Chapter 8

2.5K 55 11
                                    

Chapter 8

~Clark's POV~

One week na nakakalipas simula nung nagbitaw ng pangako sa akin si Seira at one week na rin siya nakadikit sa akin sa eskwelahan dahil umalis na rin si Val papunta Spain kaya sa amin siya sumasama. Puro practice kami ng for graduation and completion of requirements na lang. Sa loob din ng linggo iyon ay malamig ang trato sa kanya at mukhang effective iyon kasi may times na nakikita ko sa reaction niya dissapointed siya. Siguro kaunting pag-iintay na lang at aayaw na siya.
Ngayon papasok na ako, 3 weeks na lang graduation na namin. Ok na ako sa requirements ko pwede na nga akong di pumasok kaso nakakabagot naman sa bahay kaya maspinili ko ng pumasok. Habang papasok ay nahagip ng mata ko si Seira na nakaupo sa isang bench. Napakunot ako ng noo dahil parang wala sa sarili siya, nakatulala siyan sa kawalan medyo mainit na rin kaya nagtataka ako kung bakit siya nakaupo kahit napakainit na.

"Seira" tawag ko rito pero di niya ako nilingon kaya lalo akong napakunot noo. Kapag tinatawag ko siya isang tawag lang sa kanya lilingon na siya sa akin "Seira" tawag ko ulit nung nakalapit na ako sa kanya ng tuluyan.
"Huh?" Lingon niya sa akin, parang wala siya sa sarili niya.
"Anong ginagawa mo dito? Mainit kaya." Inikot ko yung paningin ko. Wala naman klase dahil busy na rin ang mga guro namin.
"Ah eh iniintay kasi kita." Napabalik ako ng tingin sa kanya.
"Bakit dito ka nag-iintay napakainit oh." Sabi ko sa kanya.
"Di naman masyado, tsaka worth it naman yung iniitay ko." Ngiting saad niya "halika na." Hinaltak na niya ako.

Pagdating namin sa loob ng building namin ay naghiwalay na kami, may kaklase kasi si Seira na lumapit at sinabing hinahanap siya ng kanilang guro. Ako naman ay pumunta rin sa classroom namin.

"Clark bakit ngayon ka lang?" Si Patrick ang nagtanong.
"Kasama ko si Seira kaya ngayon lang ako." Walang ganang sagot ko "Vic kaylan ba ito matatapos?" Alam ko alam niya ang ibig kong sabihin.
"Ano sa tingin mo na ang estado?" Tanong ni Vic sa akin.
"Sa tingin ko medyo umeepekto naman." Sagot ko.
"Clark may tanong ako." Nilingon ko si Patrick "kahit minsan di ka nagkagusto kay Seira? " napakunot noo ako.
"Bakit mo naman na tanong? Wag mong sabihin may gusto ka kay Seira. " masyado kasi siya concern sa tao.
"Wala akong gusto sa kanya. Naaawa lang ako sa pinagagawa niyo sa kanya." Pagpapaliwanag niya "sagutin mo na lang ang tanong ko."
"Anong klaseng tanong iyan may girlfriend na ako." Sagot ko sa kanya, medyo na irita ako sa tanong niya.
"Oi nagkakainitan na kayong dalawa." Awat sa amin ni Dave.
"Pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Patrick.
"Bakit ganyan ka ba magreact?" Tanong ni Alex.
"Para kasing nakikita ko ang magiging reaksyon ni Seira pagnalaman niya." Napabuntong hininga siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Takhang tanong namin.
"Si Claris kasi" malungkot na saad ni Patrick "niloko lang ng boyfriend niya." Nabigla kami sa sinabi ni Patrick.
"Ano?!" Saad ni Vic, medyo close kami kay Claris parang lahat kami ay nakakabatang kapatid ang turing namin sa kanya.
"Nalaman ni Claris na may isa pang girlfriend yung boyfriend niya. Kaya paminsan pag may usapan sila paminsan di siya sinisipot dahil nandun yung boyfriend niya sa isang girlfriend niya." Pagpapaliwanag ni Patrick, medyo tinamaan ata ako dun. Pero iba si Claris kay Seira.
"Loko yung lalaking yun ha." Inis na sabi ni Dave "kamusta si bunso?' Dugtong niya.
"Nasa bahay iyak ng iyak. Nagkulong siya sa kwarto niya, nag-aalala na si Mama. Si Papa galit na galit dun sa lalaki gusto nga niyang bugbugin yung lalaki dahil sinakan niya ang kaisa-isang prinsesa niya." Napalunok ako sa sinabi niya.

Kung gaanon ang reaksyon ng Papa ni Claris paano kaya ang Daddy ni Seira pagnalaman iyon. Napalunok ako sa naiisip ko.

"Halika Patrick puntahan natin yung lokong lalaking nagpaiyak sa bunso natin." Tumayo si Alex at handang handa ng sumugod sa gera.
"Oo nga saan ba nag-aaral yun?" Tanong ni Dave at mukhang totoohanin nila ang pagsugod dun sa lalaki.
"Sa East International School." Tumayo na rin si Patrick.
"Oi kayo anong gagawin ninyo?" Tumayo ako at sinundan sila.
"Kakausapin ko yung lalaki." Sagot naman ni Patrick.
Nagtuloy tuloy kami at sumakay sa isang sasakyan may student license si Vic kaya sa kanya na lang kami sumakay. Nakarating kami sa EIS at pinapasok kami dahil sinabi ni Patrick na kapatid niya si Claris at isa pa Uncle nila ang may-ari ng school na ito.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon