Chapter Thirteen

705 7 0
                                    

Chapter Thirteen ~

Napanaginipan ko na uli ang aking Prince Charming. Pagkatapos niya akong halikan ay bigla na lang niya akong iniwan. But this time, I saw his face clearly. Maliwanag pa liwanag ng buwan, si Tyler yung Prinsipe sa panaginip ko. At kung bakit siya tumakbo? Ito ay dahil hinabol niya si Ritsu. 

Biglang nanikip ang aking dibdib. As in literally na sumikip! Napakapit tuloy ako sa aking dibdib. 

"Anong nangyayari sa'yo Aria?"  tanong agad ni Anneth.

"Kailangan mo uli ng CPR?" tanong naman ni Miley. 

Napatigil ako. Doon ko naisip ang ginawang pag-CPR sa akin ni Tyler. Ang pangyayaring yun ay parang nung sa panaginip ko, hinalikan niya pero pagkatapos noon ay iniwan niya ako para habulin si Ritsu. Mas pinili niya si Ritsu!

T-teka, bakit ko ba iniisip na pipiliin ako ni Tyler? Bakit? Sino nga ba ako sa kanya? Isang hamak na babae lang naman ako na lihim na umiibig sa kanya.

"Okay lang ako."  sabi ko at bigla na lang tumakbo. 

Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Tuluyan nang pumatak ang mga luha kong ilang araw nang nakaipon sa loob. Ngayon na lang ulit ako umiyak at ngayon ay dahil na sa isang lalake!

Ngayon lang ako naging malungkot nang ganito. Bakit ko ba iniiyakan ang isang lalakeng kailanman ay hindi naman ako napansin? Bakit ko 'to nararamdaman?

Nakaramdam ako ng yakap mula sa aking likod. "Wag ka nang umiyak. Nandito pa naman ako." bulong niya. 

Hindi ko alam pero mas lumakas yung pag-iyak ko. "Sshhh." sabi niya na parang isang bata ang pinapatahan niya. "Ako ko ba malakas ka?"

Itinaas niya ang ulo ko. Patulo lang lumuluha ang mga mata ko. Hindi ako sigurado, pero mukhang si Shem itong nasa harapan ko. Iba na ang hitsura niya, wala na siyang salamin at maayos na ang kanya postura. "Di ba sabi mo wag na wag akong yuyuko dahil iisipin lang nila na mahina ako?" bigla itong ngumiti sa akin. 

"Ngayon ka pa ba bibigay kung kailan ka naging matatag nang napakatagal?" tanong niya sa akin at pinunasan niya ang luha ko mula sa ilalim ng salamin ko. "Tama na." at muli, niyakap niya ako.

"S-shem."  bulong ko.

"Simula ngayon, di na ako aalis sa tabi mo. Di ko hahahayaang masaktan ka pa niya."

Tyler's POV

Sa wakas at sa ilang oras kong paghihintay kagabi sa bahay nina Ritsu ay lumabas na rin siya. Agad ko siyang niyakap ng mga oras na yun. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon