Chapter 19
~Seira's POV ~
I was very happy nung niyaya ako ni Clark makipagdate. This is important because it will be our first date, well yung pagpunta namin sa Jollibee ay di ko tinuturing date yun kasi una gawa yun sa pustahan pangalawa para sa akin ang first date is yung yayain ako ni Clark. Kasi dito walang kondisyon, kung baga bukal sa loob niya ang yayain ako at bukas ay birthday ko. Kala ko di niya alam kasi di ko sinabi at napakasaya ko dahil alam niya na birthday ko, mukhang may surprise siya sa akin at ayaw niyang paalam na alam na ito. Hindi ko muna sasabihin para di mabulilyaso ang plano niya. Oo nga pala malapit na rin ang dance competition namin kaya medyo busy na kami.
"Seira pasensya na kung wala ako bukas birthday mo pa naman.." Putol ni Val sa pag-iisip ko.
Oo nga pala nasa Spain nga pala siya nun, Val always spent my birthday with her. Simula nung 9yrs old ako si Val na ang kasama ko tuwing birthday ko. Lagi kasing wala sila Mommy at Daddy dahil nasa biyahe sila para sa business pero di nila nakakalimutan na bigyan ako ng regalo. Masaya ako dahil kahit papaano na aalala nila at ramdam ko kahit papaanno mahal pa din ako ni mommy."Ok lang Val. May date kami ni Clark nun." Masayang saad ko, nandito kami ngayon sa canteen at nakapila sa counter.
"Ganun ba masaya ako para sayo." Nakangiting saad niya sa akin.
"Salamat pero wag mong kalimutan yung regalo ko." Biro ko sa kanya.
"Oo na di ko makakalimutan." Napapailing na saad niya.
"Oo nga pala Val ok na ba yung passport ko baka magpunata kami sa State after graduation." Na kay Val yung passport ko dahil inaayos nila yung trip namin sa Spain sa bakasyon.
"Naku na kay mama pa, sige sabihan ko siya na kaylangan mo yung passport mo." Sagot niya.I'm so happy dahil puro magaganda ang mang yayari sa darating na mga araw. Kaylangan kong paghandaan mga ito. Pag-uwi ko sa bahay ay wala sila Mommy at Daddy nasa Singapore sila ngayon dahil may kinoclose silang deal, kasama nila si baby Akie, hindi kasi makakasama dahil maraming school activities and project ang ginagawa namin. Dumeretsyo na ako sa kwarto ko para ayusin ang isusuot ko bukas. Tingin ko bukas ang magiging pinakamasayang birthday ko.
Kinabukasan
Maaga akong nagising mga ala siete, kumain at nagbabad ako sa bathtub. Pagkatapos kong magbabad ay nag-ayos na ako. Binasa ko din ang mga message para sa akin.
Text messages:
From: Val
"Happy birthday bitchy. Stay beautiful and bitchy as you are. Hope you enjoy your day. Sorry if I'm not there to spend your special day. Don't worry I will buy you a gift from Spain. Love you friend." sent: 12amNapangiti ako dahil wala talagang mintis si Val sa pagbati sa akin.
From: Max
"Happy birthday Queen. Always remember I'm always here for you." sent: 5amNapangiti na lang ako dahil puro sa classmate, dance troupe at iba pang schoolmate ang bumabati sa akin. Nag-expect ako na may txt din sa akin si Clark pero wala pati si Mommy at Daddy ay wala. Siguro mamaya ako babatiin ni Clark tapos sila Mommy at Daddy ay babatiin nila ako sa pamamagitan ng regalo nila. Tinext ko si Clark, well lagi ko nama siyang binabati tuwing umaga.
Text message:
To: Clark
"Good morning Clark, excied na ako mamaya. See you soon (^.-)" sent 9amTinapos ko na lang ang pag-aayos ko baka mahuli pa ako kung dadamdamin ko yung mga negative thoughts na umaandar sa isip ko. I wear a beige dress, tapos light make up, kinulut ko yung dulo ng buhok ko tapos hinalf ponytail ko ito at dala ko yung handbag ko.
"Ok perfect." Ngiti ko sa reflection ko. Bumababa ako at pagbaba ko ay nagulat ako dahil nakahilera ang mga kasambahay namin.
"Happy birthday Miss Seira. " bati nila sa akin.
"Salamat po." Masayang saad ko. Lumabas na ako dahil 9:30 na.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...