Chapter 52

933 27 0
                                    

Chapter 52

~ Val's POV ~

Humahangos kaming pumunta sa ospital nung makarating sa amin ang balita. Pagdating namin dun ay na abutan namin ang isang mag-asawang nakaupo sa silya malapit sa pinto ng emergency room. Si Mr. Trinidad at tingin ko asawa niya ang katabi niya.

"Tito, tita?" Tawag ni Patrick nung makalapit na kami sa kanila. Umangat ng tingin ang mag-asawa.
"Patrick" kita sa mukha ni Mr. Trinidad ang pag-aalala sa mukha nito.
"Ano pong balita?" Tanong ni Dave. Magkakasama kasi kami nung na balitaan namin na dinala dito sa ospital si Clark.
"Wala pang balita." Bumuntong hininga si Mr. Trinidad. "Hindi pa lumalabas yung doctor." Halata sa boses nito ang pagkapagod.

Lahat kami ay napatingin sa pinto ng emergency room at ramdam ang bigat ng paligid. Gusto kong magtanong kung anong nang yari, gusto kong itanong kung nasan sila Seira at Tristan, gusto ko lahat ng ito ay masagot ngunit wala akong matanungan. Nasa ganun kaming sitwasyon ng dumating sila Arthur at Blake.

"Nasan sila Seira?" Yan agad ang tanong ni Blake habang iniikot ang paningin na parang dun niya makikita sa Seira.
"Easy lang Blake." Hinawakan ni Alex sa balikat si Blake at pilit pinapaupo.
"Di ako magiging easy dahil di ko nakikita sila Seira." Saad niya pero na upo pa rin siya sa upuan.
"Kahit isa sa amin ay walang may alam ng sagot. Si Clark at yung babaeng bodguard na kasama niya ang pwede nating tanungin. Yung babae ay ginagamot ng doctor kaya di pa namin makausap, samantala si Clark nag-aagaw buhay kaya huminahon ka." Halata sa boses ni Vic ang pagtitimpi.

Natahimik si Blake mukhang nakuha niya ang ibig sabihin ni Vic. Kita ko din ang pagkainip niya dahil di matigil ang paa niya sa paggalaw. Nasa ganun kaming sitwasyon ng mapalingon kami.

"Sir Arthur." Tawag ni Sarah na ngayon ay may nakabenda sa braso niya. Agad kaming napatayo.
"Anong nang yari?" Tanong ni Art, inalalayan niya si Sarah para maupo sa silya. Lahat kami ay nakatingin sa kanya at nag-iintay ng kasagutan.
"Natunton nila kami." Napahawak ako sa bibig ko, alam ko na ang ibig niyang sabihin at may hinala na ako nung una pa lang.
"Si Seira?" Agad kong tanong dahil nagbabakasakali akong nasa isang lugar silang ligtas at nagtatago lamang sila.
"Nakuha sila." Parang gusto kong manghina buti inalalayan ako ni Dave.
' Ang kaibigan ko.' Saad ko sa isip ko.
"Bullshit!!" Sinuntok ni Blake ang pader.
"Sabihin mo sa amin kung ano nang yari?" Seryosong saad ni Art at kita ko ang galit sa mata niya.
"Kaninang umaga maaga akong nagising, sinabihan ako ni Sir Clark na samahan sila Ms. Seira dahil aalis siya para pumunta sa kabilang bayan. Bago ako pumunta sa bahay ay nag-ikot ikot ako nung nakita ko yung dalawang kasamahan kong nagbabantay ay babatiin ko muna kaso may tatlong bangka ang dumaong kaya naging alerto kami at nung nakita namin yung mga sakay na may dalang baril ay agad akong tumakbo papuntang sa bahay nila Ms. Seira. Yung dalawang kasama ko ay ginawa ang lahat para mapigilan ang paglapit ng mga dumating. Pagkarating ko sa bahay sinabihan ko si Sir Clark na natunton na kami kaya sinabihan ko sila na aalis na kami sa bahay. Nang medyo malapit na kami sa escape boat ay nagpaiwan na ako para pabagalan yung sumusunod sa kanila. Tinulungan ako ng kasamahan ko na sumunod sa amin pero di namin alam na may iba pang grupo na humiwalay. Tinamaan ako ng bala at ang kasama ko ay sa ulo. Nung mawala na yung mga nakaengkwentro namin ay sumunod ako pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang nakahiga sa buhanginan si Sir Clark at nandun pa rin ang bangka na gagamitin sana namin pangtakas. Nakita ko na lang sa malayo ang bangkang lulan ng mga taong sumugod sa amin at buhat nila sila Seira at Tristan." Napayuko siya matapos magkwento.

Lalo akong nag-alala dahil tama ang hinala ko, anong gagawin ni Lex kila Seira? Paano namin sila masasagip.

"Dapat nandun ako." Sinuntok na naman ni Blake yung pader at kita ko ang pulang mantya na iwan sa pader na tingin ko ay dugo.
"Wala na tayong magagaw---" naputol ang sasabihin ni Art dahil kinuwelyuhan ni Blake ito.
"Anong sabi mo?! Walang magagawa!! Hahayaan na lang ba natin sila Seira!!" Tagis bagang saad ni Blake.
"Wala akong sinabing hahayaan natin sila, ang punto ko ay wala na tayong magagawa dahil tapos na, pero di pa rin ako o tayo titigil sa kakahanap sa kanila." Mahinahon na saad ni Art. Buti ganyan siya dahil kung parehas silang mainit ang ulo ay siguradong mag-aaway sila.
"Paano kung mahuli tayo?" Wala sa loob kong saad. "Hindi natin alam kung paano ang takbo ng utak nung Lex na iyon. Baka..." kinakabahan ako sa mga na iisip kong pwedeng gawin ni Lex kay Seira.
"Magdasal na lang tayo na ok sila." Yun na lang ang na sabi ni Art dahil kahit siya di niya alam ang isasagot sa akin. Nasa ganun kaming sitwasyon ng may lumabas na doctor. Napatayo kaming lahat at lumapit ang magulang ni Clark.
"Doc" tawag ng ina ni Clark. "How's my son?" Dugtong niya.
"Mrs. Trinidad, your son is safe now. Di tumama sa puso ang bala, napakaswerte ng anak ninyo dahil ilang sentimetro yung tama niya mula sa puso nito. Natanggal na namin ang bala kaya wag na kayong mag-alala pa." Lahat kami ay napabuntong hininga. "Ililipat na lang namin siya ng kwarto, sige may aasikasuhin pa ako." Dugtong ng doctor.
"Salamat doc, maraming salamat." Naiiyak na saad ng ina ni Clark.

Nang malipat ng silid si Clark ay dun lang ulit namin siya nakita matapos ang isa't kalahating buwan. Himbing itong na tutulog pero bakas sa itsura niya na nahirapan siya, ang putla ng mukha niya dahil siguro halos maubusan siya ng dugo.

"Sa tingin ko magsi-uwian muna tayo ngayon para makapagpahinga ng mabuti si Clark." Saad ni Art na kinatangu namin. "Mr. And Mrs. Trinidad babalik po ako bukas para makausap kung sakali si Clark." Pagpapaalam ni Art sa magulang ni Clark.
"Sige, sabihan ko siya pagnagising siya." Tumango si Art sa ama ni Clark tapos sabay baling sa amin.
"Tito, tita balik rin po kami bukas. Magpahinga na rin po kayo." Saad ni Dave na nasa likod ko.
"Sige salamat." Matipid na ngiti ng ina ni Clark. Nagpaalam na rin si Blake at ako, pagkatapos ay lumabas na kami sa kwarto. Nang makalabas na kami ng ospital ay agad kaming nagpunta sa mga sasakyan na dala namin, well sumabay ako kay Patrick kaya sa kanya ako sasabay pag-uwi.
"Aalis na ako, hihingi ako ng tulong sa kakilala ng aking ama para matunton sila Seira." Saad ni Blake sabay sakay ng sasakyan at paharurot nito.
"Masyado ng mahaba ang gabi kaylangan na natin magpahinga. Magkita kita na lang tayo dito bukas." Saad naman ni Art.
"Salamat Art sige kita na lang tayo bukas, mag-iingat ka." Tumango siya sa akin sabay sakay sa sasakyan niya. Lumapit na ako kay Patrick na ngayon ay nakikipag-usap sa tatlo niyang kaibigan.
"Iuuwi na kita." Saad niya nung nakalapit na ako sabay lakad papunta sa sasakyan niya. Nakita kong sumakay na rin si Alex at Vic sa kanikanilang sasakyan.
"Dave" tawag ko sa kanya na kinatigil niya sa pagsakay sa sasakyan niya.
"Ano yun?" Kita ko ang di mapalagay na itsura ng mukha niya parang di siya mapakali dahil kinakausap ko siya.
"Salamat kanina sa pag-alalay sa akin." Lumapit ako sa kanya at nakita ko ang pangangamot niya ng kanyang batok.
"Wala yun." Napayuko siya kaya hinawakan ko siya sa magkabilaang balikat sabay halik sa pisngi niya. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat at medyo napabuka ang bibig niya.
"Yan ang kabayaran ng pasasalamat ko." Tinapik ko ang pisngi niya sabay alis papuntang sasakyan ni Patrick. Nakita kong napailing na lang si Patrick sa ginawa ko, nang makasakay ako sa sasakyan niya ay nakita pa naman na nakatayo pa rin si Dave kung saan ko siya iniwan. Dinaanan siya ni Patrick para businahan at binuksan ang bintana niya.
"Oi umuwi ka na!!" Sigaw ni Patrick na mukhang ikinabalik ng diwa ni Dave na ikinailing ko naman. "Oi sa pisngi ka lang hinalikan makareact ka diyan parang sa labi ka hinalikan. Ano ka babae." Biro ni Patrick.
"Fuck you." Mura ni Dave pero ng napatingin siya sa akin ay parang pusang nahiya.
"Hahaha biro rang pre sige umuwi ka na." Saad ni Patrick.
"Sige, mag-ingat ka magdrive kung di patay ka sa akin." Banta niya kay Patrick bago isara ni Patrick ang bintana.
"Baliw ka tinukso mo pa yung tao." Sumandal ako sa upuan.
"Hahaha pagbigyan mo na ako paminsan ko lang masolong asarin si Dave." Nakangising saad niya habang nakatingin sa kalsada. Pero unti unti na wala ang ngisi niya at napalitan ng seryosong expresyon ng mukha. "Sana makita na natin sila Seira. " seryosong saad niya. Napabuntng hininga na lang ako sabay tanaw sa labas ng bintana.

Kinabukasan

Maaga kaming bumalik sa ospital dahil nagtxt si Dave na gising na si Clark. Pagdating namin ay naroroon na rin si Art at Blake. May mga kasama si Art na ilang mga pulis.

"So Clark sigurado ka bang si Lex talaga yung kumuha kila Seira." Tanong ni Art.
"Oo, tinawag nung isang kasamahan nila yung pangalan ni Lex at base sa pagkakatanda ko sa mukha nito ay masasabi kong siya nga. Siya din ang bumaril sa akin." Nakita ko ang pagyukom ng kamao niya sa ibabaw ng kumot. "May lead na ba kayo?" Tanong ni Clark kay Art.
"Wala pa." Tipid na sagot ni Art.
"Kung may mababalitaan kayo balitaan ninyo ako at kung matunton ninyo kung saan sila nagkukuta sasama ako sa pagsagip sa kanila." Determinandong saad ni Clark.
"Anak?" May pag-aalalang tawag kay Clark ng kanyang ina.
"Ma hayaan ninyo ako. Nangako ako sa sarili ko na ililigtas ko si Seira nung nag-aagaw buhay ako. At tsaka ito ang gusto kong gawin." Isa isa niya kaming tiningnan at ng magtama kami ng tingin ay ningitian ko siya ng tipid.

'Seira, Tristan please be safe. We will find both of you at ililigtas namin kayo.' Dasal ko sa isip ko.

______________________________________
A/N: ang ikli ng update ko ngayon lol. Di man lang umabot ng 2k words.

Sino ang na gustuhan nung moment nila Val at Dave? Si boy torpe nakascore.. hahaha.. Hope you like my update. Don't forget to vote and comment.

Here is my page in facebook https://m.facebook.com/dreamerhime

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon