Chapter 18

1.8K 39 0
                                    

Chapter 18

~Seira's POV~

Ang saya ko dahil pumayag na si Clark na maging boyfriend ko. Honestly iniisip ko na napaka immature ko nung inalok ko siya maging boyfriend.  Well I'm still a kid on that time, pero ngayon di ko pinagsisihan na inalok ko sa kanya iyon. Pero gusto ko din maranasan ang maligawan, ayokong maging demanding kay Clark kasi baka masakal siya sa akin at makipagbreak.
"Mukhang masayang masaya ka." Napukaw ni Val ang atensyon ko.
"Oo naman. Finally boyfriend ko na si Clark." Di mawala sa labi ko ang ngiti.
"May masama akong pakiramdaman diyan." Tiningnan ko siya at unti unting nawawala ang ngiti sa labi ko.
"Val di ka ba masaya para sa akin?"  Pakiramdam ko di siya masaya para sa akin.
"Seira di mo ba na isip kung bakit biglang pumayag si Clark na maging boyfriend niya. Parang mali kasi sabi niya imposibleng magkagusto siya sayo pero ito ngayon siya mismo ang pumayag sa alok mo." Parang na iiritang saad niya.
"Val sabi nga niya he giving a shot sa relasyon namin. Ipaparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko sa kanya at kinalaunan mamahalin na rin niya ako. Ang mahalaga nabigyan ako ng pagkakataon na maging kami." Pagpapaliwanag ko.
"Tsk... ni di ka niya niligawan." Napapailing na saad niya.
"Di na importante iyon. Pwede naman niya akong ligawan habang nasa relasyon kami."
"Kung gagawin nga niya iyon." Bulong niya ngunit rinig ko naman.
"Val please be happy for me. Masaya na ako ngayon." Ningitian ko siya para pakita na masaya ako sa mga nang yayari sa akin ngayon.
"Fine" parang na uubusan na pasensyang saad niya. Pero pagganyan siya ay pumapayag na siya sa mga desisyon ko.
"Thanks Bitch." Ngiting tugon ko.

One week na rin kami ni Clark, pero di tulad ng ibang relasyon na nababasa ko sa libro. Di sweet si Clark kaya ako ang nagiging sweet sa kanya. May mga babae pa din na lumalapit kay Clark pero dahil ako ang girlfriend niya ay kaylangan kong protektahan ang pag-aari ko. Oo possessive na kung possessive pero kaylangan kong gawin dahil alam kong di parehas pa din ang nararamdaman ni Clark para sa akin. Alam ko na pwedeng bumitaw si Clark sa relasyon na ito. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib ko, umiling ako dahil ayokong isipin na iiwan ako ni Clark. Na realize ko lang it's really hard to be in relationship if there is only one who is in love.

"Seira halika na." Napukaw ako sa tawag ni Val.
"Wait." Tumakbo ako papunta sa kanya. Ngayon kasi PE namin at kasabay namin ang section nila Clark.

Nung dumatimg kami sa gym ay nandun na ang lahat pati ang section nila Clark. Inexplain ni Sir ang gagawin namin, well maglalaro kami ng basketball at kasali kami ni Val sa team namin. Sila Clark din ay kasali, well kahit boyfriend ko siya ay di ako magpapatalo. I'm a competitive person at ayoko laging nagpapatalo. Natapos ang laro namin na kami ang nanalo at napag-usapan namin ni Clark na kung sino ang matalo ay dapat gawin niya ang kung anong hilingin ng nanalo.

"Oh di mapagsidlan ang saya mo." Komento ni Val habang nagpapalit kami ng damit.
"Nanalo kasi tayo sa laro at panalo din ako sa pustahan namin ni Clark." Masayang turan ko.
"So ano naman ang ipapagawa mo?" Tinali ni Val ang buhok niya.
"Magpapalibre ako sa kanya sa Jollibee. " masayang saad ko habang inaayos ko ang mga damit na pinaghubaran ko.
"Wag mong sabihin dadalhin mo siya sa mga paborito mong lugar?" Alam ni Val ang mga paborito kong lugar. Well nadala ko na siya dun dahil lagi niya akong sinasamahan.
"Yup, gusto kong dalhin si Clark dun. Espesyal sa akin si Clark kaya gusto ko siyang dalhin dun." Pagpapaliwanag ko.
"Seira, magtira ka para sa sarili mo." Napahinto ako sa ginagawa ko. Alam ko kung anong ibig niya sabihin.
"Val alam mo naman na pagnagmamahal ako ay talagang binibigay ko ang lahat."malungkot ang naging expresyon ko.
"Yun nga eh, wala kang tinitira sa sarili mo. Tingnan mo ngayon nasasaktan ka sa pagmamahal mo sa pamilya mo."
"Val pamilya ko sila."
"Oo nga pero bakit parang wala silang pakielam sayo. Seira di ako bulag pagnandun ako sa inyo ay parang wala ka naman sa paningin nila."
"Busy si daddy at si mommy..." nalungkot ako "busy siya sa pag-aalaga kay Akie. " dugtong ko.
"Seira di ka pa ba pinapatawad ng mommy mo sa nang yari sa kapatid mo na di pa sinisilang?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Val.
"Mukhang di pa." Napapikit ako dahil parang maiiyak ako kapag inaalala ko yung nang yari.
"Matagal na yun at tsaka di mo naman sinasadya yun." Hinagod ni Val ang likod ko.
"Kasalanan ko naman talaga." Mapait na ngiti ko.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon