Chapter One ~
"WAIT! WAIT!"
Opo, sumisigaw po ako. Pagkatapos kasi akong gisingin ni Prince Charming through his magic kiss, tumakbo sya at iniwan na lamang ako.
Bakit?
"WAIT! WAIT!"
Unti-unti syang nawawala sa pananingin ko pero patuloy pa rin ako sa pagsigaw. Baka sakaling tumigil sya at harapin ako.
Napatigil ako sa pagsigaw nang mapansing nakatingin ang lahat sa akin. Isama pa natin ang aking teacher na halos pagpalit na ang mga kilay sa sobrang galit. Of all the places, sa room pa ako binangungot! At ang masama pa, sa oras pa ni Mr. Viru Sahastra a.k.a Mr. Virus!
"Ms. Jimenez, sinong nagbigay ng pahintulot sa'yo na matulog dito sa klase ko?" napaupo ako ng tuwid sa bigla nyang pagsigaw.
Hindi na ako nakaimik dahil sa sobrang hiya. "Matutulog na ka nga lang, nag iingay ka pa." dugtong niya.
Nagtawanan ang buong madla. At pinakanangingibabaw ay ang halakhak nina Miley at Anneth. Sila pang mga kaibigan ko ang may pinakamalakas ang tawa! God, kaibigan ko ba talaga sila?
*CLANG CLANG* bell po yan.
Break na! Sa wakas, natapos na ang klase namin kay Mr. Virus. Bakit ba parang ang bagal lagi ng oras kapag sya na ang teacher namin? Ganun yata siguro kapag ayaw mo ng subject at lalo na kapag ayaw mo sa teacher. Bagot na bagot ka at iniintay na lang ang dismissal.
Nagsitayuan na ang lahat at agad naman na pumunta ang dalawa sa akin. Napakalapad ng mga ngiti nila. Tuwang tuwa pa rin dahil napahiya ako kanina. Ang babaet ng mga kaibigan ko, di ba?
"Kung nakita mo lang ang itsura mo kanina Aria, para kang zombie! May pagtaas-taas ka pa ng kamay. Hahaha." at itinaas niya ang kanyang mga kamay na parang isang zombie. Ganun ba talaga ang inakto ko kanina? Nakakahiya!
"Sino ba kasing hinahabol mo sa panaginip mo?" tanong niya.
Nandito kami ngayon sa loob ng CR, nasa harap ng salamin at habang busy sila sa pag-aayos ng sarili, busy naman ako sa paghawak ng labi ko. Bakit kasi ganun? Parang totoo yung kiss?
"Ano ba kasing problema dyan sa labi mo, kanina mo pang hinawakan." biglang sabi ni Anneth nang mapansing seryoso ako sa pagtingin sa labi ko.
Agad ko namang binitawan ang labi ko at sumandal sa may salamin. "Paano kapag nagpakita sa panaginip mo yung Prince Charming mo?" bigla kong natanong.
Napatigil sila sa kanilang ginagawa at agad na hinarap ako. "Don't tell me, yung Prince Charming mo yung hinahabol mo sa panaginip mo?" biglang tanong ni Miley. "Ano ba, para sa mga magaganda lang ang Prince Charming!"
"Aray ha, tagos sa puso!" sabi ko at umaktong parang may tumusok sa dibdib ko. Tumawa naman sila.
"Yung totoo, kaibigan ko ba talaga kayo?" pagtataray ko sa kanila. Lumapit naman agad sila sa akin at biglang naglambing.
"Ito naman, galit agad." biglang yakap sa akin ni Anneth. "So anong nangyari kay Prince Charming?" tanong nya. Napahawak ako sa labi ko. "OMG. Did he kissed y --- "
Tinakpan ko agad ang bibig ni Anneth. "Wag kang maingay, baka akalain nila, totoo 'yun." bulong ko at natawa na lang ang dalawa.
Oo na, panaginip lang 'yun!
"Kahit sa panaginip, wala pa ring happy ending." napabuntong hininga ako. "Biruin mo, tinakbuhan lang ako?" nalulungkot na sabi ko.
"Baka natakot sa hitsura mo kaya tumakbo bigla?" pang-aasar ni Anneth. "Joooke!" bawi naman nya nang sinamaan ko sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Подростковая литератураIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?