Chapter 43

1.1K 30 1
                                    

Chapter 43

~ Clark's POV ~

Napahilamos ako ng aking mukha, ngayon ay papasok na ako sa opisina. Kahapon lang kami nakauwi ni Seira at sinabihan ko na wag munang pumasok kahapon. Nang makarating ako sa Imperial ay agad akong pumunta sa aking opisina at pagpasok ko ay na abutan ko yung apat.

"Oh nandito na pala ang naghoneymoon." Malokong saad ni Alex kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ulul" umupo ako sa swivel chair ko.
"Oh bakit di kayo nakapasok ni Seira kahapon? May nang yari ba?" Tiningnan ko si Vic at alam ko kung ano ang iniisip niya.
"Magsama kayo ni Alex." Bumuntong hininga ako, wala talaga akong maaasahan sa dalawang ito.
"Ito naman napakadefensive mo nagtatanong lang ako." Giit niya, kala naman nito mauuto ako niya.
"Ewan ko sa inyong dalawa." Bumaling ako kay Patrick at Dave.
"May nang yari ba dito habang wala ako?" Tanong ko sa dalawa.
"Wala naman, kayo kamusta naman ang lakad ninyo?" Umayos ng upo si Dave sabay tingin sa akin.
"Ok naman." Napabuntong hininga ako dahil na alala ko na naman ang ginawa ko.
"Oh eh bakit di kayo nakapasok ni Seira kahapon kung ok lang pala ang lakad ninyo?" Iniisip ko kung sasagutin ko ang tanong ni Patrick kasi alam ko kapag sinagot ko iyon ay magdederetsyo ako sa pagkwekwento hanggang dun sa pag-amin ko.
"Oi Clark!!" Napatingin ako kay Patrick nung tinawag niya ako. "Mukhang malalim ang iniisip mo brad." Dugtong niya.
"Dumaan kasi kami ni Seira sa site." Alam ko naman alam nila ang tinutukoy ko. "Tapos nung pauwi kami ay nasiraan kami ng sasakyan." Sumandal ako sa swivel chair ko at pinatong sa armrests ang mga siko ko at pinagsiklop ko ang mga kamay ko.
"Tapos?" Napailing ako sa tanong ni Alex, napakatsismoso talaga.
"Nagstay kami sa isang bahay ng isang gabi." Sagot ko sa tanong niya.
"Yun oh." Nakatikim ng sapok si Alex mula kila Dave at Patrick.
"Ang ingay mo lahat na lang may side comment ka." Kunot noong saad ni Patrick.
"Sige Pre tuloy mo kwento, hayaan mo itutulak ko itong si Alex sa bintana kapag nagside comment pa siya." Tinaas ni Dave ang long sleeves niya.
"Tapos nun nagkatabi kami ni Seira sa pagtulog at nung umagang iyon napaamin ako sa na raramdaman ko." Napahinga ako ng malalim at tiningnan ko sila.
"Nakahome run ka pre? Aray!!" Napahimas siya sa ulo niya dahil nakatikim na naman siya ng batok kay Dave.
"Umayos ka Alex kung gusto mong wag maihulog ko sa bintana." Banta ni Dave.
"Nagtanong lang." Bulong na saad niya.
"Ano sabi ni Seira? " napabaling ako kay Patrick na seryosong nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako nung na alala ko ang sinagot ni Seira.

Flashback

Kita ko ang pagkagulat sa mata niya dahil sa pag-amin ko, napansin ko din ang pagtingin niya sa katawan ko at bigla siyang lumayo siguro dahil napansin niya magkadikit na kami.

"Seira" umupo ako dahil nakaupo siya.
"Clark" malamig ang pagtawag niya sa pangalan ko at parang di siya na niniwala sa sinabi ko.
"Seira totoo ang sinabi ko." Aabutin ko sana ang kamay niya ngunit tumayo siya.
"What kind of joke is this?" Nasaktan ako sa inabi niya, my feelings for her is not a joke.
"This is not a joke." Seryosong saad ko, gusto ko makita niya na sinsero ako sa sinabi ko.
"Why are you doing this? Pinarealize mo sa akin noon na di mo ko gusto and I already set to my mind that you will never fall for me kaya nagawa kong magmove on. You already break my heart in pieces. So ano ito?" Halata sa mukha niya ang inis.
"I... I just feel it. I just fall in love with you." Yan na lang na sabi ko habang nakayuko.
"Paano?" Umangat ako ng tingin at kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. "Paano ka nagkagusto?"
"I don't know... when I saw you in the party I admit it I was totally attracted to you at that time." Iniisip ko yung time na nakita ko siya. "At... nung nalaman ko yung nang yari sayo." Kita ko lalo ang pagkakunot ng kanyang noo.
"Anong ibig mong sabihin?" Yung pagkunot noo niya ay unti unting na wala at kita ko ang paglaki ng kanyang mata. "Alam mo na?" Kahit di niya sabihin ay alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya tumango ako. "Then I think it just a sympathy." Seryosong saad niya at kita ko nakatitig siya sa akin.
"No Seira that's not out of sympathy." Tumayo ako para lapitan siya, bakit nila iniisip na awa lang itong na raramdaman ko. Nakita ko tinaas niya ang kamay niya na nagsasaad na tumigil ako.
"Clark I just forgave you and that's the only thing I can give to you. Tingin ko awa lang yang naramdaman mo." Na iinis ako dahil pinipilit niya na awa ito. Ako ang nakakaramdam kaya alam ko kung ano ang pagkakaiba ng awa sa pagmamahal.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon