Chapter Four ~
Bagot na bagot ako na nakabangla dito sa school hall. Di ko alam kung bakit bigla bigla na lang kami pinatawag dito. Ito talagang mga SG officers, basta na!
"Kumusta na ang Prince Charming mo?" siniko ako ni Anneth na siguro napansin rin ang pagkabagot ko.
Nakaramdam naman ako ng inis nang maalala si Tyler. Hayjusko, di na ako naniniwala sa mga signs at Prince Charming-Prince Charming na yan.
"Wala, binaon ko na sa hukay." sabi ko.
"Parang nitong nakaraan, excited kang makita yang Prince Charming mo tapos ngayon parang bigla kang nawalan ng gana."
Feeling ko bumusangot yung pagmumukha ko. "Hindi effective yung sign mo!" naiinis na sabi ko.
"Bakit?" excited nyang tanong. "OMG. OMG. Sinong nakabanggaan mo? Who's this guy?" pangungulit nya sa akin.
Sasagutin ko na sana sya nang biglang nagtayuan ang lahat. Nagtaka naman kaming dalawa ni Anneth.
"Magme-meeting na tayo. Ang ka-team natin para sa Twisted Fairy tale ay ang IV-B." mataray na sabi ni Miley. "Di kasi nakikinig." dugtong pa nya.
Binigyan ko lang si Anneth na anong-nangyari-dun look pero nagkibit-balikat din ito. Tumayo na kami ni Anneth at sinundan si Miley. Nang makita namin ang mga taga IV-B. Hayun, may nagle-leader-leaderan na. Ayaw ko pa naman ay yung bossy. :3
"Ano nga uli yung fairytale natin?" tanong ko. Okay, halatang di ako nakikinig.
"Snow White." matipid na sagot ni Miley na may pag-irap pa sa akin. Anong problema? Di ko na lang pinansin.
Bigla kong naalala yung panaginip ko. Suot ko kasi noon yung dress ni Snow White. Di ko alam pero parang lumakas ang tibok ng puso ko. Ito na ba? Dito ko na ba makikilala ang Prince Charming ko? Ano ba yan, sabi ko kanina di na ako maniniwala sa ganun pero eto ako ngayon, napaparanoid na naman.
Pinukpok-pukpok ko ang ulo dahil sa mga naiisip ko pero napatigil na lang ako nang mapansing nakatingin nakatingin ang lahat sa akin.
"Aria, kanina ka pa nyang tinatawag." bulong sa akin ni Anneth mula sa likuran.
Nasa harapan ko ngayon si nagli-leader-leaderan na girl at masama ang tingin nya sa akin. Nakapamaywang pa.
"Ikaw panget na kulot .." napatingin ako sa likod ko. Sino ba ang kinakausap nya? Galit na galit sya.
"Hoy! Ikaw ang kinakausap ko." nakatingin sya sa akin. This time, alam kong ako na nga ang kinakausap nya. Pero di pa rin ako convinced.
"Ako?" tanong ko habang turo-turo ang sarili.
"Sino pa ba ang panget na kulot dito?" mataray nyang sabi at bigla syang tumawa. Palihim na tumawa ang ilan.
Napalunok na lang ako sa sobrang hiya.
"Hindi ka pa ba magsisimula? O baka gusto mong kulutin ko muna yang buhok mo para malaman mo kung sino talaga ang tunay na panget?!" biglang sigaw ni Miley.
Napangiti na lang ako. Sweet talaga itong si Miley. Naku, wag nyo yang gagalitin. Bad mood yan! Lumingon ako sa kanya para magpasalamat sana pero biglang iniwasan nya ako ng tingin. May problema ba talaga?
"O-okay. Okay. Let's start!" Napatingin na lang uli ako doon sa leader namin. Lumayo na ito sa harap ko at tumayo sa isa sa mga upuan. "I'll be assigning the characters. If there's any objection, you're free to object." mataray nyang sabi.
Mapapel!
"Again, ikaw, pumunta ka dito." tinuro nya ako at agad na lumapit naman ko. "You'll be the snow white."
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?