Chapter Twenty Six ~
TYLER's POV
Nang marinig ko ang boses ni Shem sa kabilang linya nang tawagan ko si Aria, biglang namuo na naman ang galit ko. Talaga bang hindi siya nawawala sa eksena? Palagi na lang syang umeepal. But at the same time, nagagalit din ako sa sarili ko. Kung hindi naman din dahil sa akin ay hindi sila magkakasama. Dahil sa mga sinabi ko, lumayo sa akin si Sria at si Shem ang agad na tinakbuhan niya. Bakit ko ba kasi sinabi kay Aria 'yon? Bakit ko siya pinagsalitaan ng ganun? Just because I heard Ritsu's name, I suddenly got angry. Hindi pa rin ba ako nakaka-move on sa kanya?
Akala ko .. pero gusto ko na si Aria eh. What I said to her was actually not part of my plan. I was about to confess to her then everything got ruined.
After that call, hindi ko na siya na-contact pa. Pagtapos rin noon ay umalis na rin ng bahay nila at nangako ako kay Tita na babalik ako kinabukasan and here I am.
"Sorry Tyler, I tried to explain everything to her pero ayaw niyang maniwala. She said that everything she saw was clear. "
I gave out a sigh. " I understand po. Pero --"
Biglang nag-ring ang celphone niya at agad na sinagot ito. She gave me a sign to wait and I just nodded. Then, something hit my face.
"Sorry Tyler, makulit talaga 'to." Tita mouthed and she immediately grabbed the baby boy's hand. Pinalo niya ang kamay nito, mahina lang naman pero that made the baby cried.
"Gossh." hindi na magkainintindihan si Tita. May kausap kasi sya sa cp tapos kausapin nya rin ako tapos hindi na nya mapatahan yung bata.
"Ayaw sana kitang istorbohin pero okay lang ba kung bantayan mo muna si Aris? May emergency lang. Tatawagan ko na rin si Aria para umuwi. Para makapag-usap na rin kayo, ha?" Tumango naman ako.
Umalis na nga si Tita. Si Aris naman, iyak pa rin nang iyak! Paano ba to? Paano ba magpatahan ng bata?
Nilapitan ko sya at hinawakan ang ulo nya. "Aris, wag ka ng umiyak."
Pero mas lumakas lang ang pag-iyak nito. Lahat na lang ginawa ko, pero di pa rin sya natigil. Kinikiliti ko sya pero hinahampas nya lang kamay ko. Hirap pala magpatahan ng bata. Haaayy.
"Laro na lang tayo, gusto mo?" bigla syang tumahimik. Inaalis nya ang kamay na nakataklob sa mukha niya kanina.
"Chalaga? shige, yayo tayo!" bigla nyang pinahid yung luha nya tapos tumayo at ngumiti sa akin. Napangiti ako, parehas na parehas sila ng ngiti ni Aria.
ARIA's POV
Pumunta ako sa boutique para naman makatakas sa problema. gusto kong magpaka-busy para makalimutan ko lahat ng nangyari. Umalis ako nang maaga para hindi ko maabutan si Mama na tatalakan lamang ako. Di ko alam kung bakit parang in favor pa siya kay Tyler. Mas naniniwala pa siya dito.
Maayos naman ang buong maghapon ko nang biglang pinauuwi ako ni Mama. Hindi ba pwedeng matapos ang araw na ito nang walang eepal? Noong una ay hindi ako pumayag pero nang sabihin niyang aalis siya sa bahay at wala raw magbabantay kay Aris, ay napapayag na din niya ako.
Pagkapasok ko sa gate ay kapansin pansin na bukas ang pintuan. Bigla akong kinabahan. Umalis na kasi si Mama at basta na lang iniwan si Aris kaya nga pinagmamadali niya akong umuwi.
Natakot ako kasi baka pinasok ang bahay namin at kung anong mangyari kay Aris. Tumakbo agad ako papasok ng bahay. Unang hakbang ko pa lamang sa loob nang may magtakip ng bibig ko at hinila ako kung saan. Nagpupumiglas. Pinasok kami ng masasamang loob! Tulungan nyo kami!

BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?