Chapter Eighteen

652 9 3
                                        

Chapter Eighteen ~ 1

Party kagabi, party ngayon. Walang katapusang party! Hahaha. Kagabi, talagang hindi na nagpakita uli sa akin si Tyler. Sabi ni Miley baka nahihiya lang daw sa nangyari. Oh well, bahala siya. Basta hinalikan niya ako, masaya na ako. Hahaha. Joke! Mas mapapanatag ang loob ko kung mag eexplain siya sa akin.

Nandito na kami sa orphanage at maya-maya, magsisimula na ang party dito. 15th year anniversary kaya bongga! Tsaka darating daw ngayon yung mga sponsors ng ampunan.

Suot-suot ko ngayon ang dress na binigay sa akin ni Tynnie. I never thought na babagay pala siya sa akin. Masyado ko yatang in-undersestimate ang ganda ko. Haha. 

"Ito yung binigay sa'yo ni Tynnie?"  tanong sa akin ni Anneth. Tumango ako. "OMG! Feeling ko magkakasundo na kami! Haha."  natatawa niyang sabi.

"Pero ako kaya ang unang nakakita nito at gustong gusto ko talaga 'to"

Bigla namang nag-iba ang tingin niya sa akin. "Ikaw? Kailan ka pa natutong tumingin ng mga ganitong klaseng damit?" tapos bigla siyang natawa. 

Grabe naman! Syempre alam ko naman kung ano yung maganda o pangit tsaka kung ano yung simple at bongga no! Aangal pa sana ako kay Anneth nang biglang pumasok si Miley sa kwarto kung saan kami nagbibihis.

"Hurry up guys. The party will start in a few minutes." at agad rin siyang lumabas.

"Shocks! Kailangan na nating bilisan. Konting make over na lang!"  lumapit si Anneth sa salamin at inayusan na ang sarili. Ako naman nakatinign pa sa kaniya. Bigla itong napatingin sa reflection ko sa salamin. "Mag-ayos ka na!"  utos niya sa akin.

Ako naman napanga-nga lang. Na parang Ha? Bakit? 

"Hindi ka ba magme-make up? We need to be presentable! Marami kayang bisita ngayon!"  hindi pa ako nakakasagot ay agad niya akong tinulak paupo at sinimulan na ang pag-aayos sa akin.

"Anneth, light lang ha!" paalala ko sa kaniya. Kilala ko siya! Sobra yan kung mag make-up! "Anneth, tama na. Ang dami mo nang nilagay na eyeshadow."

"Shut up." napairap na lang ako sa pagsabi niya. 

Mga ilang minuto ay natapos na din ako. Ang bilis ha! Pero nang tingnan ko ang sarili salamin. Isa lang ang masasabi ko, ang ganda ko! Hahaha.

"Guys, kailangan na tayo sa labas."  si Miley uli na parang natataranta na.

"Sige na, susunod na kami."  sagot ni Anneth.

"Bilisan niyo ha!"  at sinara na ni Miley ang pinto. 

"Tara na Aria!"  sabi sa akin ni Anneth dumaretso na sa paglabas. Nakasunod naman ako kaso nahihirapan ako sa paglalakad dahil ang taas ng heels ng sandals ko. Ang bilis ng lakad ni Anneth na para bang wala lang sa kaniya ang napakataas niyang sapatos. Jusko! Hindi ata ako magtatagal dito. 

Binilisan ko ang paglalakad para mahabol ko si Anneth pero bigla akong na-aouy of balance at .. 

"Muntik ka na."  nakangiting sabi ni Shem habang hawak-hawak pa rin ang braso ko. Napangiti naman ako sa kaniya. "Oo nga e. Salamat."  sabi ko at inayos na ang sarili ko.

Nang makapunta na kami sa may garden ay napakarami ng tao. Hindi ko na makita kung nasaan na ang dalawang babaysot. Dapat hindi kami magkakalayo kasi ushers kami rito e. Pero di bale na, nandito naman si Shem. 

Pumunta na kami sa may  entrance at kanya-kanya kami ni Shem na naggu-guide sa mga paparating pa lang na bisita para makaupo sila sa tamang upuan. At nagstart na nga yung pinaka-main program. Nag opening remarks si Tita Tess, yung mommy ni Miley na siyang founder ng orphanage na ito. Pagkatapos ay kung anu-anong special number mula sa mga bata.

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon