Chapter Thirty Six

558 8 1
                                    

Chapter Thirty Six  ~

ARIA's POV

Hindi ko alam kung nananadya ba siya pero nang kukuha na sana ako ng steak ay agad itong sinunggaban ni Tyler. Napakunot naman ang noo ko.

"Sorry."  bulong niya. Siguro ay hindi niya napansin na kukuha pala sana ako. "Sa'yo na 'to oh."  Nagulat ako nang ilagy nito sa plato ko. 

Napatingin ako sa lahat at hindi nakakapagtakang nakuha namin ang atensyon nila. Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't maging si Ritsu ay nakita ang pangyayaring 'yon.

Yumuko na lang ako at kunwaring hindi apektado sa nangyari.

"How long have you been here?"  tanong niya habang kami ay kumakain.

Siniko naman ako ni Miley na siyang katabi ko ngayon. "Bakit?"  I mouthed her then she glared at me, like she was saying that Ritsu's talking over me. 

"Ah, ano nga ulit 'yon?" I asked Ritsu, halatang hindi ako nakikinig.

Hindi pa rin kasi ako makaget-over sa ginawa ni Tyler.

"Kailan pa kayo nandito?"  then she manage to smile.

Hindi ko alam kung anong problema, pero parang ang bagal magprocess ng utak ko ngayon. Medyo buffering pa. 

"We just arrived here last day."  si Miley na ang sumagot para sa amin.

"I see."  sagot ni Ritsu.

Napansin ko na naman ang pagtingin sa akin ni Tyler. I admit, nabo-bother talaga ako sa presence niya. Bakit ba kasi pumayag pa ako. Yan tuloy, ako ngayon ang nagsu-suffer. It feels like I'm burning to hell.

"Katatapos lang kasi ng graduation namin kaya we came here all along to celebrate." pagkekwento ni Miley na para bang comfortable na siya na kausap si Ritsu. 

"Bongga nga kasi sagot ni Shem ang transpo namin at accomodation."  dugtong pa ni Anneth na sayang saya sa pagkukwento. 

Ngumiti naman si Ritsu na parang naaaliw sa mga kaibigan ko. Hindi pa nga pala niya name-meet ang mga kaibigan ko. Noong umuwi kasi siya noon sa Pilipinas ay ako lang ang palaging pabalik-balik sa bahay nina Tyler. Hindi ko naisasama sina Anneth at Miley.

"You still remember me, Shem?"  tanong ni Ritsu kay Shem. 

Nagulat kami sa biglang pagtatanong ni Ritsu. Alam kasi ng lahat na si Shem ang dating manliligaw slash stalker niya. Pinatalsik pa nga ito sa dating school dahil ayaw na ayaw ni Ritsu sa kanya. Kaya nga napaka-unexpected naman ng pagtatanong na iyon ni Ritsu.

"Y-yah."  parang nabubulol pa na sagot ni Shem. "How would I forget you." 

Bigla akong nakaramdam ng tension. Parang hindi ko magugustuhan ang mga susunod na mangyayari. Pero buti na lang at tumawa si Shem at medyo nabawasan ang tension. "But no hard feelings. Past is past." 

Napilitang tumawa ang iba para naman sakyan ang sinabing iyon ni Shem. At yun na naman ang mga mata ni Tyler, nakatingin sa akin. Bakit ba niya ako tinitigan? Nabo-bother ako at the same time, nape-pressure. 

"Yah, past is past."  Ritsu seconded. "Pero masyadong maraming nangyari sa nakaraan na gusto kong ayusin ngayon."

Lahat napatingin sa kanya. Para saan ba ang dinner na 'to? Ito na ba yung sinasabi ni Anneth na forgiveness day? Is this really the time to forgive and forget what happened before and start a new day with no worries and doubts?

Pero sa halip ay ngumiti lamang ito. Hanggang ngayon ay palaisipan para sa'kin ang mga salita niya kanina. 

Naging tahimik lang ang dinner na 'yon. Minsan nagsasalita si Anneth pero agad na napuputol ang kwentuhan. Ewan ko, wala kasing magtuloy ng kwento eh. Hanggang sa natapos kami at inalis na sa mesa ang aming pinagkainan. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon