Chapter 35
~ Clark's POV ~
Puno ng bulungan ang mga taong na daraanan ko ngayong umaga, papunta na kasi ako sa aking opisina. Kahit di na ako magtanong ay alam ko na ang pinag-uusapan nila at yun ay ang tungkol sa nang yari kagabi. Napayukom ang mga kamao ko nung bumalik sa alala ko ang eksenang na abutan ko.
"Pre" napatingin ako sa gilid ko at nakita ko sila Patrick, Dave, Alex at Vic na papalapit sa akin.
"Bakit?" Walang ganang tanong ko.
" Nagpatawag ng emergency meeting si Blake at kaylangan nandun tayo." Imporma ni Dave, mukhang wala pa silang alam.Naglakad na kami papunta sa conference room at ng pagpasok namin ay nadun na ang lahat maliban na lang kay Blake. Umupo kami sa aming umpuan at saktong pumasok si Blake, naglakad siya at ng mapunta na siya harap ay agad niyang hinampas ng malakas ang lamesa, medyo nagulat pa kami nun at nung tingnan ko ang mukha niya ay nababakas ang galit sa mukha niya.
"Di ako hihingi ng paumanhin sa ginawa ko, sabihin ninyo na ang masasamang bagay tungkol sa akin at wala akong pakielam." Tiningnan niya kami.
"Bakit galit na galit si Blake?" Tanong ni Vic ngunit di ko siya sinagot. Pinagmasdan ko si Blake at di naman ako nagagalit sa ginawa niya dahil sa totoo lang parehas lang ang nararamdaman namin.
"Pumayag akong maging partner kayo dahil sa business. But kung gaganituhin ninyo ang mga tao ko ay parang dapat pagsisihan ko ang naging desisyon ko." Narinig kong nagbulungan ang mga ibang kasama namin.
"Mr. Barcilio di namin gusto ang nang yari kay Ms. Vallioso." Saad ni Dad.
"Pre ano bang nang yari kay Seira? " si Dave naman ang nagtanong at tulad kanina ay di ko rin siya sinagot.
"Di ko kayo ang sinisisi ko." Huminga siya ng malalim para maging mahinahon sabay tingin ulit sa aking ama. "Pero sana di ninyo kunsintihin ang ginawa ni Valentura dahil dapat lang sa kanya ang makulong at sinasabi ko sa inyo handa akong gumastos ng malaking halaga para makulong siya ng panghabang buhay." Kita kong nag-igting ang panga niya.
"Wag kang mag-aalala di namin siya kukunsintihin at handa kaming tumulong para pagbayaran niya ang ginawa niya." Saad ni Dad at kita ko din ang galit sa mata niya at alam kong kay Mark ang galit na iyon.Agad na umalis si Blake at narinig namin na tumawag siya sa isang kilalang abogado para asikasuhin ang kaso ni Seira. Na iwan naman kami kasama ang board at parang may sasabihin si Dad sa amin.
"Richard isa itong malaking kahihiyan sa ating kumpanya." Saad ng isang miyembro ng board.
"Di ko akalain magagawa ng anak ni Valentura ito." Hinimas ng isang miyembro ng board and sentido niya.
"Dapat may gawin tayo, dapat tanggalin natin si Mark as member ng board ng Imperial." Saad naman ng isang miyembro.
"Kakausapin ko Emilio tungkol dito, kung wala siyang maipapalit sa anak niya ay bibilhin ko na lang ang shares niya." Saad ng aking ama, mukhang sumang-ayon naman ang lahat. Si Emilio Valentura ay ang ama ni Mark at masasabi kong napakabait ni Sir Emilio pero ang anak niya ay kabaliktaran niya. Nagsialisan ang lahat ng miyembro ng board at naiwan kami nila Dave na mukhang di pa rin alam ang nang yayari.
"Guys wala akong maitindihan, ano ang ginawa ni Mark?" Tanong ni Alex kaya humarap ako sa kanila.
"Tinangkang gahasain ni Mark si Seira." Seryosong saad ko.
"ANO?!" react agad ni Patrick.
"Buti na lang bumalik ako kagabi sa opisina ko at napansin kong medyo nakabukas ang pinto ng kwarto ng opisina ni Seira. Dapat di ko na papansinin pero may narinig akong nagsalita sa kwarto kaya pumasok ako at nung buksan ko ang pinto patungo sa silid ni Seira ay nakita kong nakapatong si Mark dito at kita kong sira na ang damit ni Seira habang nakahiga sa sahig. Tangka niyang halikan si Seira pero dahil nandun ako ay binugbog ko agad siya." Kwento ko sa kanila.
"Gago talaga yang Valentura na iyan." Komento ni Vic.
"Buti dumating ka pre siguradong nagtagumpay ang gagong yun sa balak niya." Saad ni Dave sa akin at alam ko ang iniisip niya.
"Dapat lang talagang makulong si Valentura na yun, di sapat yung pagbugbug mo sa kanya dapat kasama kami sa pagbugbog mo sa lalaking yun." Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako pero iba ngayon.
"Baka bumalik ang troma ni Seira." Napatingin ako kay Patrick. "Nung nag-overnight ako kila Val noon sa Spain ay nakita ko kung paano atakihin si Seira ng troma niya, dahil magkakatabi ang mga kwarto namin noon tuwing madalig araw makakarinig na lang kami ng may umiiyak at gigisingin na lang ako ni Val para buhatin si Seira na umiiyak sa banyo habang nakatapat sa bukas na shower." Ramdam ko ang pag-aalala ni Patrick.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...