Chapter 32

1.4K 29 1
                                    

Chapter 32

~ Clark's POV ~

Nabigla ako sa tanong ni Blake at parang nabato ako sa kinatatayuan ko. Napatingin ako kay Dave at nakita kong nakatingin rin siya sa akin.

"Blake ano ba yang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Just answer my question Clark." Seryosong saad niya.
"No I'm not in love with Seira." Saad ko ngunit di ako makatingin sa kanya.
"Don't try to lie to me Clark." Banta niya kaya napatingin ako sa kanya, bakit pinipilit nila na in love ako kay Seira.
"Bakit mo pinipilit na may gusto ako kay Seira?" Na iinis na ako kanina si Dave ngayon si Blake naman.
"Dahil kung tingnan mo siya ay may pagsinta ang mga mata mo." Sagot niya.
"Ano?" Di mapaniwalang tugon ko, paano naman nila nasabi na ganun ang tingin ko kay Seira.
"Sasabihin ko na sayo Clark we are friends but di ako basta basta nagpapaubaya lalo na kung si Seira ang pinag-uusapan." Tumalikod siya ngunit bigla din siya humarap at lumapit siya sa akin, nagtataka ako kung bakit at nasagot naman iyon ng bigla niya akong sinuntok kaya napaupo muli ako sa couch.
"That's for hurting her in the past." Saad niya sabay alis.

Tinulungan ako ni Dave at ako naman ay napahilamos sa mukha. Ano bang nang yayari? Bakit nagkaganito?

"Ayos ka lang Clark? " tanong ni Dave.
"Oo" saad ko, tingin ko tama lang na sinapak ako ni Blake dahil sa ginawa ko kay Seira noon. Parang matagal ko ng iniintay na may gagawa sa akin nun.
"Gusto mo ihatid kita sa inyo?" Alok niya.
"Di na, sa bar na lang tayo pumunta." Yaya ko dahil tingin ko ito ang kaylangan ko ngayon.

Tinawagan ni Dave sila Vic para samahan kami kaya di na ako umangal. Umalis na kami ni Dave mula sa Imperial at pumunta sa bar ni Alex,  pagdating dun ay nakita ko yung tatlo na nag-uumpisa ng uminom.

"Oh nandyan na yung dalawa." Saad ni Patrick nung nakita kami.
"Oh bakit nag-aya kayo ng inuman?" Si Alex naman ang nagtanong.
"Naku si Clark ang tanungin mo diyan." Saad ni Dave sabay upo sa bar stole.
"Oi pre bakit may cut ka sa labi?" Turo ni Vic.
"Sinuntok ako ni Blake." Walang ganang saad ko sabay upo sa bar stole at kinuha ang glass shot na hawak ni Alex.
"Teka bakit ka naman sinuntok ni Blake?" Si Patrick naman ang nang usisa. Hay kapag magkasama talaga silang tatlo daig mo pa nagkaroon ng press conference kung magtanong.
"Nalaman niya kasi yung ginawa ko kay Seira noon." Sagot ko di kasi sila titgil kakatanong.
"Ganun ba?" Komento ni Patrick kaya napatingin kami sa kanya. "Nalaman kasi niya na kaya di na naniniwala si Seira sa pag-ibig dahil sa ginawa ng ex niya." Pagpapaliwanag ni Patrick.
"Ooohhh" komento ng dalawa. Kala mo mga bading kung maka'oohh'.
"Tsk"  tinungga ko na yung alak na hawak ko at di na pinansin ang pinagsasabi nitong mga kolokoy na ito.

Ginugol ko ang gabi ko sa pag-inom at di naman ako pinakailaman nung apat pero nung nalasing na ako ng tuluyan ay dun na nila ako pinipigilan.

"Oi Pre tama na." Inagaw ni Vic yung basong hawak ko.
"Oi ibalik *hik* mo yan *hik*" inaabot ko yung baso pero di ko maabot.
"Bakit ka ba nagpapakalasing?" Tingin ko si Alex ang nagsasalita.
"Bakit kasi *hik* pinipilit kasi niya *hik* na may gusto *hik* ako kay Seira. " saad ko, ewan ko pero di ko na ata alam ang pinagsasabi ko."
"Ano pinagsasabi nito?" Sa tingin ko si Vic yung nagsalita, ay ewan di ko na alam.
"Hayaan mo lasing lang yan." Saad ng isang boses "pre sa unit ko muna kita uuwi baka tulog na ang parents mo at mag-aalala pa sila." Dugtong nito pero di ko ito pinansin.

Naramdaman ko na may umalalay sa akin di na ako nakipagtalo wala na akong lakas. Nakapikit lang ako at di ko na alam ang nang yayari sa paligid ko hanggang kainin na ako ng antok.

Kinaumagahan

Bigla akong nakaramdam ng sobrang sakit ng ulo at parang ayaw ko ng bumangon. Ewan pero pakiramdam ko napaka-init at ang sikip kaya pilit kong dinilat ang mata ko. Pagkadilat ko ay nakita ko ang mukha ni Dave na medyo malapit kaya napalayo ako kaya napaiwas ako ng tingin kaso pagbaling ko sa kabila mukha ni Vic, naramdaman kong may nakapatong na paa sa hita ko at napagtanto kong si Alex iyon. Nakita ko naman si Patrick na nakahiga sa banda ulunan naminng apat. Ang itsura namin ay simula sa kanan ay si Dave, ako, Vic, Alex at sa ulunan namin ay si Patrick.  Maya maya gumalaw si Vic at biglang nahulog si Alex sa kama.

"King Ina naman Vic kanina ka pa." Iritadong saad nito.
"Ano ba ang ingay ninyo?" Saad naman ni Patrick.
"Ikaw kasi dun ka kasi sa sala." Saad ni Vic habang nakapikit.
"Sira aircon dun, umusog ka nga." Tinulak ni Alex si Vic kaya natulak din ako at dahil dun na tulak ko rin si Dave kaya siya naman ang nahulog sa kama.
"Anak ng.... ako may ari ng unit na ito ako pa nahuhulog sa kama.

Mukhang nawala ang antok nila kaya nagsibangunan sila kaya bumangon na rin ako at kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong dumilat.

"Anong ginagawa ninyo sa kwarto ko?" Tanong ko habang hinihilot ang noo ko.
"Oi nasa unit kita baka nanaginip o lasing ka pa." Boses ni Dave kaya dumilat na ako.
"Teka bakit lahat kayo nandito at bakit nakaboxer kayo lahat." Kunot noo kong tanong ko at pansin ko nakaboxer din lang ako.
"Oi pre wag kang mag-isip ng kung ano ha di tayo talo talo." Saad  ni Alex.
"Ulol kilabutan ka nga sa sinasabi mo." Binato ko siya ng unan na hinigaan ko.
"Hahaha ayaw mo nun squad goal ang peg natin." Natatawang saad ni Vic.
"Ulol squad goal ka pang nalalaman, bading  ka ba." Si Patrick naman ang nagsalita.
"Tsk sakit ninyo sa ulo." Si Dave na tumayo na.
"Di ninyo pa ako sinasagot." Isa isa ko silang tiningnan.
"Eh pre di ka naman nanligaw kaya bakit ka namin sasagutin." Nag-apir sila Vic at Alex.
"Dave, Patrick wag ninyo akong pipigilan sasapakin ko itong dalawang ito." Banta ko.
"Go lang di ka namin pipigilan." Udyok  nung dalawa kaya nagkatawanan kami.
"Ikaw kasi sinukaan mo kaming lahat kaya ganito kami tapos tinamad na kami umuwi." Pagpapaliwanag ni Patrick.
"Sobrang lasing ka kagabi mukhang lahat ata ng alak sa bar ay ininom mo." Si Alex naman ang nagsabi.
"Pasensya na di ko napansin." Saad ko.
"Oi magsiayusan na kayo ginulo ninyo ang unit ko." Lumabas na si Dave sa kwarto.
"Oi Dave magluto ka ng almusal na gugutom na kami!!" Sigaw ni Vic.
"GAGO! di ako katulong!" Sigaw pabalik ni Dave kaya natawa na lang kami.

Nag-ayos na kami at ng heram ng damit kay Dave dahil sabi niya puro suka ko ang mga damit namin. Nagsiuwian na kami para maghanda sa pagpasok medyo late na pero ok lang dahil wala naman problema sa opisina. Matapos kong mag-ayos ay agad na rin akong umalis halos tanghali na rin ako nakarating sa opisina at nung sumakay ako sa elevator ay nakasabay ko si Seira nakasandal sa may pader ng elevatoren at nakapikit. Wala naman kaming nakasabay kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya, mukhang pagod siya at puyat. Nakarating na kami sa floor namin pero di pa rin dumidilat si Seira kaya tinapik ko ang braso niya.

"Seira" tawag ko at di naman ako na bigo dahil nagmulat siya ng mata.
"Yes" tumayo siya ng maayos pero halata sa mukha niya ang pagod.
"Ahmm nasa floor na kasi tayo." Imporma ko sa kanya at tumingin siya sa maliit na screen kung saan naka-indika kung nasang floor na kami.
"Ok thank you." Umalis na siya at pinagmasdan ko ang pigura niya bago siya pumasok sa opisina niya.

Pumasok na ako sa opisina ko at ng umupo, ng tuluyan ako napaupo ay sumandal ako sa swivel chair ko at napapikit. Na isip ko kasi ang mga nang yari kagabi at habang nasa ganun akong sitwasyon ay may kumatok sa pinto pagdilat ko nakita ko si Dave na pumasok.

"Oh kape alam ko medyo masakit pa rin ang ulo mo." Inilapag niya ang isang kape na mula sa Starbucks.
"Salamat" kinuha ko iyon at hinipan dahil medyo mainit ito. At ng na inom ko na ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko.
"Pre iniisip ko yung mga sinabi ni Blake kagabi." Imporma ko sa kanya.
"Oh bakit mo naman iniisip iyon?" Tanong niya.
"Sa opinion mo o obserbasyon mo tama ba ang sinasabi niya?" Lumingon ako sa kanya, kahit alam ko na ang isasagot niya ay gusto ko pa rin marinig.
"Sa totoo lang sang-ayon ako sa sinabi niya. Tingin ko may pagtingin ka na talaga kay Seira pre." Sagot niya na kinatango ko.
"I think tama ka." Mahinang saad ko sabay buntong hininga. "Aaminin ko simula nung nakita ko ulit si Seira ay di na siya nawala sa isip ko. Lagi na lang akong napapatitig sa kanya." Dagdag ko at ala mm kong nakatingin siya sa akin.
"Wala naman masama kung magkagusto ka, ligawan mo." Napailing ako sa sinabi niya.
"I don't have any right to court her." Pinagsaklop ko ang mga kamay ko na pinatong ko sa lamesa.
"Clark" tawag niya.
"Dave I hurt her at alam ko malaki ang ginawa kong pinsala sa kanya sa tingin mo matatangap pa ba niya ako yung taong nanakit sa kanya. I think hurting her in the past is one of my biggest mistake I ever done." Saad ko at alam ko puno ang boses ko ng pagsisisi nung sinabi ko iyon.

------------------------------------------------
A/N: Hope you like this chapter.

Don't forget to vote, comment and like.

Here is my fb page https://www.facebook.com/dreamerhime

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon