Chapter 30

1.7K 38 1
                                    

Chapter 30

~ Clark's POV ~

"Oh pre mukhang puyat ka." Napatingin ako sa katabi ko, si Dave. Sabay kami ngayon naglalakad papunta sa opisina ko.
"Tama ka na puyat ako." Tugon ko. Kagabi kasi na isip ko yung pag-uusap namin ni Seira.

Pinagsisihan ko yung sinabi kong gumaganti siya sa akin. Parang pinaalala ko ang mga bagay na dapat di na ungkatin. Di rin nakatulong ang ala-ala ko ang itsura ni Seira, ng natulog ako ay bumalik ulit sa akin ang paniginip ko nung isang araw at tulad nung nakaraan ay nagising ulit ako at di na ulit nakatulog.

"At bakit ka naman na puyat?" Tanong niya.
"May mga inisip lang ako." Binuksan ko ang pinto at agad na pasalampak akong umupo na sa upuan ko.
"Pre na alala mo si Cecile yung nakilala natin sa States nandito siya at mukhang interesado pa rin ata sayo." Saad ni Dave.

Napailing na lang ako, Cecile is a very beautiful woman at sinabi na rin niya na enteresado siya sa akin. Pero sa totoo wala akong maramdaman para sa kanya, yes she is attractive pero para sa akin hanggang magkaibigan lang kami at alam niya iyon.

"Wag mo kaming bigyan ng issue kung ayaw mong pagtulungan ka namin ni Vic sa panunukso sayo kay Val." Pananakot ko.
"Oi wag ganun baka mahalata na ni Val na may gusto ako sa kanya." Napakamot ito sa ulo niya.
"Tingin ko alam na niya yun." Saad ko habang nakasandal sa swivel chair ko.
"Paano mo na sabi?" Seryoso itong nakatingin sa akin.
"Sa tagal ka namin tinutukso kapag nandiyan si Val at laging pagbibida sayo ni Patrick sa tingin mo di niya mahahalata iyon, matalino si Val tandaan mo yan." Saad ko.
"Parang ayoko ng magpakita kay Val." Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Dave sa itsura niya ngayon.
"Ligawan mo na kasi." Saad ko habang nagtitipa sa laptop ko.
"Natatakot kasi ako na mabusted." Napitingin ako sa kanya at kita ko sa mukha niya na seryoso ito.
"Simula nung high school yan ang sinasabi mo. Paano kung may biglang may manligaw kay Val at sinigot niya ito paano ka niyan? Hanggang tanaw ka na lang sa huli." Pinatong ko ang dalawang siko ko sa mesa. "Payong kaibigan lang gumalaw ka na bago mahuli ang lahat." Dugtong ko.
"Hahaha teka parang dati ako ang nagsasabi sayo ng mga payo ngayon ikaw na." Natatawang saad nito.
"Anong payo?" Kunot nuong saad ko, di ko matandaan ang sinasabi nitong payo.
"Magpakatotoo ka." Tumayo ito at naglakad papunta sa pinto ng opisina ko. At dun ko lang ulit na aalala lahat.
"Ewan ko sayo Dave." Yan na lang nasabi ko.
"Eh bakit kung tumingin ka kay Seira ay siya lang ang babae na nakikita mo? Bakit parang concern ka sa kanya lalo na nung nalaman mo yung nakaraan?" Humarap ito sa akin habang nakatayo sa may pintuan.
"Tulad ng sinabi ko nakokonsensya ako sa ginawa ko noon kaya ganun ang reaksyon ko. Siguro na mimissinterpret mo lang ang tingin ko sa kanya." Paglilinawag ko.
"Hahaha bagay talaga tayo maging bestfriend. " tawa nito kaya kunot noo ko siyang tiningnan, ano anng connection niyon sa pagiging magbesfriend namin at mukhang nabasa niya ang iniisip ko. "Parehas kasi tayong takot" saad niya "takot umamin, ako takot umamin kay Val at ikaw takot umamin sa sarili." Dugtong pa niya sabay bukas ng pinto.

Naiwan akong nag-iisip dahil sa mga sinabi ni Dave, paano niya na isip na may nararamdaman ako para kay Seira? Aaminin ko may kakaiba akong nararamdaman pagmalapit ito sa akin at tingin ko dahil sa aking konsensya. Napailing na ako ng ulo at inabala ang sarili ko sa mga ginagawa ko. Nakarinig ako ng katok kaya napaangat ako ng tingin, bumukas ang pinto at nagulat ako sa taong pumasok sa pintuan.

"Blake" napatayo ako at lumapit sa kanya. "Kala ko ba sa Spain ka pa rin?" Tanong ko agad.
"Oo may mga inasikaso kasi ako sa Hong Kong kaya napagdesisyonan ko na pumunta muna dito." Umupo siya sa couch at ganun ang ginawa ko.
"Parang nakakapagod naman ang ginagawa mo." Pakiramdam ko nakakapagod maging presidente ng isang malaking kompanya tulad ng Barcilio.
"Ang totoo nakakapagod talaga pero para sa family business namin ay ok lang sa akin ito." Pag-amin niya.
"Sigurado di mo na na aasikaso ang love life mo dahil sa sobrang busy mo." Birong saad ko.
"Oo nga" seryosong saad niya kaya napatingin ako sa kanya. "Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon ni Seira gagawin ko ang lahat para sa kanya." Nung narinig ko iyon ay parang nagsisi ako dahil binuksan ko ang paksa na iyon.
"So saan ka ngayon?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Hhmm dito muna ako sa Pilipinas ng mga ilang araw." Tumayo ito. "Maglunch out tayo nila Patrick. " dugtong niya.
"Sige tawagan ko sila." Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan sila at buti wala silang mga meeting kaya magkikita na lang kami sa lobby sa baba.

Bumaba na kami ni Blake at pagdating namin sa lobby ay nandun na sila Dave. Natuwa sila dahil parang ngayon pa lang kami magkakasamang lahat.

"Tamang tama mamaya magbar tayo." Yaya ni Vic.
"Vic dun ka na ata nakatira sa bar." Biro ni Blake kaya nagtawanan kami.
"Eh masaya dun di ba Alex." Baling niya kay Alex.
"Ah eh nagbagong buhay na ako." Napapakamot na saad nito.
"Wow bagong buhay ka na bakit dahil ba kay Clara." Panunukso ni Dave at mukhang masaya ito sa ginagawa niya.
"Oi Mr. Boy torpe wag ako ha." Pagbabanta ni Alex kay Dave kaya natawa kami.

Nasa ganun kaming sitwasyon ng napansin namin ang pagbukas ng isang elevator at lumabas sila Seira, Val, Carolina, Clara at Rebeca at kita sa mga tao ang paghanga sa limang magagandang babae.

"Yayain kaya natin sila." Saad ni Vic at mukhang nagustuhan naman ito ng mga kasama ko.
"Seira" tawag ni Blake at nung bumaling sila sa amin ng tingin. Si Seira ay napakunot noo, si Val ay poker face lang, si Carolina ay parang napangiti ng kaonti, napansin ko na seryosong nakatingin si Vic dito at sila Rebeca at Clara ay parang wala lang sa kanila.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ni Seira kay Blake.
"Na miss kasi kita." Biro ni Blake na inirapan lang ni Seira.
"Ano meron at bakit nakatambay kayo dito?" Tanong ni Val kay Patrick.
"Maglulunch kasi kami at dito kami nagkita kita." Sagot naman ni Patrick.
"Seira gusto---" naputol si Blake sa pagsasalita.
"Seira!!" Isang boses ang tumawag kay Seira kaya napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.
"Art" tawag ni Val sa taong tumawag kay Seira. Lumapit pa ito at ningitian ng tipid. "Para sa akin ba yang bulaklak." Birong saad nito at mukhang close sila.
"Long time no see Val." Napakamot ito sa ulo niya at tumingin kay Seira. "Para kay Seira ito." Nakita kong napatingin si Blake kay Arthur. "For you." Inabot ni Arthur yung bulaklak, una tiningnan ni Seira ito at bumuntong hininga bago tanggapin iyon.
"Salamat." Sabi ni Seira nung nakuha yung bulaklak.
"Wait bakit mo binigyan ng bulaklak si Seira?" Mapanuksong saad ni Val.
"Ah eh nililigawan ko kasi siya." Sagot ni Arthur at parang kinilig sila Rebeca at Clara sa sagot ni Arthur. Nakita kong parang na inis si Patrick at Alex.
"Really naku pasado ka na sa akin." Biro ni Val at parang biglang huminto siya at napatingin sa gawi namin. "Oopppss." Saad niya habang nakatingin kay Blake.
"Seira can I invite you for a lunch?" Tanong ni Arthur.
"Wala ka bang duty ngayon?" Saad ni Seira na parang walang paki-elam.
"Mamaya pang gabi, so are you free?" Tanong ni Arthur.
"Sure" sagot ni Seira sabay baling kay Val. "Next time na tayong maglunch." Sabi niya kay Val.
"No problem kami na lang pero next time Art itreat mo ko." Tapik niya kay Arthur. Nakita kong napatikom ng kamao si Dave.
"Sure." Sagot niya sabay harap kay Seira. " so let's go?" Tumagilid si Arthur na parang pinapauna si Seira.
"Sige alis muna ako."baling ni Seira kay Blake ngunit di ito sumagot. Umalis na sila at ganun din ang ginawa nila Val.
"Kala ko ba di nagpapaliwanag si Seira? " tanong ni Alex pero walang sumagot.
"Mukhang type nila Rebeca, Clara at Val yung Art na yun." Saad ni Vic at nakatikim siya ng matatalim na tingin mula kila Dave, Patrick at Alex. "Ah eh malas nila kasi si Seira ang gusto nung Art na iyon." Agad niyang sinabi, mukhang natakot sa tingin nung tatlo.

Habang masamang nagtitigan yung apat ay tumingin ako sa nilabasan nila Seira, nakaramdam ako ng inggit dahil pakiramdam ko may isang pribelehiyong meron si Arthur na wala kami, kaming may mga pera at nagmamay-ari ng kompanya. Nasa ganun kaming sitwasyon ng na rinig namin bumuntong hininga si Blake.

"Guyz" tawag sa amin at di na nami kaylangan lumingon dahil kaming lima ay nakatingin sa kanya. "I'm staying." Seryosong saad nito.

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon