Chapter Eleven ~
"Nakakatuwa talaga si Tynnie, napaka-friendly at bubbly nya, di ba?" pero hindi nakikinig ang dalawa sa akin at patuloy lang sa pagkain.
"Nagulat nga ako nang ibigay nya sa akin yung isang paper bag at mas nagulat ako nang makita yung dress na gustung gusto ko." tuwang tuwa kong kwento sa kanila habang naaalala kung gaano ako ka-timang kagabi nang isukat ko yon.
Nabigla na lang ako nang biglang hinampas ni Miley yung table. Napapikit ako sa bigla. Tiningnan ko sya na parang gusto kong itanong kung anong problema pero walang lumabas sa bibig ko.
Lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin sa amin. Bigla na lamang syang tumayo at hinili si Anneth. Naiwan akong mag-isa sa kinauupuan ko. Hindi ko sila nagawang pigilan sa sobrang pagkabigla ko.
Hindi ko na natapos ang pagkain at naisipang pumunta na sa pool are dahil swimming class na ang sunod kong klase. Alam kong magugulat si Tyler kasi sa wakas ay hindi na ako late sa klase nya. Ahead pa nga ako sa mismong time namin.
Pagpasok ko sa pool area, wala pang katao-tao. Maaga pa nga. Naglakad-lakad lang ako sa gilid ng pool. As in sa gilid talaga na parang tanga lang na paikot-ikot doon. Kinakanta ko yung favorite song ko hanggang sa bigla na lang akong na-out of balance at nalaglag sa pool.
Saktong sa dulo ako ng pool nalaglag, sa may 10 ft. pa! Marunong naman akong lumangoy e kaya walang problema kaso biglang nanigas ang mga paa ko. Tuluyan akong lumubog at hindi makaahon.
Tulong! Gusto kong isigaw pero nang gawin ko iyon ay pumasok lang ang tubig sa bibig ko. Hanggang sa hindi na ako makahinga at dumilim na ang lahat.
Tyler's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa akin si Ritsu. Tinatawagan ko sya, out of coverage area. Iniintay ko syang mag online pero namuti na lang yung mata ko kakahintay. Inaabangan ko sya palagi sa labas ng school niya pero hindi ko sya nakikita. Lahat na nang pwede kong gawin, ginawa ko na. Nagwala na ako sa harap ng bahay nila pero pinapulis lang nila ako.
Nasaan na ba si Ritsu? Nasaan na ang girlfriend ko? Miss na miss ko na sya. Hindi ko akalaing natiis nya ako ng ganitong katagal. Ang biga-bigat na ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak.
Maaga pa ako para sa swimming class pero naisipan kong pumunta na lang sa Pool area. Paano kaya kung magpakalunod na lang ako? Di ko alam kung bakit bigla ko yun naisip.
Pagkapasok ko sa pool area, tumayo muna ako sa may dulo. Nakatitig lang ako sa pool at pinag-iisipan kung tatalon na nga ba ako at magpapakalunod. Pero napansin kong may tao! May nalulunod! Agad akong tumalon at iniahon siya.
Si Aria? Bakit siya nagpakalunod?
Yumuko ako at bibigyan na sana siya nang CPR nang mapansin ang mukha, kamukha niya si Ritsu! Umiling iling ako dahil baka nahihibang lang ako pero totoo nga, magkahawig sila. Pero kinabahan ako nang mapansing parang hindi na siya humihinga!
Binibigyan ko na siya ng CPR pero there's no any reactions from her. Inulit ko lang yun at pimump ang dibdib niya pero nanatili pa rin siyang walang malay. Maya-maya'y biglang may tumama sa aking liwanag. Napalingon ako at napansing bukas ang pinto. Sa pintong iyon, nakita ko sya na nakatayo at umiiyak.
"Ritsu!" pagtawag ko sa kanya. Oo, nandito na sya at malamang, nakita nya yung nangyari. Pinahid nya yung mga luha nya at biglang tumakbo.
Tumakbo ako para habulin sya pero tumigil yung mga paa ko sa may pinto. Napalingon ako kay Aria na walang malay. Anong gagawin ko? Pag iniwan ko sya dito, baka kung ano ang mangyari sa kanya. Pero paano naman kung hindi ko hinabol si Ritsu?
![](https://img.wattpad.com/cover/693607-288-k997303.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?