Chapter 51

1K 28 1
                                    

Chapter 51

~ Clark's POV ~

Almost one and a half months already passed, may kaunting balita akong nasasagap tungkol sa mga nang yayari sa Maynila. Si Sarah ang nakikipag-usap kila Arthur at  binabalita na lang sa amin kung ano ang pinag-uusapan nila. Ayon sa balita ay di pa rin nila matuntun si Lex, si Blake naman ay bumalik muli sa Pilipinas para subaybayan ang mga nang yayari. Tinanung ko si Sarah kung kaylan ito matatapos dahil alam ko di kami pwedeng manatili ng ganito pero alam ko na ito lang ang pwede namin gawin para maging ligtas si Seira.  Kung mahuhuli si Lex alam kong kahit papaano magiging maayos ang lahat.

Habang na ririto kami ay abala si Seira sa pagtulong sa center ng bayan, nagtuturo siya dun sa mga bata kung paano magsulat at magbasa. Sinasabay na rin niya ang pagtuturo kay Tristan kaya kahit papaano di sila na iinip dito. Yung mga bodyguards ay sa kanya ko pinapasama dahil siya naman talaga ang dapat bantayan, samantala ako ay paminsang tumutulong sa maliit na negosyo ni Mang Tonyo pero mas madalas sumasama ako sa center gusto ko kasing nakikita sila Seira para panatag ako.

"Oh Seira good morning, aga mong nagising." Bati ko, nagluluto kasi ako ng agahan.
"Good morning din, maaga kasi akong pupunta ng center para tulungan si Jasmine sa mga gagamitin namin ngayong araw." Kumuha siya ng mga plato at inayos na ang hapagkainan.
"Ganun ba?" Hinango ko na ang sinangag at humarap ako sa kanya. "Oo nga pala bukas sabi ni Mang Tonyo ay pumunta tayo sa bahay ni Kapitan dahil kaarawan daw nito. Mga tanghalian daw tayo pumunta." Umupo na ako sa silya ko.
"Sige" kumuha siya ng pagkain niya. "Clark pwede akong makisuyo sayo?" Napatingin ako sa kanya sabay tango, may laman na kasi yung bibig ko kaya di na ako makapagsalita. "Pwede bang pakihatid sa center si Tristan medyo maaga pa kung isasama ko siya ngayon." Paliwanag niya.
"Sure, pagkatapos kong idaan kay Mang Tonyo yung mga listahan na ibibigay ko sa kanya mamaya." Tugon ko sa pakiusap niya.
"Salamat" bumalik na siya sa pagkain at naging tahimik muli kami.

Umalis na si Seira,  mukhang marami silang gagawin dahil may mga bitbit siyang mga gamit na iniuwi niya kahapon. Naghuhugas na ako ng pinggan ng pumasok sa kusina si Tristan.

"Where's mom?" Inikot niya ang paningin niya at mukhang si Seira ang hinahanap niya.
"She's already leave. I will be the one who will send you at the center." Tumango siya sabay upo sa lamesa. May mga plato, kutsara at pati pagkain ay nandun na. Di nagpapatulong si Tristan sa iba maliban kung si Seira ang gagawa. Habang kumakain siya ay nilapag ko ang gatas niya, bagong timpla lang.

"Thanks" tugon niya sabay ulit kain. Naligo na ako at ng makalabas ako sa banyo ay nakita kong malinis na ang mesa kaya napailing na lang ako. Pumasok ako sa kwarto at nagbihis, pagkalabas ko sa kwarto ay saktong lumabas si Tristan sa banyo.
"Do you need a help?" Prisinta ko.
"No, I can manage. Thanks." Pumasok siya sa kwarto nila. Ang batang yun di ko malaman kung ok kami o ano.

Umupo muna ako sa upuan na gawa sa kahoy habang iniintay si Tristan. Di naman kasi yun magpapatulong. Mga ilang minuto din ay lumabas na siya, naka tshirt siya at shorts tapos rubber shoes.

"Let's go." Saad niya sabay deretsyo sa pinto para lumabas.
"We will stop over to Mang Tonyo house, I will give him something." Niwagayway ko yung envelop na hawak ko habang nakatingin sa akin.

Pagdating namin sa destinasyon namin ay andun si Mang Tonyo, may mga kausap siyang dalawang kabataan. Mukhang magrerenta sila ng bangka.

"Oh Cloud nandito ka na pala." Ngiting bati sa akin ni Mang Tonyo.
"Aabot ko lang po sa inyo ito." Binigay ko sa kanya ang envelope at napansin kong nakatingin sa akin ang dalawang kabataang kausap ni Mang Tonyo.
"Hi" bati ko sabay ngiti.
"OMG bakla ningitian niya ako." Sabi nung lalaki pero mukhang may pusong babae dahil sa paraan ng pagsasalita niya.
"Gaga sa akin siya ngumiti." Saad naman nung babaeng kasama niya.
"Hoy Joy wag kang epal sa akin ngumiti si papable." Saad nung kasama niya.
"Tsk... lagi ka naman kontra, sa akin siya ngumiti wag kang mang-agaw ng crush---"
"BONIFACIA!!" Napalingon kami lahat ng may sumigaw na lalaki.
"Hayop ka Colton sabing wag mo kong tawagin sa pangalan na iyan." Kita ko ang pagkainis sa mukha nung Joy.
"Eh bakit pangalan mo naman yan Joy Bonifacia Andres." Saad nung lalaking sumigaw sabay tingin sa akin at parang pinag-aaralan ako. Nawala ang tingin ko sa kanya dahil naramdaman kong may naghaltak sa damit ko at ng lumingon ako ay nakita kong ang pagkainip sa mukha niya.
"Mang Tonyo alis na po kami na iinip na po ang anak ko." Pagpapaalam ko naman.
"Ay may anak na si Papable." Komento nung bakla.
"Ay sayang naman." Komento ni Joy.
"Ganun ba naku salamat dito, hayaan mo babasahin ko ito." Sagot naman niya.
"Sige po alis na po kami." Paalam ko sabay baling kila Joy at sa kaibigan niyang bakla "Bye ladies." Ngiting paalam ko at kita kong niyugyog nung bakla si Joy at si Joy naman ay kinikilig, yung lalaki naman ay kunot noong nakatingin sa akin.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon