Chapter Thirty Three

566 9 4
                                    

Chapter Thirty Three ~ After 1 year.

 

ARIA's POV

"Wait-wait kami naman ni Aria ang kuhanan niyo ng picture."  at inabot ni Shem ang camera kay Anneth. Kanina pa kasi namin siyang ginagawang photographer. 

Kung tatanungin nyo kung ano nang estado ng puso ko ngayon pagkatapos ng magulo at napaka-komplikadong relasyon ko kay Tyler noon, kahit hindi naman talaga naging official na kami, ay ngayon masasabi kong okay na ako. 

Okay na nga ba talaga? 

Oo, hindi maiiwasan na paminsan-minsan ay naaalala ko siya. Mga alaalang masasaya at maging ang kalungkutan. Ganoon naman daw talaga, hindi mo naman makakalimutan ng lubusan ang isang tao lalo na't naging parte na ito ng buhay mo. So hinahayaan ko na lang na maalala siya. Basta, patuloy pa rin ang buhay. Walang mangyayari kung pipilitin kong ibalik ang nakaraan. Nakaraan na nga eh, hindi na pwedeng ibalik. Maiiwan lang ako ng panahon kung ilulugmok ko lang ang sarili sa kalungkutan. 

Masaya na ako. Kasama ang mga kabigan ko. Oo, mas naging malapit kami ni Shem nang mawala si Tyler. Siya ang naging sandalan ko sa lahat ng bagay. Pero ang relasyon namin ay hanggang magkaibigan lang. Alam naming pareho 'yun at tanggap naman niya ito. 

 "Kami naman ni Miley ang picturan nyo!"  at agad na hinila ni Shem si Miley at inakbayan nito. 

At kung may namumuo mang pagtitinginan, hindi kami ni Shem no! Ito ay marahil sa pagitan na nina Miley at Shem. Wala man silang aminin sa amin ay huling huli na ito sa kanilang mga kilos. Dahil nga kapansin-pansin ang pagka-bitter ni Miley sa mga lalake ay lagi na lang siya inaasar ni Shem. Kung maaalala niyo, minsan nang nabanggit sa amin ni Miley na "nice guy" daw si Shem. Oh di ba, kung manggaling 'yun kay Miley mukhang iba na ang ibigsabihin noon. Hahaha!

Nang mailagay ni Shem ang kamay sa balikat ni Miley ay agad na lumipad ang mga mata nito kay Shem. "Peace!"  sabay alis ng kamay at *CLICKED*

Isang galit na Miley at naka-peace sign na si Shem ang na-capture. Cute!

"Anneth, ano ba'to!"  reklamo ni Miley nang makita ang mukha.

"Bakit? Cute naman ah?"  epal ko.

Natawa na lang sila except for Miley. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa niya magpakatotoo. I mean, ilang taon na ang nakalipas noong nangyari ang pagtataksil sa kanya ng kanyang ex, bakit ba hindi niya magawang buksan muli ang puso?

Pero sabagay, kung ako ang tatanungin, hindi pa rin naman ako handang magmahal uli. 

"Guys, madilim na, hindi pa ba tayo babalik sa condo?"  tanong ni Shem.

"Sige. Tara na. Medyo pagod na rin nga ako."  sagot ko.

"Pero nag-eenjoy pa ako dito! Ni hindi ko pa nga nasasakyan lahat ng rides eh." pagmamaktol naman ni Anneth. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon