Chapter Eight ~
"CUT!" sigaw ng leader namin na syang director din namin na si Valerie.
*CLAP CLAP*
"You made it well guys!" sigaw naman ng isa pa namang Director na si Charrie. "Okay, break muna!"
Ito ang first practice namin ng mgaka-team ko. Ilang araw lang ang nakalipas ay agad na silang nakagawa ng script. Napaka-deligent talaga ng mga ka-team ko. Everyone really did their part very well.
First scene pa lang ang unang napa-practice. Si Jazz pa lang na mula sa IV-B at ang classmate nitong gay ang nakasalang kanina. Jazz play role of the queen tas yung gay, si magic mirror.
Nanginginig na ako sa takot dahil kami na ang susunod na sasalang tapos hindi pa dumarating si Tyler. Yari kami ngayon sa leader namin. Este, ako lang pala ang yari dahil ako ang mapagbubuntungan ng galit dito. >//<
"ANO BA?! NASAN NA BA YANG LALAKENG YAN? HINDI BA NYA ALAM NA TWO WEEKS LANG ANG PREPARATION PARA SA PLAY NA'TO ?!" at ito na nga po, nag-aalboroto na ang bulkan na si Valerie.
"IKAW ARIA, HABANG WALA PA YANG PARTNER MO, ARALIN MO NA ANG SCRIPT MO." automatiko namang napatungo ako at agad na isinubsob ang mukha ko sa script. Sinasabi ko na, ako na naman ang pag-iinitan dito.
Mga ilang minuto pa ang lumipas at halos mamemorize ko na nga yung mga lines ko sa Scene 2 ay hindi pa rin dumarating si Tyler. Nasaan na ba kasi sya?
"WALA PA RIN BA YUNG LALAKENG YUN? WALA BA KAYONG NUMBER NYA!? HE'S RUINING OUR PLAY!" sigaw uli ni Director Valerie na may paghampas pa sa table.
"Can you calm down? Hindi nakakatulong ang pagsigaw-sigaw mo." sabi naman ni Director Charrie na syang kaklase ko. Napairap naman si Valerie at lumapit sa mga kaklase nya.
"Pag bukas, hindi pa rin umattend si Tyler, iipapalit natin si Bien! Pero for now, Aria, ikaw muna ngayon ang mag act. " utos sa akin ni Director Charrie.
For the last 15 minutes ng practice namin, pinakita ko ang natatago kong talent sa acting. Hahaha. Although nagkamali ako at nasigawan ni Director Valerie, before the practice ends naman, naperfect ko yung mga lines ko. I told you, may lahi akong artista!
Lahat ay paalis na nang room nang makita naming tumatakbo si Tyler papunta dito. OMG. Ano pa bang tinatakbo-takbo nya? Wala na syang aabutan no!
Tyler's POV
Pinag-isipan ko nang mabuti kagabi ang payo sa akin ni DJ Valley.
Siguro oras na pag-usapan nyo ang status ng relasyon nyo, kung itutuloy nyo pa ba o ititigil na."

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Fiksi RemajaIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?