Chapter 24

2K 51 12
                                    

Chapter 24

~ Seira's POV ~

Days and week were already passed pero nananatili akong nagkukulong sa kwarto. Di ko alam kung anong gagawin ko, di ko alam kung saan ako magsisimula. Ngayon araw ay graduation ko pero di ako pupunta. Alam ko  ako ang valedictorian ng batch namin pero aanhin ko ang titulong yun kung unang una pa lang ay pinaghirapan kong kunin yun para may ipagmalaki ako sa pamilya ko. Walang silbi ang tittulong iyon at tsaka kung lalabas ako ay baka makita ako ni Lex. Natakot akong makisalamuha dahil baka kakilala ito ni Lex at sabihin nila kung nasan ako, I'm having a trust issue now, I feel everyone will betray me. Masisisi niyo ba ako, una ang mga taong lubus kong pinagkakatiwalaan ay may itinatago sa akin, ang lalaking gusto ko ay niloko ako at ang lalaking kala ko magpapakitawalaan ko ay pinagsamantalahan ako. Ngayon ang mga taong pinagkakatiwalaan ko ay sila Sarhento,  Inang Marsedes at Val. Sila lang ang mga taong tunay sa akin. Naputol ako sa iniisip ko dahil bumukas ang pinto, di tulad ng dati na lagi akong umiiyak. Ngayon parang naging yelo ang puso ko, malamig at matigas. Tiningnan ko kung sino ang pumasok at nakita ko si Sarhento ito.

"Seira pumunta ako sa bahay ng kaibigan mo." Umupo siya sa tabi ko. "Nakausap ko na rin siya nung tinawagan ng katiwala nila sila sa Spain.  Sinabi ko na rin ang mga nangyari sayo at alam kong alalang alala siya sayo." Dugtong niya.
"Salamat Sarhento. " malamig na sabi ko.
"Ang sabi ng kaibigan mo ay uuwi siya dito." Biglang nag-init ang mata ko, nung sinabi niya yun nakaramdam ako ng humaplos sa puso ko. Kahit papaano masaya ako dahil babalik si Val dito. Nasa ganun sitwasyon ako nung tumayo at papalabas na si Sarhento sa kwarto ko.
"Sarhento" tumigil siya "Maraming salamat sa lahat ng tulong mo." Sinsero kong saad. Ito ang tamang panahon para pasalamat ko siya ng lubusan. Napakaraming nilang natulong sa akin at di iyon matutumbasan ng pera. Money can not match people presents when they are there for you in times of your low days in your life.
"Wala yun Seira. " ngiting tugon niya bago lumabas ng kwarto.

Tumingin ako sa kawalan, nag-isip kung papaano babangon muli. Ang natitira na lang sa akin ngayon ay ang sarili ko. Wala ng ibang tutulong sa akin ngayon kung di ang sarili ko, alam kong nandyan sila Inang Marsedes,  Sarhento at Val para tulungan ako, pero sa ngayon ako muna ang gagawa ng paraan. Dahil kahit anong sabihin nila Val na pangungumbinsi sa akin na bumangon kung di ko ihahakbang ang mga paa ko ay walang mangyayari. Sasayangin ko lang ang mga advice,  encouragement nila. If you really want to change everything and remove the bad things that make you suffer in your life. You need step forward alone, yes support from love once are one of the factor to succeed,  as you step further you will appreciate them and as time goes by you will notice that everythings are alright. Tama yun ang dapat kong gawin, siguro ngayon mahina ako pero I'm not planning to stay like this. I'm Seira Vallioso,  a strong person. Dahil kahit puro kasinungalingan ang akala kong meron ako noon, masasabi ko na di ako nagsinungaling sa sarili ko. Every thing I did in myself in the past are true, I know it will be hard but my mind and heart decided for this.

Days has passed and I make myself prepare everything. May plano na ako sa mga gagawin ko at ito ang unang step ko. Ngayon nasa kwarto ako at nagtitiklop ng mga damit, ayoko naman maging pabigat kila Inang. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at nung lumingon ako at makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto ay napatulala ako.

"Val" ng sinabi ko ang pangalan niya ay parang may kumawala sa dibdib ko. Di ko na napagilan maiyak.
"Seira" tumabi siya sa akin at yumakap ako at dun lumabas na lahat ng sakit sa puso ko.
Umiyak ako ng napakalakas at yung dating pumipigil sa akin ay nawala. Nang mga oras na iyon parang nakahanap ako ng kakampi at alam lahat ni Val ang mga pinagdaanan ko. Kaya siguro sa kanya nabuhos ang lahat. Nung medyo nahimasmasan ako ay kinwento sa kanya ang nang yari sa akin, yung tungkol sa pagkamatay ni Daddy, ang pagiging ampon ko at ang ginawang panloloko sa akin ni Clark. Alam na niya ang nang yaring panggagahasa sa akin at ang pagtira ko dito. Mas nabigyan lang siya ng linaw sa mga kwento ko.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon