Chapter 28

1.8K 46 0
                                    

Chapter 28

~ Clark's POV ~

Bigla akong nagising at ramdam ko ang init sa katawan ko. Tiningnan ko ang aircon sa aking kwarto at nakita kong nakatodo ito. Ramdam ko ang pawis sa aking katawan kaya tumayo ako at kumuha ng tubig sa mini ref ko dito sa kwarto.

"Panaginip lang pala yun." Saad ko ng matapos kong inumin ang tubig ko.

Nanaginip kasi ako, sa panaginip nasa isang silid ako at may kasama ako at nung napagtanto ko kung sino ang aking kasama ay parang nag-init na ang pakiramdam ko. It's Seira and she's wearing a sexy lingerie. Di ko alam kung ano nang yari sa sumunod dahil natagpuan ko ang sarili kong nakapatong sa kanya. Sa panaginip ko nakita ko ulit ngumiti si Seira at sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal at habang pinakikinggan ko ang sinasabi niya ay napupuno ng galak ang aking puso. Sa aking panaginip ay naghahalikan na kami at ramdam ko na maaaring humigit pa kami sa halikan. Tinanggal ko ang aking damit habang nakapatong sa kanya at alam kong wala na din siyang saplot ngunit di ko ito makita dahil sa dilim ng kwarto. Hinalikan ko ulit siya at di ko alam pero ramdam ko ng init ngunit bago pa matuloy ay nagising na ako. Napabuntong hininga ako at tumingin sa orasan na nasa aking silid.

"4:30am pa lang." Saad ko.

Ngayon ay Lunes at kagabi kami dumating mula sa company outing. At ang nanalo sa competition sa pagitan namin nila Seira ay sila. Halos lahat na nandun ay binoto sila, kahit naman ako ay humanga din kaya ok lang sa akin na sila ang nanalo. Bumalik na ako sa aking higaan at pilit ko ulit matulog pero pagpinipikit ko ang mata ko ay di ko magawang antukin. Nakatingin lang ako sa kisame at nag-iisip. Napagdesisyonan ko ng bumangon at magjogoging na lamang.

"Good morning sir" ngting bati sa akin ng isang empleyado namin.

Ngayon papasok na ako at kita ko ang sigla ng mga emplayado namin. Agad akong tumuloy sa aking silid at ginawa ang mga na iwang trabaho. Nasa ganun akong sitwasyon ng pumasok ang sekretarya ko.

"Good morning Sir." Bati nito kaya tiningnan ko siya.
"Good morning." Bati ko.
"Ito na po yung budget at other proposal for marketing." Inabot niya sa aking mga folder na dala niya. Agad kong binuksan yun at bigla akong napakunot ang noo ko.
"Bakit di inaprobahan itong proposal at budget na ito?" Ayaw ko sanag uminit ang ulo ko pero di ko mapigilan.
"Di ko po alam Sir, inabot lang po sa akin iyan." Parang natatakot na ang sekretarya ko.
"Sino ang nag-approve nito?" Timpi kong tanong.
"Sila Miss Alessandra po." Napayuko siya. Tumayo na ako at naglakad papunta sa department ni Alessandra. Pagdating ko dun ay agad kong nakita ito.
"Miss Lopez" tawag ko at umangat ang mata nito sa akin.
"Yes Mr. Trinidad" nakangiting tanong nito kaya huminga ako para mawala ang inis ko.
"Why my proposal has no signature for approval? " mahinahon na tanong ko.
"Well honestly I'm not the one who signed it." Kumunot ang noo ko.
"And who is the one who check the proposals?" Gusto ko siyang kausapin dahil pinaghirapan ko yung proposal na ginawa ko.
"It's Ms. Seira who checked it." Parang biglang nawala yung inis ko ng marinig ko ang pangalan niya. Pero desidido akong makausap siya.
"Ok I will talk to her. Thanks." Agad akong naglakad papunta sa opisina ni Seira.

Pagdating ko sa harap ng pintuan ng opisina niya ay inayos ko muna ang sarili ko. Nang binuksan ko ay nakita ko ang table ni Rebeca, bago kasi makapasok sa pinaka opisina ni Seira ay dadaan ka muna sa secretary table at isa pang pinto.

"Good morning Sir Clark. Ano po ang kaylangan ninyo?" Ngiting bati nito.
"Nandyan ba si Seira?" Tiningnan ko ang pinto na papunta sa opisina niya.
"Unfortunately di po papasok po si Ms. Seira. " tugon nito sa akin.
"Bakit daw siya di papasok?" Agad kong tanong ko.
"May pupuntahan po ata siya." Sagot niya.

Agad akong umalis dahil kaylangan ko siyang makausap dahil ngayong araw ang huling araw na mag-aaprove sa budget sa accounting para next year. Agad kong sumakay sa sasakyan at pinaandar ito, agad kong dinial ang numero ni Patrick.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon