Chapter Thirty Six ~ 2

575 9 0
                                        

Chapter Thirty Six ~ 2

 ARIA's POV

Hindi ko alam kung paano niya nasasabi na mahal pa rin niya ako. Kung totoo man 'yun, edi sana magkasama kami ngayon. Sana kami pa rin. Pero hindi eh, hindi naman 'yun ang nakikita at nararamdaman ko. Paniniwalaan ko ba siya?

"Narinig ko, sinabi mong mahal mo pa rin ako. Totoo ba?"  NARINIG NIYA?

Sabihin mo Aria, hindi totoo! Pero bakit ganun, hindi ako makapagsalita. Biglang naubusan ako ng laway. Bigla na lang umurong ang dila ko. 

"Marami nang panahon na nasayang Aria, ayaw kong magsisi ako sa huli."

"Hindi ba' huli na ang lahat? Huli na Tyler!"

"Bakit? Dahil ba ni Shem?"

Anong sinasabi niya? Bobo ba siya? Paano napasok si Shem dito? Magkaibigan lang kami at hanggang doon lang 'yun. Ang tinutukoy ko dito ay si Ritsu. Di ba sila na ulit and they're living together! Huli na ang lahat!

"This is non-sense, Tyler."  at tumalikod na ako para sana umalis pero nahablot niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit sa akin.

The next thing I knew, he's kissing me! And the worst is, I'm kissing him back. I can't deny! I still love him and I was longing for this for a long time. His touch, his hugs and kisses - everything about him.

 But this is wrong! He's already committed with someone else! Bumitaw ako sa kanya.

"Mahal kita Aria."

"Sinasabi mo lang 'to kasi alam mo nang ako ang long lost first love mo."

"No, siguro nga si Ritsu ang una kong minahal. Pero nang dumating ka sa buhay ko, nagbago na ang lahat. Ikaw lang ang nagpapaikot ng mundo ko."

"You told me before that Ritsu needs you more. Okay na ako Tyler. Okay na lahat, wag na nating guluhin pa'to." I lied.

Natahimik siya at ganoon din ako. Nakatayo lang kami at walang kumikibo. Tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Maya-maya'y dumating si Ritsu.

"Is there any problem?"

"Wala, wala!"  pagsisinungaling ko. "Sige, balik na ako sa table."  nakangiting saad ko sa kaniya.

"Nga pala, I've got a villa reservation here. Pumayag na ang mga kaibigan mo na dito na mag-stay." 

"Whaaat?"  wala 'to sa usapan ah.

"Don't worry. Everything is settled. May mga clothings naman sila dito. I already prepared it for you guys. Punta na lang kayo sa villa, susunod na kami."  at lumapit ito kay Tyler at hinawakan sa braso.

Napalunok ako. Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay na may ibang babaeng humahawak kay Tyler? Napailing ako. Tama na Aria! Hanggang ngayon ba nagseselos ka pa rin?

---

Malaki ang villa. Syempre, villa nga eh. May 4 rooms na may sari-sariling banyo at jacouzy. May malaking living room at kitchen. At isang malaking private pool! Gravy! Nakakalula. Anong naisip ni Ritsu at pinagsama-sama niya kami dito?

"Hindi ka ba masaya?"  tanong sa akin ni Shem habang nakaupo sa labas, sa may gilid ng pool.

Ngumiti ako kahit pilit. "Bakit naman hindi ako magiging masaya?"

"Hindi ka pa rin nakakamove on no?" ito na naman ang pang-aasar niya.

"Shem!"

"Seryoso."  

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon