Chapter 59

1.3K 30 5
                                    

Chapter 59

~ Seira's POV ~

Napamulat ako ng mata at tumambad sa akin ang puting ceiling. Inikot ko ang aking mata at nakita ko ang isang aparato na nakakonekta sa mask na nakakabit sa akin. Isa itong oxygen kaya tinanggal ko  ito. Bumangon ako pero naramdaman kong may katabi ako, nung tingnan ko siya ay ganun na lang ang ngiti ko.

"Hey handsome. " gising ko dito.
"Hhhmmm 5 mins..." sumisiksik siya sa gilid ko.
"No handsome you need to wake up." Yumuko ako para halikan ang ulo niya.
"But mom I'm sleepy." Ilang segundo ng sinabi niya iyon ay napadilat siya at bumangon.
"Good morning handsome." Bati ko sa kanya, agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Finally you awake." Sumubsob siya sa leeg ko at niyakap ng mahigpit.
"Thank you for watching  me." Niyakap ko din siya.
"Seira" napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si Val. "Thank God nagising ka na rin." Agad siyang lumapit sa akin.
"Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ko habang inaayos ko si Tristan sa pagkakayakap sa akin.
"Apat na araw kang walang malay. Sobra mo kong pinag-alala." Pinagkrus niya ang braso niya sa kanyang dibdib.
"Pasensya na." Ayokong pinag-aalala siya kaya medyo nakonsensya ako.
"Ok lang, mas importante na ligtas ka. Sila mama at papa ay kinakamusta ka at baka umuwi sila dito." Napaangat ako ng ulo dahil sa sinabi niya.
"Naku na abala ko pa sila tita at tito, sana di mo na lang sinabi." Medyo abala sila para umuwi dito.
"Naku Seira alam mong papagalitan nila ako kapag di ko sinabi ang tungkol sa mga nang yari sayo at massasama ang loob nila kung sa iba pa ito malalaman." Lumapit siya sa mesa kung saan may mga nakapatong na prutas at food container. "Nagugutom ka ba?" Pagkasabi niya nun ay tsaka tumunog ang tiyan ko. "Mukhang gutom ka nga." Parehas kaming natawa dahil sa pagtunog ng tiyan ko.

Habang naghahanda ng pagkain si Val ay tanong ng tanong naman si Tristan kung may nararamdaman ako, para siyang doctor slash imbistigador sa kakatanung.

"Yes doc I'm ok." Ikaapat na sagot ko kay Tristan.
"Tsk... mom be serious. "  singhal niya na kinangiti ko. Him and his serious mode.
"I'm serious handsome." Ngiting tugon ko na kinasimangot niya, ayaw niya kasi na parang binibiro siya.
"Tsk... you act like a child." Pinagkrus niya ang braso niya.
"And you act like an adult."  Kumunot ang noo niya mukhang na iinis na siya sa akin.
"Tsk... is this the result of being safe by tito Clark." Nang marinig ko ang pangalan na yun ay biglang pumasok sa isip ko yung huling nang yari.
"Val si Clark." Nilapag ni Val yung pagkain ko sa side table.
"Nasa ICU siya ngayon, comatose siya." Nagulat ako sa nalaman ko. "Nagkulang ang hangin sa utak niya kaya ganun ang nang yari, mayroon din siyang tubig sa baga." Napahawak ang isang kamay ko sa bibig ko.
"Dahil sa akin kung bakit siya nagkaganun." Wala sa sarili kong saad.
"Hindi mo kasalanan yun Seira,  ginusto ni Clark na sagipin ka." Umupo si Val sa kama at hinawakan ang kamay ko.
"Pero kasalanan ko pa rin." Napayuko ako at bigla kong na alala yung huling sinabi ni Clark. Biglang parang may humaplos sa puso ko kapag na aalala iyon. Umiling ako at muling tumingin kay Val. "Gusto ko siyang makita." Saad ko.
"Dadalhin kita sa kanya pagkakain mo." Kinuha niya ang pagkain ko tsaka yung patungan nito.
"Tita Val, mom is not ok so I will be the one who feed her." Kinuha ni Tristan ang kutsara at kumuha ng pagain mula sa plato ko. "Say ahh mom." Saad niya ng nilapit sa akin yung kutsara.
"Sino ba sa inyo yung bata sa inyo?" Na iiling saad niya pero nakangiti ito.

Pinakain ako ni Tristan at hindi siya pumapayag ng di ko iyon na uubos. Sabi niya ganun din naman daw ako kapag may sakit siya kaya dapat gawin ko din ang ginagawa niya. Matapos akong pakainin ay tinulungan nila akong ilipat sa wheelchair, medyo hindi ko pa kayang maglakad ng maayos. Kasama ko sila Tristan at Val papuntang ICU at dahil di kami pwedeng pumasok kaya sa may bintana na nakapagitan sa amin at sa kwarto kinaroroonan ni Clark kami nakatanaw.

"Hija" napalingon kami at nakita ko ang mommy ni Clark. Halata itong puyat dahil sa mga eyebags pero di iyon nakakabawas sa natural niyang ganda.
"Magandang araw po. Binibisita po lang namin si Clark." Muli akong bumaling kay Clark na ngayon ay may mga tubong nakakabit sa kanya para mabuhay.
"Ganun ba, sigurado akong matutuwa siya pagnalaman niya na dinalaw mo siya." Umupo siya sa malapit na silya. Lumapit ako dun at bumaling kay Val, sa pamamagitan ng tingin ay nagkaintindihan kami.
"Tristan let's go we need to eat something." Saad ni Val, nung una parang tatanggi si Tristan pero mukhang  naramdaman niya na gusto kong makipag-usap sa ina ni Clark. Nang makaalis na sila ay binalik ko muli ang tingin sa mommy ni Clark. Nahihiya ako sa kanya dahil alam ko ako ang dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ngayon si Clark.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon