang luha sa mga mata niya. "Masisisi mo ba ako ngayon. Kinuha mo na si Akia tapos ngayon si Arnold. Please umalis ka na." Ramdam ko ang pagmamakaawa ni Mommy.Ganon na lang ba yun? Itatapon na nila ako ng ganun. Di ko alam kung bakit nagin ganito ang lahat. Lahat ng taong pinapahalagahan ko ay tinatalikuran ako, ang sakit isipin na tinapon ako ng totoong mga magulang ko. Anong dahilan nila para gawin iyon sa akin? Parang sila mismong nagsabi na di nila ako kayang mahalin dahil kaya nila akong itapon basta basta. Ang mga kinikilala kong magulang pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal ngunit sa maikling panahon lamang, parang pinatikim lang ako ng pagmamahal pero binawi lang agad at ang panghuli ay ang pagmamahal ng lalaking gusto ko. Pakiramdam ko pinagkaitan ako ng pagmamahal, ang pagmamahal na matagal ko ng gustom maramdaman. Aaminin ko iyon ang matagal ko ng gusto, gusto kong maramdaman na mahalaga ako. Yung pakiramdam na pagtinawag ang pangalan ko ay puno ng pagmamahal. Pero parang imposible na mang yari iyon.
Wala na si Mommy sa harap ko, si Manong Guard ay nakatayo sa harap ko. Kita ko sa kanya ang awa habang pinagmamasdan niya ako.
"Miss Seira" tawag niya. Di ako sumagot bagkus tumalikod ako sa kanya.
Ayaw na akong makasama ni Mommy, wala na rin si Daddy, wala na rin si Val. Saan ako ngayon pupunta? Naglakad ako pero di ko alam saan dadalhin ng mga paa ko, gusto kong makalimot, makalimot sa sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...