Chapter 27
~ Seira's POV ~
Di ko alam pero pakiramdam kong may sumisiksik sa aking leeg, pinilit kong idilat ang mata ko at napangiti ako sa aking nakita. Nakita ko si Tristan na sumisiksik sa leeg ko, habit na niya iyon kapag natulog kaya hinahayaan ko na. Bumangon ako at inayos ko ang pwesto ng anak ko, mukhang napuyat ito dahil hinintay niya ako umuwi galing reunion.
Bumaba ako papunta sa kusina at nakita ko si Val na umiinom ng kape habang nakataas ang mga paa niya sa upuang inuupuan niya.
"Good morning Val" bati ko.
"Good morning" bating tingin niya sa akin.
"Aga mo nagising ha, ano meron?" Nagtimpla ako ng kape at umupo sa tapat niya.
"Pupunta kasi si Clara." Walang ganang saad niya, napailing ako sa inaasta niya.
"And who is Clara?" Tanong ko bago ko higupin ang kape ko.
"She is my new assistant." Maikling sagot niya.
"Oh so mag-iistay siya rito kung ganun." Kumuha ako ng toasted bread at nilagyan ng butter.
"Oo" tumingala si Val at napatingin ako sa kanya parang may problema siya.
"Val may problema ba?" Di halata sa boses ko ang pag-aalala pero sa loob ko talagang nag-aalala ako sa kanya at alam niya yun.
"Wala, may iniisp lang ako." Tumingin siya sa akin, nasa ganun kaming sitwasyon ng may tumawag sa akin.
"Mom" agad akong napalingon at napangiti ako dahil nakita ko ang anak na kinukusot ng isang kamay niya ang mata niya.
"Yes handsome. " nakangiting saad ko.
"I want pancake." Umupo siya sa lap ko at yumakap sa leeg ko at tulad kanina siniksik niya ang mukha niya dun.
"Ok mommy will make you a pancake." Tumayo ako at inayos ang pagkakayakap ni Tristan sa akin.
"Hoy bubwit let her go. How can your mom cook if you hang yourself like a monkey." May halong pang-iinis na saad.
"Shut up." Inis na saad ni Tristan.
"Tristan." Mahina ngunit may pagbabanta sa boses ko. I will not tolerate him for acting like that.
"Sorry mom." Ngusong sagot niya kaya hinalikan ko ang labi niya.
"Ok forgiven, so let me go so that I can make your favorite pancakes." Ningitian ko siya at bumitaw siya sa akin sabay upo sa high stool na nasa tabi ng island table, siguradong manunuod at tutulong siya.
"So bukas na pala ang company outing ninyo?" Tanong ni Val habang kumakain kami.
"Oo at kasama ka kaya dun." Saad ko.
"Siyempre naman parang papayag ako na kayo lang magsaya." Ngumisi si Val sa akin.
"Mom can I come?" Napatingin ako sa anak ko na kumakain ng pancake.
"Yes of course handsome you can come." Tugon ko sa kanya habang pinupunasan ang bibig niya.
"Naku babantayan ka lang niyan." Sabat ni Val. "Saan ba tayo pupunta?" Dugtong niya.
"Isang resort sa Zambales. May inihandang activities na gagawin pero ang sabi sa akin ay maspaghandaan daw ng Barcilio ang ipeperform laban sa Imperial. " pagpapaliwanag ko.
"Perform? Mukhang walang magawa ang magkakaibigan na yan." Napapailing na saad ni Val. "So anong gagawin mo sa sinasabi nilang perform." Nangalumbaba siya sa arm chair niya at nagquote sa ere nung sinabi niya yung word na perform.
"Saan ba ako magaling at may na isip na akong gagawin at kaylangan ko ang tulong mo." Alam ko medyo nakangisi ako sa kanya.
"Ayaw mo talaga magpatalo ha. Sure sige tutulungan kita." Nakangising saad naman niya.
"Mom can I come with you to your office?" Liningon ko si Tristan at mukhang tapos na siya.
"Sure handsome but you need to be behave there." Paalala ko sa kanya.
"I'm always behave mom." Bumaba siya sa upuan niya at umakyat na. Mukhang maliligo na siya, ayaw niya kasing paliguan ko siya dahil malaki na daw.
"Pupunta ka ba sa office?" Tumayo na ako at lumingon kay Val.
"Oo hinihintay ko lang si Clara tapos diretsyo na ako sa office mo muna." Tumayo na rin siya.
"Sige kita na lang tayo dun." Umalis na ako para maghanda.Pagdating sa office ay pinagtitinginan ng mga empleyado ang anak ko. Maraming nacucutan sa anak ko at nakikipag-usap pero dahil may pagkasuplado ang anak ko ay dedma lang.
"Mom why there's no picture of us here at your table?" Napatingin ako sa table ko at tama siya wala ngang kaming pictures dito. Sa office ko kasi sa main office ay madami akong pictures namin sa table ko.
"Sorry handsome but this will be not my permanent office but I promise next week I will put some pictures of us here." Pangako ko.
"Nah, I'm gonna do it." tumayo na siya mula sa kinauupuan niya at kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Where are you going?" Napatayo ako.
"I'm gonna go to Tito Patrick." Pinihit niya ang pinto at bago isara ang pinto ay lumingon pa siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/67017402-288-k951165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...