Chapter 55

1K 25 6
                                    

Chapter 55

~ Seira's POV ~

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi, halos sa iilang araw namin dito ay walang ginagawa sa akin si Lex na hindi ko magugustuhan. Well may mga ilang bagay siyang ginagawa tulad ng sinasabing kasal. Si Tristan ay di ko pa rin nakikita kaya di ako mapakali. May mga pumapasok dito sa kwarto kong mga babae na kinuhanan ako ng sukat na sinasabi nila na para sa aking wedding gown. Hindi ako makakontra dahil di ko alam kung ano ang pwede gawin ni Lex  kay Tristan.  Oo anak niya iyon pero di ko kilala siya ng lubusan, hindi ako magiging makasarili at hindi ko iisipin ang sarili ko para kontrahin si Lex dahil kapakanan ng anak ko ang nakasalalay sa bawat desisyon kilos na pwede kong gawin.

Sa buong pagstastay ko dito sa lugar na ito ay puro higa at tanaw sa bintana lang ang ginagawa ko. Kapag pumupunta dito si Lex ay nagpapanggap akong natutulog dahil ayoko siyang kausap. Nararamdaman ko lang na tinititigan at hinihimas niya ang ulo ko kapag nandito siya. Hindi siya nagtatagal sa kwartong kinaroroonan ko dahil lagi siyang sinusundo nung Victor at may pinag-uusapan sila na mukhang napaka-importante.

"Good morning Ms. Seira. " naputol ang pagiisip ko nung may pumasok. Paglingon ko ay yung babaeng nagsukat sa akin para sa damit pangkasal.
"Ano kaylangan mo?" Walang ganang tanong ko. Wala naman maganda sa umaga dahil nakakulong ako dito. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni Rapunzel nung kinulong siya sa tore.
"Nandito po ako para ipasukat ang gown na natapos na pong tahiin." Saad niya at kasabay nun ang pagpasok ng iilang babae na may dalang kahon. Napabuntong hininga na lang ako dahil di naman ako makakakontra sa kanila dahil alam ko kapag komontra ako ay makakarating kay Lex iyon. Walang ganang akong tumayo at napabuntong hininga, ano pa ba ang halaga ng seremonyang ito kung sa umpisa pa lang ay di na ako makakatanggi. Puwede naman niyang gumawa ng marriage certificate ng walang seremonya.
"Napakaganda mo talaga Ms. Seira,  bagay na bagay talaga sayo ang gown na ito." Komento nung babaeng nag-aassist sa akin.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na pinasok nila sa kwartong kinaroroonan ko, di ko naman pagmamay-ari ito at di ko rin matatawag na kwarto ito dahil kama lang ang laman. Sa salamin ay nakikita ko ang sarili ko na may suot na puting mermaid gown na nagpapakita ng magandang hubog ng aking katawan. Isa itong backless high neck lace dress, mukhang hand made yung mga bulaklak na nakadesenyos sa may bandang dibdib ko at lalo pa itong naging maganda dahil sa mga crystal beads na dinagdag para dito. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin, noong maliit pa ako pangarap kong makapag-suot ng magandang wedding gown, pakiramdam ko magiging prinsesa ako kapag nagsuot ako nito. Nung high school naman nagplano na ako ng dream wedding ko, gusto kong ikasal sa may malapit na  bangin kung saan makikita ang pagsikat ng araw. For me it will be a sign of new beginning at ang lalong nagpaexcite sa akin ay yung magiging groom ko noon na walang iba kundi si Clark. Napabuntong hininga na lang ako dahil na alala ko rin na nasira na ang pangarap kong yun nung umamin si Clark sa akin na di niya ako binigyan ng pagkakataon na mapag-aralan akong mahalin. Nung nanirahan ako sa Spain ay di na muli sumagi sa isip ko ang tungkol sa kasal, I also realize that it's  feels good to receive a love that are not dictated, taught or forced by someone. Let them love you naturally and you will become at peace because you will not need to pretend, to be afraid or to be intimidated because you know that they will love you who ever you are. Ang ganyang pagmamahal ang pinaramdam sa akin ni Tristan, pati sila Val at ang kanyang magulang. Naging kontento ako kaya parang di na ako naghanap pa na pwede ng magmahal pa sa akin. Pero si Lex... parang siya ako noon, na niniwala siyang kapag gusto o mahal mo yung tao ay dapat ipaglaban mo na sa punto na ipipilit mo na ang sarili mo at kokontrolin ang taong mahal mo. Hindi ba masmasakit kapag na sa iyo na nga ang taong mahal mo pero nakikita mo siyang nagdudusa at nalulungkot at ang masakit ay ikaw ang dahilan ng paghihirap niya. You will not experience contentment and happiness that you really want. Parehas pang kayong magdudusa sa pilit na pagmamahal.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon