Chapter Twenty Four ~
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Ang sakit! Ang sakit sa mata ng liwanag kaya naman yung isang mata na lang muna ang minulat ko.
"Good morning, Aria."
Ngumiti ako, "Good morning din."
W-wait, sino yung kausap ko? Tuluyang bumukas ang mga mata ko at hindi na ininda ang anumang sakit. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko nang makita si Tyler. Bakit ko siya nginitian? Galit ako dapat sa kanya di ba?
"Bakit?" tanong niya sa akin. Marahil ay napansin niya ang pagbabago ng reaction ko.
"W-wala, wala." tumalikod ako sa kanya at doon sa kabila ng side ng kama bumaba.
"Wala ka nang lagnat." masigla nyang sabi. Dahan-dahan ko namang hinipo ang leeg ko, wala na nga. Napangiti na lang ako. Magthe-thank you ba ako sa kanya? Siya kasi itong nag-alaga sa akin eh. "Baba ka na. Naghain na ako ng pagkain."
"Sige, maghihilamos lang ako."
"Hintayin kita sa baba" hindi na ako sumagot at dumaretso na sa banyo.
Sumandal lang ako sa may pinto ng CR. Inalala ko lahat ng mga ginawa ni Tyler sa akin. Sa pag-aalaga, pag-aasikaso. Aaminin ko, na-touch ako. Kinilig ako. Kahit papaano ay nakabawi siya roon.
Pero bakit nya ginagawa ang lahat ng 'to?
Dahil na nagui-guilty lang siya?
Pagkatapos kong mag-ayos ay dumaretso na ako sa kusina. Nakaupo na ang magkapatid, malayo pa lang ay kitang kita ko na ang mga ngiti nila. Ngumiti na rin ako. Tyler loves cooking kahit na may katulong naman sila dito sa bahay ay sya pa rin ang nagpe-presenta na magluto.
"Good morning!" bati sa akin ni Tynnie.
"Good morning din" at ngumiti ako sa kanya.
Naging tahimik naman sa hapag. Sa tuwing napapatingin ako kay Tyler ay nahuhuli kong nakatingin ito sa akin. Pero hindi siya umiiwas ng tingin, sa halip ngumingiti pa siya. Gusto ko tuloy kiligin. Parang lumambot na ang puso ko at nakalimutan na ang sakit na nangyari noong mga nakaraang araw.
Ganoon na ba talaga ako kalambot pagdating sa kanya?
Si Tynnie ang unang natapos kumain. Inilagay na nya ang plato sa kitchen sink at saka iniwan ito. Bago ito lumabas sa kusina ay bumulong ito sa akin, "Just say yes."
Tumingin ako sa kanya. Hindi ko naiintindihan kung anong ibigsabihin nya doon. Pinat nya ang shoulder ko at saka umalis. Napatingin ako kay Tyler, may alam kaya sya sa sinasabi ni Tynnie? Bago ko pa sya matanong ay inurong nya ang kanyang upuan at tumayo.
Halos sabay rin kaming natapos kaya sumunod ako sa kanya sa may lababo. Nakatigil lang sya doon. Pagkalapag ko ng plato ay agad akong umalis pero nahawakan nya ang wrist ko. Or should I say .. hinawakan.
Tumingin ako sa mga mata nya. "Sorry" napalunok naman ako. He's really sincere. Kahapon pa syang nag-aappology sa'kin. Nagsosoorry sya sa isang bagay na hindi talaga nya alam. Nagui-guilty na tuloy ako.
Ngumiti ako sa kanya. "You don't have to be sorry."
"Pero sabi ni Shem, ako raw ang may kasalanan. Ano bang nagawa ko?"
Wh-haaat? Alam ni Shem? Hindi ko naman binabanggit sa kanya ang tungkol kay Tyler. Hindi nya alam na kaya ako tumakbo ay dahil nakita ko si Tyler at ang ate nya na ... nevermind. Paano nya 'yun nalaman?
"Basta, okay na" at hinawakan ko ang kamay nya na nakakapit sa akin.
"Hindi ka na galit? Hindi mo na ako dededmahin?" Bigla akong napangiti. He's really affected at natutuwa akong malaman 'yun. Atleast, hindi sya manhid.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Ficção AdolescenteIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?