Chapter Fifteen
Nakakapagtaka ang pagiging masigla ni Tyler kinaumagahan. 6am pa lang ay hinatid na niya kami ni Tynnie sa dining hall para kumain. Sobrang aga pa para magbreakfast! Pero ginutom na rin ako dahil sa sobrang bango ng niluto niya.
"Pagkatapos nyong kumain, magbihis na kayo dahil aalis tayo!" ngumiti ito sa amin at nagkatinginan na lamang kami ni Tynnie sa sobrang pagtataka.
Naabutan kami ni Manang Nene na kumakain at halatang nagulat siya sa nakita. "Ang aga niyo naman yata?"
"Tyler cooks for us. Look, alam nating mahilig talaga niya magluto. Pero it's too early. You know him, he's not a morning person. Pag may pasok lang siya napapaaga." sagot ni Tynnie.
Kahit ako ay nagtataka rin sa kinikilos niya. Naka-move on na ba siya? Bakit ang saya-saya niya yata? Ano bang nangyari kagabi? Iniwan siya ni Ritsu sa airport at nagkasama kaming dalawa. Hindi kaya may kinalaman ako sa mga kinikilos ngayon ni Tyler?
Napaisip naman si Manang. "Baka akala niya may pasok?"
"I don't know. But there's something strange." sabay inom nito at tumayo na. "Maliligo na ako Aria, punta ka na lang sa room ko para mapahiram kita ng damit." ngumiti ito at lumakad na.
Dahil tanga ako ay naligo kaagad ako ng hindi pa nakakahiram ng damit kay Tynnie. Edi nakatapis lang ako ngayon at lalabas ako sa kwartong ito na towel lang ang nakabalot sa katawan ko. No Choice!
Saktong pagkalabas ko ay lumabas rin si Tyler mula sa kanyang kwarto. Magkatabi lang kasi ang pinto ng mga kwarto kaya namin nagkagulatan kami nang makita ang isa't isa. At alam kong mas nagulat siya sa nakikita niya ngayon! Muntik nang malaglag ang towel sa katawan ko pero buti na lang girl scout ako, laging handa! Naagapan ko kaagad bago pa siya may nakita.
Agad akong tumalikod sa kaniya.
"Don't worry, wala naman akong nakita." I was relieved. "At kung may nakita man ako, wala na yung epekto sa akin."
Napalingon ako sa kanya. What does he mean? Na may nakita siya o nakakita na siya? OMG! OMG! Natawa naman siya sa reaction ko. "Sige na, magbihis ka na."
Agad akong pumasok sa room ni Tynnie. Nasa banyo pa siya at naliligo! Sa pagkakaalam ko, siya itong unang naligo. Bakit naunahan ko pa siya? Ang babaeng 'to talaga! Siguro naliligo naman ito sa gatas!
"Aria, are you there?" sigaw niya mula sa cr na siguro narinig niya ang pagpasok ko sa kwarto niya.
"Yup. Hindi ka pa ba tapos?"
"Malapit na. If you want, open my closet na at mamili ka na lang ng pwede mong suotin."
"Sure ka?" tanong ko.
"Yup!"
Tumayo ako at naglakad-lakad. Binuksan ko ang closet niya at punung puno ako ng dress. Hindi na ako nagtataka! Pero gosh, hindi bagay sa akin ang mga yan! Lumabas na siya mula sa banyo at naisara ko ang closet niya.
"What's wrong? Panget ba ang mga dress ko?"
"Hindi. Hindi. Ang gaganda nga e. Sa sobrang ganda, hindi na babagay sa akin."
Tumaas naman ang kilay nito. "What's with you? I told you, maganda ka!" Lumapit ito sa akin at tinulak ako sa may closet niya. Isa-isa niyang tinapat sa akin ang mga dress niya na para bang sinusukat kung anong babagay sa akin. Nakailang dress na siya pero wala pa rin siyang napipili.
"Sinabi ko na sa'yo e, okay na naman sa akin ang pants and shirts."
Sinamaan naman niya ako ng tingin pagkatapos ay itinuloy ang pagpili ng damit. "God Aria, this is perfect!" she exclaimed. Bago pa man ako umangal ay itinulak na niya ako sa may cr. "Go ahead, magbihis ka na!"

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Ficção AdolescenteIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?