Chapter 58
~ Seira's POV ~
Nagulat ako sa pagputok ng baril dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa baril na hawak ni Lex na nakatutok kay Sarhento.
"Full shit!!" Rinig kong mura ni Lex at naramdaman kong lumuwang ang hawak niya sa akin. Agad kong inikot ang mata ko para malaman kung sino ang bumaril sa kanila. Hindi pwede si Sarhento dahil di ko nakitang pumutok ang baril niya, si Blake ay halata ang gulat at di naman umuusok ang nguso ng baril na hawak niya, si Clark naman ay iniikot din ang tingin kung sino ang nagpaputok at tulad kay Blake ay di rin umuusok ang nguso ng baril niya. Tiningnan ko ang harap na bahagi ng katawan niya pero wala akong nakitang sugat sa kanya, sa puntong iyon na realize kong sa likod siya tinamaan.
'Hindi pwede si Victor ang gumawa nun dahil tapat ito kay Lex.' Saad ko sa isip ko. Tumingin ako sa kinaroroonan ni Victor at nanlaki ang mata ko sa akin nakikita.
"Tri--- Tristan? " napahawak ako sa bibig ko dahil sa hindi makapaniwalang senaryong nakikita ko.
Si Victor ay nakaluhod at sapo ang pagkalalaki niya samantalang si Tristan ay medyo malapit na sa amin at may hawak siyang baril na nakatutok kay Lex.
"I---Ikaw?" Lumingon si Lex at hirap siyang magsalita.
"As I promise I will protect my mom from you. I acted as a spoiled brat to complete my plan to asked help by using the phone of this man. " Matalim siyang nakatingin kay Lex at Victor na parang pinapatay na niya ito.
"Walang utang na loob." Tinutok ni Lex ang baril kay Tristan na lalong nagpalaki sa mata ko.
"No!!" Agad akong humarang para di barilin ni Lex si Tristan.
"Mom!!" Sigaw ni Tristan. Matapos sumigaw ay umalingawngaw ang tatlong putok ng baril, napapikit ako ng mariin para di ko makita ang balang tatama sa akin.
"Fuck shit..." napadilat ako dahil naramdaman kong may humawak sa akin at ganun na lang ang gulat ko ng marealize kong walang balang tumama sa akin. Tiningnan ko ang taong humawak sa akin at kita ko ang apat na tama niya sa likod.
"Le---lex..." tawag ko sa kanya.
"Sumuko ka na Lex wala ka ng matatakbuhan." Nakita kong papalapit sila Sarhento, Blake at Clark sa akin. Tiningnan ko si Lex na pilit tumatayo.
"Hin---hindi ako susuko." Saad niya, tiningnan niya ang mukha ko at kita ko ang pagpupungay ng kanyang mata.
"Lex sumuko ka na." Pilit ko pa rin siya pinapasuko dahil wala na siyang magagawa. Pwede pang maligtas ang buhay niya kung susuko siya agad.
"Mamamatay muna ako bago ako mahuli ng mga pulis." Nagulat akong pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.
"Lex" tawag ko dahil di ko alam kung anong plano niya.
"Kung mamamatay ako isasama kita." Nagulat ako sa sinabi niya at dahil dun napasama ako sa pagtakbo niya papuntang sa bangin.
"SEIRA!!!" Rinig kong sigaw sa pangalan ko pero bago pa ako makalingon ay tuluyan na kaming nahulog ni Lex sa bangin. Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit at hinawakan niya ang ulo ko at sinandal sa kanyang dibdib. Medyo mataas ang bangin na tinalon namin, mga ilang segundo ay naramdaman ko ang pagbagsak namin sa dagat. Nahirapan akong huminga dahil di ako nakakuha ng sapat na hangin tapos napakahigpit ng yakap sa akin ni Lex. Pilit kong tinatanggal ang yakap niya sa akin pero habang nagtatagal ay lumalalim ang paglubog namin. Na uubusan na ako ng hininga nung lumuwang ang yakap ni Lex, agad akong lumayo sa kanya at pilit lumalangoy paakyat, ngunit dahil sa bigat ng damit ko ay nahihirapan ako.
'Ito na ba ang katapusan ko?' Tanong ko sa isip ko.Tuluyan na akong nawalan ng hangin, medyo nanghihina na ako at napapagod sa paglangoy. Nang tumigil ako ay naramdaman ko na lang ang paglubog ko. Unti unting napapapikit ang mata ko. Nang mapapikit ang mata ko ay nagplay sa utak ko ang mga nang yari sa akin simula pagkabata, parang pelikula itong piniplay at nandun ako para panuorin iyon. Nakita ko muli ang nakangiting mukha ni Daddy, ang masiglang tawa ni Mommy at ang hagikgik ni Baby Akie. Yung mga kasama ko sa dance troupe na masayang sumusunod sa akin habang sumasayaw, yung mga kaklase ko na pinupuri ako kapag napeperfect ko ang exam ko, si Val na sinasamahan ako sa mga lakad ko, ang parents niya na tumatawa sa mga jokes ko, si Inang Marsedes na kinakantaha ako ng birthday song, si Patrick na sinusubukang magpalit ng lampin ng anak ko, si Sarhento na pinaramdam sa akin ang pagiging ligtas, si Blake pilit akong pinapatawa sa mga jokes niya, si Tristan na nagbigay buhay muli sa buhay ko at ang huli... hindi ko alam kung bakit siya ang huli pero nakikita ko siya at ang sarili ko noon, yung ako na lubos na nagmahal sa kanya. Clark... siguro kung minahal mo ko noon ay di mangyayari ang mga bagay na ito sa akin. Kahit papaano nagpapasalamat ako dahil alam ko na pinagsisihan mo ang lahat at nakita ko yun. Gusto kong sabihin sayo na handa na akong bigyan ka ng pagkakataon, pati sila Sarhento at Blake ay bibigyan ko ng pagkakataon. Everybody deserve a chance to be happy, kung sana hindi pa huli ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/67017402-288-k951165.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bitch That I No Longer Knew (Complete)
RomanceFive years ago she was the Queen Bee, a head turner beauty and bitch as a bitch. But now she is a queen, epitome of beauty and have a body to die for to have but there something in her that change. Her eyes is like an ice and her smile is no longer...