Chapter Five ~
"Anong nangyari dyan sa noo mo? Ba't ang pula? " tanong sa akin ni Miley pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko.
Napahawak ako sa noo ko. Napalakas nga ata ang pagkakauntog ko sa pintuan, ang sakit e. "Wala bang bukol?" tanong ko.
Hinawakan naman agad ito ni Miley "Shocks, merong kaunting umbok. Gusto mo punta muna tayong infirmary?"
Bigla namang nag-init ang baet ko. "Nakakainis talaga yang Tyler na yan!" bulong ko. Pero malakas yata talaga ang radar ni Anneth kaya hinila nya kaagad ang upuan nya palapit sa amin ni Miley.
"Anong si Tyler?" nang-aasar na tanong ni Anneth.
Nagtataka naman si Miley, sa Miley na hindi narinig yung bulong ko. Daig pa sya ni Anneth na nasa kabilang ibayo!
Umiling-iling lang ako. "Wala, nauntog lang ako sa pintuan." inirapan ko lang si Anneth. "Sige na Miley, tara na muna sa infirmary."
Tumayo na kami ni Miley at sumunod naman itong si Anneth. Habang naglalakad, umimik na naman ang madadal na si Anneth. "According to my source, new student pala yang si Tyler kaya pala ngayon ko lang sya nakita."
Tahimik lang kami ni Miley at dire-diretso sa paglalakad.
"At alam nyo ba, gold medalist sya sa national swimming competition last year, bongga di ba?!" pero hindi pa rin naman sya kinikibo. "At according pa rin sa aking source, sya raw muna ang papalit kay Sir Nathan as swimming instructor, anong say mo Aria?" sabay harang nya sa daan ko.
Napalunok naman ako sa mga tingin nya. "Bakit hindi mo man lang sinasabi sa akin na may gwapo kang instructor?"
Hinila ko na si Miley at iniwasan sya. "Hindi ko naman siya instructor, substitute lang. Tsaka hindi naman yun napaka-importante para ikwento pa sa'yo. Besides, gwapo lang sya, pero masama ang ugali nya. Walang modo! Pagkatapos nya ako-- ay wala pala."
Pero dahil nadulas na ako, alam kong hindi na ako titigilan ni Anneth. Patay na!
"Pagkatapos ka nyang inano?" tanong ni Anneth.
"Wala." at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Ano nga kasi?"" pangunngulit nya.
Dahil wala na akong choice, kinwento ko na sa kanya yung first meeting namin ni Tyler.
"So sya yung nakabungguan mo? God! Sya yung prince Charming mo!" nagtatalong si Anneth sa sobrang tuwa.
"Gaga!" binatukan sya ni Miley. "Ibinagsak na nga ang kaibigan natin sa sahig, Prince Charming pa rin iniisip mo. Prince Charming ba ang tawag don?" galit na galit na sabi ni Miley. "Sinasabi ko na nga bang wala na talagang matinong lalake e. Nasaan na ba yun, ha?"
Natawa naman ako sa reaksyon ni Miley. Galit na galit! May pinaghuhugutan kasi.
"Bitter ka talaga Miley! Wag mo ngang idamay si Aria sa past mo! Hindi lahat ay katulad ng ex mo!"
Bago pa man sila tuluyang mag-upakan ay pinigilan ko na sila. "Oh, baka san pa mapunta yan. Hayaan nyo na. Wala lang sigurong magawa yung lalakeng yun."
"So kapag wala syang magawa, ikaw ang pagti-tripan nya?" gigil na gigil na si Miley.
Natawa na lang ako. "Pero syempre, hindi ko na hahayaang maulit yun no." natuwa naman si Miley sa narinig.
"Yan, tama yan. Ang mga babae hindi nagpapaapi!" sabay akbay nya sa akin.
"Basta, naniniwala pa rin ako na sya ang Prince Charming mo, Aria." pahabol pa ni Anneth.

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?