Chapter Sixteen ~
Ilang araw na nang naninirahan si Tynnie sa amin, hindi ko naman siya mapauwi dahil baka magdamdam siya sa akin. Pero kung tatanungin ako, gusto ko na siyang umuwi, hindi dahil naririndi na ako sa pag-aaway nila lagi ni Aris kung hindi dahil gustung gusto na nang kapatid niya na bumalik ito.
I know, nasaktan si Tynnie pero grabe na ang pasakit nito sa kapatid. Paano niya nagawang titiisin ito? Naaawa rin ako kay Tyler. Araw-araw, gabi-gabi, madalas nga ay natutulog na nga ito sa labas ng bahay kaiintay na sumama sa kaniya ang kapatid.
Nagkakasakit na nga ito pero hindi pa rin siya tumitigil. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nahihirapan na ako.
"Pasensya ka na, wala na akong magawa." paghingi ko ng paumanhin kay Tyler. Nandito kami ngayon sa Lerixx' at umiinom ng kape. Break kasi at niyaya niya akong lumabas para makapag-usap ng masinsinan tungkol sa kapatid niya.
"No, malaki na ang naitulong mo sa akin. Ang pagpapatuloy mo kay Tynnie, isang malaking pasasalamat na yun. Kaya I really thank you for that. "
"You don't have to thank me. Ginawa ko yun kasi I'm her friend."
"Thank you pa rin. But Aria, I really don't know what to do. I even beg on her knees pero hindi siya nakikinig sa akin. Did I hurt her that much?" tumango naman ako. "Stupid! How stupid I am!" at pinukpok-pok niya ang ulo niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan ito. Napatingin siya sa kamay ko tapos sa akin. "Hindi mo naman sinasadya. Nagmahal ka lang naman." sabi ko.
"Pero wala namang ginawang maganda ang pagmamahal kong yun kay Ritsu e. Sinira lang nito ang pagiging magkapatid namin ni Tynnie." hindi ako sumagot sa sinabi niya. "My hope regains when you told me the power of fate, na hindi natin alam kung anong kayang gawin nito. "
So yun pala yung sinasabi niyang New Hope. Nagkaroon pala siya uli ng pag-asa na baka magkabalikan sila ng dating nobya.
"But just last night, Ritsu's mom called me and told me to stop our foolishness, hindi na raw talaga namin mapipilit pa si Ritsu. Nalaman pala ni Ritsu na nakikipag-usap pa sa akin ang Mom niya at kinausap niya rin ako last night." biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig.
"What did she say?" lakas-loob na tanong ko.
"Pinagdildilan niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Na hindi na raw siya babalik pa kaya sumuko na raw ako. She said she already moved on and it's now my turn too." lumungkot ang mga mata nito na para bang any moment, may babagsak na doong luha.
"Kailangan ko na ba siya talagang pakawalan?" tanong niya sa akin.
Gusto ko sanang sabihing oo pero hindi naman ako makasarili. In the end, siya pa rin ang kailangan magdecide tungkol sa mga bagay na yan.
"I-I don't know." sagot ko. Napabuntong hininga naman siya.
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "But promise me Aria, babantay mo ang kapatid ko." tumango naman ako. "Siguro papabayaan ko muna siya. I will give her space at siguro kailangan ko na ring mag-isip isip."
---
"Start na ba ang practice?" tanong ko kay Miley at Anneth nang makasalubong ko sila. Galing nga kasi akong Lerixx, hindi kami sabay bumalik ng school ni Tyler dahil may dadaanan naman siya. Itong dalawang babaysot naman ay mukhang katatapos lang mag-ayos ng mga constumes.
"Uy, tinatanong ko kayo!" tinitigan muna nila ako tsaka sila sumagot. Simula nang pumasok ako na tuwid na ang buhok pati wala nang eye glasses ay ganyan na parati sila sa akin, parang hindi nila ako kilala!

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?