Chapter Thirty One ~
"Are you with us?" nagulat na lang ako nang biglang inilapit ni Anneth ang mukha niya sa akin at pinandilatan pa ako ng mata. Muntik ko na tuloy maihagis ang cellphone ko. "Kanina pa kami nagdadaldalan dito tapos ikaw busy dyan sa pagbabantay sa cellphone mo."
"Hindi pa rin ba nagtetext o tumatawag si Tyler?" tanong ni Miley.
"Kung bakit ba kasi kinakarir ng lalakeng yun ang pagbabantay sa kontrabidang si Ritsu, sumusweldo ba siya don?" sabi ni Anneth.
"E kung puntahan mo na lang kaya sa ospital para naman hindi ka nag-aaksaya ng oras sa paghihintay sa wala."
Walang tigil ang bunganga ng dalawa. Yung totoo, may balak ba silang pagsalitain ako? Nang mapansin nilang hindi ako sumasagot ay sabay na tumaas ang mga kilay nila.
"Ooohh, relax. Kala ko kasi may sasabihin pa kayo eh!" pagpigil ko sa kanila.
Bigla akong napabuntong hininga nang maalala si Tyler. Tatlong araw na niya akong hindi kinikibo, kung hindi ko siya tatawagan ay hindi niya ako maaalalang kumustuhin. Medyo masakit sa pride na ako lang palagi ang mag-iinitiate na tawagan siya. Kaya nga ngayon ay hindi ko muna siya tinext man lang o tiniwagan. Hinihintay ko na siya ang mauna pero hapon na, wala pa rin akong natatanggap mula sa kaniya.
"Alam mo namang wala akong lugar sa ospital. Kung pupunta ako doon ay hindi ko rin siya makakausap dahil busy siya kay Ritsu."
"Bakit ba kasi si Tyler ang nagbabantay, wala ba siya private nurse?" tanong ni Miley.
"Meron, pero gusto niyang laging nandun si Tyler eh. Wala namang magawa si Tyler."
"Wala nga bang magawa o baka naman ginusto rin niya yun?" makahulugang sabi ni Anneth.
Ayaw kong magbigay ng malisya. He's just doing a favor. Yun ang gusto ni Ritsu at ginagawa lang niya yun dahil nagui-guilty siya. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya kasi ang sarili kung bakit naospital uli si Ritsu.
"Paano kung bumalik na ang feelings niya kay Ritsu?" tanong ni Miley.
Yan ang pilit kong iniiwisan. Ayaw kong isipin ang bagay na yan. May tiwala ako kay Tyler. Minsan nang sinabi sa akin ni Tyler na si Ritsu is just a girl at the past and I'm the present. I'm holding on to his words.
"Tara na nga!" pagyaya ko sa kanila at agad na isinabit sa balikat ang bag at naunang tumayo sa kanila. Girls' date kasi namin ngayon pero lutang ang utak ko. Si Tyler lang kasi ang nasa isip ko maghapon.
"Hindi mo ba pupuntahan si Tyler?" tanong ni Anneth. Napalingon ako at napaisip. Miss ko na si Tyler. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. At halos maghapon ko siyang hindi nakakausap. "Puntahan na natin, para makita na rin naman si Ritsu."
Noong una ay nagdadalawang isip pa ako pero sa huli ay naconvince rin naman nila ako. Bumili kami ng prutas para naman kahit papaano ay hindi mapasama ang pagdalaw namin. Kahit na sabihin nating si Tyler naman sadya ang pakay ko doon.
Nang makapasok kami sa room ni Ritsu ay naabutan pa naming naghahalakhakan ang dalawa. Ang saya naman nila. Busy ba talaga si Tyler o mas masaya lang siya dito kaya nakakalimutan na niya ako?
Unang nakakita sa amin ay si Ritsu. Nagulat siya sa pagdating ko, automatikong napalingon naman si Tyler nang huminto sa pagtawa si Ritsu.
"Anong ginagawa mo rito?" kung makapagtanong siya ay parang ayaw niya na nandito ako.
"Binibisita ko lang si Ritsu."
Inilapag ko ang dinala kong prutas sa may table at tumingin kay Ritsu. "Are you okay now?"
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?