Chapter Thirty Two

597 10 2
                                        

 Chapter Thirty Two ~

"Hanggang kailan ka ba magmumukmok dito sa kwarto mo?" tanong sa akin ni Miley. Simula nung huli naming pag-uusap namin ni Tyler ay hindi na ulit kami nagkita. 

"Here's your phone, kausapin mo kaya siya." at iniabot sa akin ni Anneth ang cellphone ko. 

Tiningnan ko lang ang kamay niya pansamantala pagkatapos ay humiga na uli sa kama at nagtago sa ilalim ng kumot ko. 

"Wag mo ngang pairalin 'yang pride mo. Go ahead. Call him. Linawin mo lang kung ano na ba kayo" pagsesermon sa akin ni Anneth.

 Bigla akong lumabas sa kumot, "Walang kami. Everything is clear. Babalik na siya kay Ritsu."

"Ikaw na nga ang nagsabi na wala siyang sinasabi na babalik siya sa babaeng 'yun eh." 

"Pero sinabi niyang mas kailangan siya ni Ritsu. Ano pa bang ibigsabihin 'nun?"

"But he said he loves you too. What if hinihintay niya lang na sabihin mo na ikaw ang piliin niya?" 

Napatahimik ako sa sinabi ni Anneth. "You didn't even gave him a chance to tell the whole story." dugtong pa niya.

"She has a point."  Miley seconded. "Sige na, kausapin mo na siya. Wala namang masama kung ikaw ang unang tatawag sa kanya eh." 

Ngayon ay nagdadalawang isip pa ako. Kung sasabihin ko ba kay Tyler na ako ang piliin niya, makikinig kaya siya sa akin? Lalayo ba siya kay Ritsu? 

At napapayag nga ako ng dalawa kong kaibigan na tawagan si Tyler pero nakailang attempt na ako pero wala pa ring sumasagot. Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Subukan mo ulit. Baka hindi lang napansin ang tawag mo." pangungumbinsi ni Anneth. Sinunod ko naman siya pero wala, out of coverage area. Inoff na niya ata ang cellphone niya.

"See? Wala na talaga!"  hinagis ko ang cellphone at tumayo na sa kama. 

"Sumusuko ka naman agad eh!"

"Enough please?! Ayaw ko nang makarinig ng sermon!"

Lumabas ako ng kwarto.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Miley. Pero hindi ko na sila nilingon pa. Saktong paglabas ko sa bahay ay ang pagdating naman ni Shem.

Hinila ko siya pabalik sa kanyang sasakyan bago pa man kami maabutan nina Annteh at Miley.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Shem.

"Kung saan makakalimutan ko ang problema."

SHEM's POV

Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta ni Aria. Kanina pa niya minamaneho ang kotse ko at hanggang ngayon parang wala pa rin kaming patutunguhan.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" 

Bigla niyang inihinto ang sasakyan. "Iwan mo na ako dito" saad niya bago siya makababa ng kotse. Syempre hindi ko naman siya pwedeng iwan ng ganitong oras. Bumaba ako at sinundan ko siya sa loob ng bar. 

Bar? Kailan pa siya natutong magbar? Ni hindi nga siya marunong uminom eh. 

"Alam mo Aria, umuwi ka na!"  sabi ko nang makaupo siya sa may front bar.

"Any hard drink please." utos niya sa waiter.

"Ano ba Aria, hindi ka naman umiinom ah?"

"Hindi ko kailangan ng sermon. Karamay ang gusto ko!"  

Wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya. Pero nang mapansin kong nakarami na siya ay agad ko siyang pinigilan. 

"Ang dami mo nang nainom, Aria."

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon