Chapter 1

4.3K 75 2
                                    

Chapter 1

Pic of Clark in the Media

~Clark's POV~

It's has been 5 years since I left away. Ngayon pabalik na ako sa Pilipinas, pinagmamasdan ko ang mga ulap mula sa aking bintana at binabalikan ang mga nakaraan. Sa loob ng 5 years ay nakafocus ako sa pag-aaral sa states. Naging masaya ang buhay ko sa States with my friends well except one si Patrick, sa Spain siya nagstay with his family pero di naman nawawala ng communication niya sa amin. Lagi niya kaming dinadalaw sa States kaya parang di kami nagkakahiwalay, napag-usapan nga namin  na magtayo ng sariling business at yun nagbukas kami ng isang restaurant at naging patok ito kaya may mga branch na ito. Third year college namin ito inumpusahan at sa loob ng dalawang taon ay nakilala ito. Ngayon babalik ako ng Pilipinas dahil kaylangan ko ng hawakan ang hotels na pagmamay-ari ng pamilya namin, Imperial is one of the best Hotel group na hawak ng pamilya namin. Ayos lang sa akin na hawakan yun dahil simula pagkabata ay sinasabihan na nila ako na ako ang hahawak nito. Ang mga kaibigan ko naman ay bumalik na sila sa Pilipinas dahil balak namin itayo ang restaurant namin sa mga hotel namin, pagnangyari yun magkakaroon sila ng shares sa amin. May plano pa kaming magkakaibigan na magbukas ng wine company but we don't have any background sa field na yun. Na isip namin na makipagpartner sa isang sikat na wine company at kami ang magbubukas dito sa Pilipinas. Reminiscing the past is really fun lalo na yung mga kalokohan namin magkakaibigan, lalo na nung high school.
"High school" sambit ko na may ngiti ngunit napalitan ito. May mga ala-ala na nagdudulot ng lunggkot. Sabi nila ang high school ang pinakamasayang yugto ng pagiging estudyanete. Naniniwala ako dun kasi nung high school kami ay wala kaming iniintindi kundi gumala, magpakasaya at maghanap ng mga babaeng magugustuhan namin. At kapag na iisip ko ang pagkakaroon noon ng girlfriend isang tao ang agad na pumapasok sa isip ko.
Flashback
"Yoh guys wala daw tayong klase sabi ni Sir Agapito." Sabi ni Alex habang papasok sa classroom. Ngayon 4th year high school na kami.
"Kain tayo sa canteen nagugutom na ako." Sabi ni Vic habang hinihimas ang tiyan niya.
"Sige sa canteen na tayo kumain mamayang after lunch pa ang resume ng klase." Kinuha no Alex yung wallet at cellphone niya "Saan yung dalawa?" Luminga linga siya at hinahanap sina Patrick at Dave.
"Sabi nila magccr lang daw lang sila, tnxt ko na sila na dumeretsyo na canteen." Naglakad na kami papuntang canteen.
Habang naglalakad kami ay binabati kami ng ibang estudyante, well kilala naman ang grupo namin. Sikat kasi ang mga pamilyang pinagmulan namin at di naman ako magyayabang pero kaming magkakaibigan ay maipagmamalaki ang mga itsura namin. Pero pasalamat din kami sa mga kaschoolmate namin babae dahil di sila yung tipong nagkakagulo kapag nakikita kami. Sapat na sa kanila yung kiligin at mapangiti.

Nakarating na kami sa canteen at halos sabay lang kaming dumating nila Dave. Bumili kami ng makakain at nagkwentuhan. May mga ibang mga estudyante rin naman ang kumakain kaya medyo maingay. Pero biglang tumahimik at kala mo may anghel na dumaan.
"Oh O, the Queen is here." Sabi ni Patrick habang nakatingin sa likod ko.

Di ko na lang pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pagkain. Alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Naririnig ko din na may bumabati sa kanya at mga sumisipol.

"Hi Clark." Bati sa akin ng isang babae na may kasamang lambing. Di ko pa rin siya pinapansin "Galit ka ba sa akin, sorry na." Umupo siya sa tabi ko at amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Pwede ba tigilan mo na ako." Halata na sa boses ko ang pagkairita.
"Sorry na talaga, dami kasing epal na umaaligid kasi sayo." Malambing na sabi niya na may halong haplos sa braso ko.
"SEIRA!!" Sita ko sa kanya, buti tinanggal na niya ang kamay niya sa braso. Ayoko ng ginagawa niya dahil nagbibigay kakaibang pakiramdam ito sa akin.
"Seira" may tumawag sa kanya kaya lahat kami napatingin sa tumawag.
"Bakit Val?" Nakataas na ang kilay ni Seira.
"Bitch halika na alam mong may gagawin tayo." Sabi ni Val, kung di ko alam na magbesfriend sila ang aakalain mo nag-aaway sila.
"Bitch ka din." Tumayo na si Seira pero bago umalis ay lumingon pa sa akin at humalik sa pisngi ko sabay kindat.

Di ko na nagawang umiwas dahil sa mabilis na kilos, maypagkaninja ata ito eh. Nung nakaalis na siya ay bumalik na ako sa pagkain.

"Wow pre na isahan ka ng reyna." Tatawa tawang komento ni Dave.
"Tsk..." yan na lang nasabi ko. Tama na isahan na naman ako.

Seira Vallioso is known as The Queen. She is consider the queen because of her beauty at di lang sa ganda siya may panlaban pati utak meron siya. Di tulad ng iba na ganda lang meron, sinasabi na maraming pang talent si Seira pero wala na akong paki. For me she is a annoying stalker, we are schoolmate since elementary at hanggang ngayon. Buti na nga lang magkaiba kami ng section siya nasa star section while ako third section. Bitch siya lalo sa mga babaeng na gugustuhan ko at sa mga malalanding lumalapit sa akin. Ok sana kung yung mga malalandi ang aawayin niya pero pati yung mga babaeng pinopormahan ko inaaway niya. Kaya hanggang ngayon wala pa akong girlfriend.

"Bakit kasi di mo na lang ligawan si Seira,  swerte ka kasi ang reyna ang lumalapit sayo. Sexy, magand at matalino naman siya. Kung ganyan girlfriend ko naku maraming mamamatay sa akin sa inggit." Kantyaw ni Vic at halatang pinagpapantasyahan niya si Seira.
"Kung gusto ikaw na lang." Inis na saad ko "kala mo masayang iniistalk niya, pre ang hirap. Pakiramdam ko may nananunuod sa bawat kilos ko, sabihin na natin na maganda, sexy at matalino siya eh yung ugali matitiis mo lalo na kung mahilig awayain ang mga babae na gugustuhan ko, di bale na lang." nawawalan na ako ng ganang kumain.
"Naku pre ginawa na namin ni Vic yan kaso wala di gumagana ang kagwapuhan namin sa kanya. Lagi ang sinasabi niya ay si Clark lang daw ang gusto niya, ano bang gayuma ang ginamit mo at ang lakas ng tama sayo nun." Napailing na lang ako, akalain mo yun di gumana ang kamandag ng dalawang ito kay Seira, well pati kay Val di rin tumatalab ang charms nila. Sabagay kilala kami ni Val dahil pinsan niya si Patrick.

Natapos na kaming kumain at pasalamat ako at naubos ko ang kinakain ko. Bumalik na kami sa classroom, di namin madadaanan ang classroom nila Seira dahil nasa dulo ito. Kung manggagaling sa room nila kami ang madadaanan nila. Nang makapasok na kami ay nagkwentuhan at tamang trip lang dahil mamaya pa dadating si Ms Samson. Nang matapos ang mga klase namin kaya napagdesisyonan namin na maglaro ng basketball sa gym. Pagkatapos namin maglaro ay umupo kami sa bench. Nagulat ako ng may nagpunas ng pawis ko kaya napalingon ako. Napakunoot ang noo ko nung makita ko ang isang babae na nagpupunas sa akin. Expect ko si Seira pero nagkamali ako.

"Naku pawis na pawis ka na baby Clark. " may pagkamalanding saad niya. Ito na naman kundi si Seira ang dumidikit sa akin ay yung mga malalandi.
"Yoh Micy si Clark na ang bagong target mo nuh." Sabi ni Dave habang nakangisi.
"Yah, sa inyo kasing apat siya ang pinakamalakas ang dating." Naramdaman ko ang paghaplos niya sa akin. Nung tatangkain ko ng tatangalin ay may humawak sa kamay niya at hinaltak.
"ARAY!!!" Saad nung Micy na napaupo sa sahig "SEIRA!!" tawag niya sa babaeng humaltak niya.
"Micy you must know where you place. Clark is mine." May diin ang pagkakasabi niya sa huling parte.
"Tsk..." umalis na yung Micy, nagtataka ako kung bakit walang pumapatol kay Seira lalo na yung mga babaeng nang lalandi sa akin.

Di ko na lang inintindi ang iniisip ko kasi wala talaga akong paki. Kinuha ko ang bag ko at umalis naramdaman kong sumunod ang mga kolokoy kaya di na ako lumingon.

"Ang haba ng buhok mo pre, daming naghahabol sayo." Pangangantyaw nila sa akin.

Napalingon ako sa kanila para batukan pero nakita ko si Seira na nakatingin sa akin sabay kin ndat at nagflying kiss. Napailing na lang ako at nasabi sa isip ko wala na akong magagawa kung  The Queen / Bitch likes me.

End of flashback

Naputol lang ang pag-aalala ko nung narinig ko ang piloto na nagsasabi na papapalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Lumingon ulit ako sa labas at na sabi ang katagang.

"I'm back."

The Bitch That I No Longer Knew (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon