Chapter Six ~ 2
"Saan ba kita ihahatid?" nakangiting tanong nya.
Pwede bang sa puso mo na lang nang hindi na ako maligaw pa?
Di pa man ako nakakasagot ay bigla syang umimik. "Uy, Hon." Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko dahil sa aking narinig. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang sinasabit sa tenga ko ang buhok na humawi sa mukha ko.
Ganun na lamang ang pagkadismaya ko nang makitang hawak pala nya ang cellphone nya. "Hon, sorry na."
Tsaka lang nag-sink in sa akin ang lahat. Bakit ko nga ba biglang nakalimutan na may gf na nga pala sya? Nawala lahat ng kilig!
Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya nang bigla nyang tinago ang phone nya sa bulsa nya. Nag-away ba sila ng gf nya? Hindi kaya dahil yun sa akin? Dahil nung sinagot ko yung phone nya? Nakaramdam ako ng guilt.
"Pakisabi nga pala sa girlfriend mo, sorry."
He forced a smile. "It's okay."
Aww. Bakit masyado akong affected? Masyadong honest ang mga mata niya. Alam mo kung nagloloko siya, kung masaya siya at kung nasasaktan siya. Kanina lang ang saya niya nang mabalik ang cellphone tapos ngayon, malungkot na siya.
"San ka nga pala uli?" tanong nya.
"D-dito na lang." bigla kong nasabi. Hindi ko kasi kayang tumagal pa na kasama sya habang may iniinda syang problema sa gf nya.
"Sure ka, dito sa Plaza? " tumango lang ako.
Agad na tinigil nya yung kotse at tinanggal ko na yung seatbelt, bumaba na ako at nagpaalam. "Thanks Tyler." pero hindi na nya nagawang tumingin pa sa akin kasi mukhang nagmamadali sya.
Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. OA ba? Pero hindi eh. Yun talaga naramdaman ko nang umalis siya. Parang bigla rin akong nalungkot nang makita syang malungkot. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad-lakad dito sa plaza.
'Cause I see, sparks fly whenever you smile
Tumunog ang phone ko, marahil si Mama yun at hinahanap na ako. Saturday kasi ngayon at dahil wala akong klase, madalas nya akong pinapapunta niya ako sa botique para magsupervise pero pagtingin ko sa phone, si Miley pala.
"Ba't ka napatawag?"
"Nandito kami ni Anneth sa orphanage, sunod ka dito!"
"Wh-haat? Di man lang kayo nagsabi."
"E ano tong ginagawa ko ngayon? Di ba sinasabi ko na nga sa'yo? Sige na, bilisan mo!" at inend naman nya yung call.
Napakawalanghiya talaga! What I mean is, bakit umuna sila? Hindi man lang ako dinaanan sa bahay para sabay-sabay kami. Pero sabagay, wala naman ako ngayon sa bahay. Hehe.
"I'M HEEEERE!" sigaw ko habang pumapasok ng bahay ampunan. Napatigil tuloy sa paglalaro sina Anneth at Miley pati yung mga bata. Nakita ko namang papalapit na sa akin sina Bochog at Betchay at handa na ang kanilang mga kamay sa pagyakap sa akin.
Hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kanila. Matagal-tagal na rin nung huli kaming nagkita e. Kapag bumi-bisita kasi kami dito sila na talaga lagi kong kalarao kaya nga sobrang lapit namin sa isa't isa.
Niluhod ko ang isang tuhod ko sa lupa. Then i patted their heads ..
"Kumusta na kayo?" tanong ko sa kanila.
"Okay naman po kami. Namiss po namin kayo!" sabay na sagot nila.
"Namiss ko rin kayo." at ginulo ko ang buhok nila. "Pasensya na, walang pasalubong si ate. Si ate Miley at ate Anneth kasi hindi sinabi sa akin na balak pala nilang pumunta dito." sinamaan ko naman ang tingin yung dalawang babaysot.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Ficção AdolescenteIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?