Chapter 15
~Clark's POV ~
It's Monday and it also 2 days after Seira and I talked about the past. Sinabi niya na wala na dapat kaming pag-usapan pa tungkol dun, nakonsensya ako sa mga sinabi niya na ginawa ko siyang tanga. Ang totoo gusto ko lang magsorry sa ginawa ko pero parang nawalan ako ng karapatan magsorry dahil sa sinabi niya at bigla kong na alala yung itsura niya noon sa guidance councilor siya. Ginusto ko siyang saktan noon para layuan ako at alam ko na masasaktan siya pero di ako tumigil. Pakiramdam ko sa mga sinabi ni Seira dapat panindigan ko ang mga ginawa ko noon at di dapat ako humingi ng tawad dahil tapos na at nasaktan na siya pero maliba na humingi ng tawad.? Oo aamin ko ginusto ko iyon pero habang nagtagal na realize ko na mali ako, na wala akong karapatan manakit ng kapwa. Pero may magagawa pa ba ang pagsosorry ko, may makukuha pa ba siya dun? Pakiramdam ko ako lang ang makikinabang sa pagsosorry ko dahil gagaan ang pakiramdam ko pero siya kaya gagaan ba ang loob niya kung gagawin ko yun?
"Hoy Clark!!" malakas na tawag ni Alex sa akin kaya naputol ang iniisip ko.
"Ano yun?" Baling ko sa kanila at kita ko napakunot noo silang lahat sa akin.
"Kanina pa kami salita ng salita dito yun pala di ka nakikinig." Walang ganang sumandal si Vic sa couch na nasa opisina ko.
"Pasensya na may iniisip kasi ako." Tiningnan ko sila isa-isa.
"May problema ba pre?" Tumingin ako kay Dave at kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
"Nagkausap kami n Seira noong biyernes. " saad ko at buong atensyon nila ay napunta sa akin.
"Anong pinag-usapan ninyo?" Halata sa boses ni Dave ang kuryusidad.
"Magsosorry sana ako tungkol sa nang yari 5 years ago." Pinagsaklop ko ang mga kamay ko at pinatong ko ang siko sa mga tuhod ko.
"Ano sabi niya?" Binalingan ko si Alex.
"Wala na dapat daw kaming pag-usapan dahil malinaw na sa kanya ang lahat dahil pinamukha ko na sa kanya na di ko siya talaga minahal at ginawa ko siyang tanga." Napabuntong hininga ako at parang sumakit ang ulo ko.
"Mukhang ayaw na niya pag-usapan ang nang yari kaya wag na natin ungkatin." Seryosong saad ni Vic.
"Gusto ko lang humingi ng tawad." Seryosong saad ko.
"Baka kaya ayaw niyang pag-usapan dahil masakit pa rin sa kanya ang nang yari." Saad ni Alex.
"Ang sabi niya binaon na niya sa limot iyon. Siguro tama siya dapat ibaon na sa limot ang lahat." Sinandal ko na ang likod ko sa couch.
"Eh kung yun sinabi niya hayaan na natin ang nakaraan." Di ko alam kung may pakelam si Vic sa nang yari noon para kasing wala sa kanya.
"Tama si Vic wag na natin pag-usapan. Iba na lang pag-usapan." Saad ni Alex.
"Oo nga pag-usapan na lang natin yung reunion natin sa Thursday. " saad ni Vic.
"Kala ko ba kalimutan ang nakaraan eh reunion ibig sabihin babalikan natin ang nakaraan at makikita ang mga tao na naging parte nito." Naiiling na saad ni Dave.
"Syempre iba yung nang yari noon ito happy happy lang, kumbaga magsasaya lang tayo.." Saad ni Alex.
"Ewan ko sa inyo?" Ang gugulong kausap nitong mga kasama ko.
"Sa tingin ninyo darating ang lahat pati si Nicole?" Napatingin sila sa akin ng sabihin ni Vic ang pangalan na yun.
"Oh makatingin kayo sa akin." Masamang tingin ko sa kanila.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Pakantang saad ni Alex sabay nag-apir sila ni Vic. Napailing na lang ako sa dalawang ito.
"Pero ang alam kong mas excited diyan ay si Dave. " siniko ni Alex si Dave.
"Ako na naman ang nakita ninyong dalawa. Kapag kayo may nagustuhang babae humanda kayo sa akin." Mapanghamon na tugon ni Dave.
"Malayo pa mangyari yun. May charm is irresistible kaya di ako nagmamadali dahil alam ko siya ang lalapit sa akin. " Saad ni Vic na nakangiting aso. Halatang iniinis si Dave.
"Oh talaga eh bakit di umuubra ang charms mo kay Carolina. " nakangising saad ko. Kawawa ang bestfriend ko pinagtutulungan ng dalawa.
"Aaahhh charm pala." Nakangising saad ni Dave.
"Oi Clark ganyanan ha. May kinikilingan ka ha." Masamang tingin sa akin ni Vic.
"Kawawa naman kasi ang bestfriend ko pinagtutulungan ninyong dalawa." Pagdedepensa ko.
"Ay ganyan pala kampihan. Tingnan nating padating ni Patrick. " nakangising saad nito.
"Oh speaking Patrick kaylan ba uwi ng ugok na yun?" Tanong ni Alex.
"Wala di na tumawag ang loko mukhang mangsusurpresa sa atin." Napapailing na saad ni Vic.
"Hayaan niyo na si Patrick kung dumating siya eh di dumating." Tumayo na ako at bumalik na ako sa pwesto ko. "Kayo wala ba kayong balak magtrabaho." Kunot noo ko silang tinignan.
"Oo na aalis na kami. High blood na naman siguro may period ka nuh." Mapang-inis na saad ni Vic.
"Naku wala akong dala dito. Sayang, ano bili namin ikaw ng napkin with wings?" Lokong Alex itong, anong napkin with wings? Mukhang ako naman ang pinagtutulungan nila.
"Mga Ulol!! Magsilayasan nga kayo." Binato ko sila ng linamukos kong papel.
"Hahaha sige alis na kami." Paalam ni Dave at napailing na lang ako.
'Bakit ko ba naging mga kaibigan ang mga ugok na yun?' Tanong ko sa isip ko. Binalik ko ang paningin ko sa laptop at ginawa na ang dapat kong gawin.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomansaFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...