Chapter Nine ~
Naglalakad na ako pauwi nang mapadaan ako sa Holy Trinity, isang sikat na catholic school dito sa amin. Actually lagi ko naman ito nadadaan tuwing naglalakad ako pauwi o papuntang school. Dito ako gustong papasukin noon ni Papa pero hindi ako pumayag kasi hindi naman kami Catholic.
Pero ang pinagtataka ko, bakit nandito si Tyler at mukhang may iniintay sya? Napatingin ako sa orasan ko at nakitang 6pm na. Masyadong late na, wala nang estudyanteng tumitigil sa school ng mga ganitong oras.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa kanya. Nakalampas na ako't lahat, hindi pa rin nya ako napapansin. Hindi ko alam kung hindi ba nya talaga ako napansin o ayaw lang nya akong pansinin.
Dahil pa rin ba yun sa necklace?
Dumaretso na ako sa paglalakad dahil yun naman ang dapat kong gawin. Alangan namang bumalik pa ako para batiin sya, para naman akong sira. Paano kung hindi anya ako pansin edi napahiya pa ako? So diretso lang. Dedma na lang kunwari kahit deep inside, nadisappoint ako.
Hindi pa ako nakakalayo dun sa school na yun nang makarinig ako ng busina. I was like, WTF? nasa tabi naman ako bakit bumubusina pa? Tapos ang kinaiinis ko pa, nabasa ako. Medyo basa kasi ang daan dahil sa umulan kanina kaya tumalsik ito sa akin. Nabasa tuloy ang medyas pati palda ko.
Nang makalampas ito tsaka ko lang napansin ang familiar na kotse na yun. Purple invertible car. Malakas ang kutob ko na si Tyler yun! Hindi, hindi lang pala yun kutob! Totoong si Tyler yun! Bigla tuloy akong nainis. Sinasadya ba nya yun? Ganun na lang ba ang galit nya sa'kin dahil lang sa hinawakan ko yung kwintas na para sa gf nya? Ang OA ha!
Malapit na ako sa bahay namin nang may tumawag sa akin.
"Aria!" agad nitong binatawan ang hawak na garbage bag at niyakap ako. It's nice to see you again!" bumitaw sya sa akin at ngumiti. Ngumiti rin ako.
Napatingin ako sa napakalaking bahay na nasa likuran nya. Don't tell me, sa kanila ang bahay na ito? Ang pinakamagandang bahay dito sa amin ay kina Tyler?
"Would you mind to come in?" alok nya sa akin.
"H-hindi na." pagtanggi ko sa kanya. Napatingin ako sa loob ng bahay nila at alam kong nandoon na si Tyler dahil nakita ko ang kotse nya. "Hinihintay na ako sa amin e." pagdadahilan ko.
"Sige na. Saglit lang 'to." hinawakan nya ang kamay ko. "Please?"
Gusto ko sanang tumanggi kasi alam kong mainit ang dugo sa akin ngayon ni Tyler at baka lumala lang ito kapag nakita nya uli ako. Pero hindi ko mahindian ang napaka-cute na babaeng ito! Mas nagiging kamukha nya si Tyler habang tumatagal!
Halos malaglag ang panga ko sa sobrang gulat dahil sa laki ng bahay nila. Ilan ba silang magkakapatid? Bakit parang sobrang laki naman yata nito? Mansion na nga ata ang tawag dito e.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?