Chapter 48
~ Seira's POV ~
Ngayon na ang alis namin. Pumayag na ako sa plano nila, nung una ayoko dahil pakiramdam ko isa kaming kriminal na nagtatago sa batas pero na isip ko na pwedeng maulit ang nang yari at ang masama ay kasama ko na si Tristan pagnaulit muli iyon. Sinabi sa akin ni Sarhento ang plano. Dahil alam namin na may nagmamasid sa amin ay may na buong silang plano. Nasa airport ako ngayon, nakasuot kami ni Tristan na medyo makapal na damit at nakashades, kasama namin si Blake. Ang plano ay ipapalabas naming babalik na kami sa Spain.
"Mom it's so hot." Reklamo ni Tristan habang pinapaypay niya ang damit niya para maging maluwag sa kanya at para maging komportable siya.
"Just be patient handsome." Tumingin ako sa paligid may mga kasama pa rin kaming bodyguards.
"Halina kayo." Saad ni Blake ng matapos niya magcheck in para sa amin. Naglakad kami at pilit kong inoobserbahan ang mga taong nasa paligid namin. Nang mapadaan kami sa cr ay tumigil ako.
"Blake wait." Pigil ko kay Blake na kinalingon niya. "Magrerestroom lang ako." Imporma ko sa kanya.
"Me to mom." Hinila ni Tristan ang kamay ko kaya tumango ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya sabay lakad papasok ng restroom, bago kami pumasok ay chineck ng mga tauhan ni Blake ang loob, ng nakasigurado na kami ay pumasok na kami ni Tristan. Pagkapasok ko ay chineck ko yung mga cubicles kung talagang walang tao, ng marating ko ang dulong cubicle ay sarado ito, lumingon muna ako at pagkatapos ay kumatok ako. Bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae na may kaparehas kong suot paglabas niya ay may kasama siyang batang may kaparehas ng suot ni Tristan. Hindi mo malalaman agad ang pagkakaiba namin kahit sa height at tindig ay kaparehas namin. Ito ang plano namin, pagkapasok namin dito ay makikipagpalit kami sa kanila at sila ang pupunta sa Spain. Susubukan nila Sarhento na hulihin si Lex sa paraang ito.
"Kami na pong bahala Ms. Seira. " saad niya na kinatango ko na lamang. Medyo nagtagal sila bago lumabas paglabas nila ay pumasok kami sa loob ng cubicle at nagpalit ng damit, may iniwang bag si Blanca dito sa loob kaya may damit na kaming magagamit. Hindi muna kami lumabas hanggang walang nagbibigay ng signal. Makalipas ang ilang minuto ay kumatok sa pinto ng cubicle na kinaroroonan ko at ito ang signal na iniintay ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Sarah yung babaeng tauhan ni Clark.
"Nakaalis na sila." Tumango ako at lumabas na sa cubicle. Mukhang nagtagumpay ang plano, matapos ang ilang sandali ay lumabas na kami. Naging alerto pa din ako sa paligid ko kaya medyo lumilinga ako. Dumating kami sa check in counter at nakita ko si Clark na naroroon.
"Sir Clark." Bati ni Sarah ng nakalapit na kami kay Clark.
"Naging maayos ba ang lahat?" Tanong niya kay Sarah.
"Opo, nakaalis ng maayos sila at may nagsabi sa amin na may kahinahinalang mga taong sumusunod sa kanila." Pag-uulat ni Sarah.
"Sana mahuli na nila si Lex." Bumaling naman siya sa akin at agad na kinuha ang bag na dala ko. "Let's go." Saad niya kaya tumango na lang ako.Matiwasay naman ang naging biyahe namin at nakarating kami sa Legazpi. Hindi kami kumuha ng sasakyan para di kami agaw pansin. Nakisabayan kami sa mga taong bumabiyahe, nakarating kami sa isang beach kung saan dumadaong ang mga bangka papunta sa isla ng Caramoan. Nang dumating ang bangka ay agad kaming sumakay medyo matagal ang biyahe halos apat na pung lima minuto o isang oras ang biyahe sa bangka. Pagdating sa port ng Caramoan ay naghanap kami ng tricycle na masasakyan papunta sa lugar kung saan sasakay pa kami ng bangka para makapunta sa baranggay kung saan na roroon ang bahay na titirahan namin. Tulog si Tristan kaya karga ko siya, habang nasa bangka kami ay inikot ko ang paningin ko sa paligid, may mga islang akong nakikita at ang malinis na karagatan ay nakakapagbigay ng kapayapaan sa akin.
Pagdating sa pangpang ay tinulungan ako ni Clark medyo malapit na ang bahay kaya naglakad na kami. Medyo ramdam ko na yung pagod kaya natulog ako pagkadating namin sa bahay.
Gabi na nang nagising ako, pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Tristan kaya agad akong bumangon. Inayos ko ang kama tsaka ako lumabas, paglabas ko ay naka-amoy ako ng masarap na amoy kaya naramdaman ko ang gutom. Agad akong pumunta sa kusina at nakita ko si Clark na nakatayo sa may kalan at nagluluto. Nakasando at khaki shorts siya habang may suot na apron kita ko ang pawis sa kanyang mukha.
"Gising ka na pala." Napabalik ako sa wisyo ko sa pagtawag niya.
"Ah oo." Sagot ko sabay ikot ng paningin ko para hanapin ang iba.
"Sandali na lang ito kaya paintay na lang." Binalik ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ko yung isang ulam na tapos na niyang lutuin.
"Nasan ang iba?" Tanong ko tsaka ako lumapit sa kanya.
"Nasa labas,nasa dagat gusto daw mamulot ng shells ni Tristan." Saad niya ng di bumabaling sa akin.
"Kaylangan mo ba ng tulong?" Prisinta ko, ayoko kasi ng walang ginagawa.
"Ahm pwede patulong sa pag-ayos ng lamesa." Dun lang siya lumingon sa akin na kinatango ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...