Chapter 2
~Clark's POV~
"Yoh Clark" isang malakas na boses, si Alex.
"Anong ginagawa ninyo dito?" Isa isa ko silang tiningnan. Lahat ng barkada well except sa isa.
"Sinusundo ka namin, baka mawala ka." Pabirong saad ni Vic.
"Sira, ako maliligaw baka kayo." Nagyakapan kami yung yakapang panglalaki.
"Naku marami ng nabago dito sa Pilipinas nuh di tulad noon." Tinulungan ako ni Dave sa mga bagahe ko.
"Well expect ko na maslumalala ang traffic. At maslumala ang init dito." Napapunas ako ng pawis nung nakalabas na kami sa terminal. Sobrang init talaga parang nasa pugon ako, well summer ngayon at mga alas dose na ng apon kung saan katirikan ang araw.
"Ay tama ka nung unang araw kong bumalik dito gusto ko ng agad pumasok sa loob ng ref at dun na lang manirahan kaso sayang ang kagwapuhan ko kung ireref ko lang, kaya napagdesisyonan kong maki pagsabayan kay haring araw sa pagiging hot." Malokong sabi ni Vic.
"Wala ka paring kupas sa kayabangan." Sabay sabay naming sabi sabay tawa. Ito ang di mababago sa amin ang pagiging maloko.
"So kamusta na ang pakikipag-usap mo sa D.G Construction? " tanong ni Dave sa akin.
"Ayos naman, napresent sa akin ni Mr. De Guzman ang design ng hotel na ipapatayo natin sa Tagaytay." Sabi ko ng nakasakay na kami sa van.
"Ayos yan excited na ako sa bagong hotel natin." Masayang sabi ni Alex. Ito kasi ang unang hotel na kami magkakabarkada ang nagplano.
"Eh dito kamusta na yung mga bagay para sa restaurant natin?" Na una silang bumalik dahil sa pag-aayos para sa restaurant na bubuksan namin sa isa sa mga hotel na pagmamay-ari ng pamilya ko.
"Ayos naman pero gusto ng board ay iprisent ito na nandito ka kaya di pa namin talaga na prepresent ito." Si Dave ang sumagot sa tanong ko.
"Oi guys wag muna trabaho ang pag-usapan natin. Mag trip muna tayo." Suwestyon ni Vic na ngayon ay nagdridrive.
"Ano naman ang gagawin nating trip?" Tanong ni Alex na katabi ni Vic.
"Kung bumalik tayo sa school natin nung high school." Sabi ni Vic habang nakasilip sa rear view mirror.
"Ano yun balik tanaw lang. Tol di mo naman kami nasabihan na maypagka-sentemental ka pala." Pagbibiro ko.
"Wala naman masamang magbalik tanaw." Napailing na lang kami sa sinagot niya.Pumayag na rin kami sa suhestyon niya, wala lang trip lang namin eh. Nang makarating kami sa school namin nung high school agad bumalik ang mga ala-ala namin kaya puro kami tawa. Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa mga locker at bigla na lang pumasok sa isipan ko ang isang ala-ala.
Flashback
"Oi Clark malalate ka na!!" Panggigising sa akin ni mommy.
"Ito na po bababa na po!" Sigaw ko, naka-ayos na ako kaya agad akong nakalabas sa kwarto ko.
"Ikaw bata ka ang tagal mo mahuhuli ka na klase mo oh." Sabi ni Mommy habang inaayos ang hapag.
"Di yan mom akong bahala." Hinalikan ko siya sa pisngi nung nakalapit na ako sa kanya. Kumuha ako o ng slice ng tinapay at pinalamanan ng hotdog mayo at ketchup.
"Oh yan lang kakainin mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni mommy, mabait si mommy pero mukhang beast mode na naman.
"Sungit naman ng mommy ko." Paglalambing ko.
"Naku wag mo kong daanin sa ganyan. Naiinis lang ako." Pagsusungit niya sa akin.
"Nasan po ba si Daddy? " lumingon ako at wala akong nakita ni anino ni Daddy.
"Ewan ko dun sa ama mong yun. Ay naku wag nating siyang pag-usapan dahil na iinis lang ako." Mukhang nagtatampo na naman si Mommy kay Daddy.
"Sige Ma alis na po ako." Humalik ulit ako sa pisngi niya at sabay kuha ng bag ko na nasa upuan.
"Sige, mag-ingat ka." Hinalikan din ako sa pisngi.Sumakay na ako sa sasakyan na maghahatid sa akin. Ayaw ni Mommy magdrive pa ako dahil bata pa daw ako. Habang nag-iisip ako ng mga bagay bagay ay di ko napansin na nasa parking na kami ng eskwelahan. Agad akong bumaba at nagmadaling pumunta sa locker d da hil nandun ang iba kong gamit. Tumakbo na ako dahil malalate na ako, nung na sarado ko na yung locker ko agad akong humarap sa kanan at nung tumakbo ako ay may biglang sumulpot sa gilid at nagkabangaan kami.
"ARAY!!" Ako ng mapaupo ako sa sahig, at yung nakabunggo ko ay nagkalat ang gamit.
"Sorry di kita na kita." Pinupulut niya yung gamit niya.
"Sa susunod kasi mag-iingat ka." Tinulungan ko siyang kunin ang gamit niya.
"Sorry talaga." Sabay namin nahawakan ang notebook niya, kaya napatingin ako sa kanya. At napatigil ako sa pagkilos nung nakita ko ang mukha niya. "Pasensya na talaga, tsaka salamat. Mauna na ako." Sabi niya sabay alis samantala ako nanatiling nakatingin sa kanya habang papalayo siya."Mr. Trinidad what are you doing there?" Bumalik ako sa reyalidad at napatingin sa taong tumawag sa akin.
"Ah eh hi Sir." Bati ko sabay tayo, kung mamalasin ka naman yung disciplinary Committee ang naka kita sa akin.
"What are you doing? Mahuhuli ka na sa klase mo." Tumingin siya sa relo niya sabay tingin sa akin.
"Ah ito na po papunta na po ako sa classroom po namin,, sige po sir bye po." Ako sabay takbo, ayokong madetensyon kaya iniwan ko na siya.
"Yoh pre late ka na." Bati sa akin ni Alex.
"Muntik na nuh." Buti na lang wala pa si Ma'am kaya swerte pa ako.
"Ano nang yari sayo kung bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Dave.
"Tinanghali ako kasi ng gising eh at tsaka---" naputol ang sasabihin ko dahil pumasok si Ma'am.
"Okay class may bago kayong kaklase." Sabi ni ma'am na nakatayo sa harap "halika hija pasok ka." May pumasok na babae at tumabi kay ma'am "Magpakilala ka." Utos ni ma'am sa kanya.
"Good morning, ako nga po pala si Nicole Smith ang bago ninyong kaklase. Nice meting po sa inyo." Ngiting saad niya.Ako naman ay nakatulala sa kanya at di maalis ang tingin ko sa kanya, ewan ko ba parang na aattract ako sa kanya. Di ako na niniwala sa love at first sight pero parang ngayon maniniala na ako.
End of flashback
"Oh Clark bakit na istatwa ka na diyan." Bumalik ako sa reyalidad nung tawagin ako ni Vic.
"Wala may na ala-ala ako." Tinanggal ko ang tingin ko sa may locker at nalakad patungo sa kanila.
"Mukhang may na aalala." Siniko ako ni Dave na nagpa-iling sa akin.
"Naku mukhang kilala namin yan. Nagsisimula ang pangalan sa letter N." Panunukso ni Alex.
"Ewn ko sa inyo." Nagpauna na ako maglakad at may nakita namin ang isang tao.
"Oh ma'am Samson." Sigaw ni Dave kaya napatingin sa amin ang babaeng nakakunoot ang noong nakatingin sa amin.
"Dave?!" Halata sa boses niya ang di sigurado sa binaggit na pangalan.
"Yes ma'am. Kami po ito, ang pinaka-gwapo ninyong mga estudyante." Magaliw na saad ni Dave.
"Naku mahangin ka pa rin Dave, di ka na nagbago." Napapailing na sabi ni Ms. Samson.
"Ma'am di po ba ang turo ninyo ay wag po magsinungaling, we only stating the truth about us." Nakangising sabi ni Alex.
"Kayo talaga. Oo nga pala may reunion pala ang batch ninyo next month." Nagkatinginan kami magkakaibigan.
"Wow reunion, sabagay na miss ko din ang mga kabatch natin." Halatang excited si Vic.
"Sige we will send invitation sa inyo. Sige una na ako may summer class pa akong aattendan." Pagpapa-alam ni Ms. Samson.Napaisip ako sa darating na reunion, so ibig sabihin may mga tao akong makikita muli.
![](https://img.wattpad.com/cover/67017402-288-k951165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...