Chapter Two

1K 12 3
                                    

Chapter Two ~ 

Inagahan ko ang tulog ko kagabi dahil excited na uli akong mapanaginipan ang Prince Charming ko. Hindi kasi ako satisfied dun sa huling nangyari sa panaginip ko e. Alam kong babalik sya 'non, may nakalimutan lang siguro.

Pero nabigo ako dahil hindi sya lumabas sa panaginip ko. Nakakalungkot. Sayang naman yung effort ko sa pag-inom ng maraming gatas para makatulog agad. 

Di bale na, may magandang result naman yun e. Dahil maaga akong natulog, hindi na ako makakatulog sa klase ni Mr. Virus. Hindi na ako mapapahiya. Hahaha!

Naglalakad na ako papuntang school nang may mapansin akong babae. Actually hindi naman talaga sya yung napansin ko, yung asong dala nya!  ShihTzu! Ang cuute, ang sarap kuritin.

Kung makapal lang siguro yung mukha ko, kanina ko pang nahiram yung aso dun sa amo nya. Hahaha. Pero hindi e, shy-type po ako. Charot! Haha.

Hindi pa ako nakakalayo nang may nakita naman akong mga tuta malapit sa isang masurahan. Kanina aso, ngayon tuta? Dahil mahilig talaga ako sa mga aso/tuta, nilapitan ko kaagad ito.

Ala, ang cute din nila. Nakapikit pa sila. hihi. Siguro mga 3 weeks pa lang ang mga 'to. Hala, ang cute talaga. Ang puti nila! Daig pa nila ang naka-gluta!

Panay lang ang himas ko sa balahibo nila nang makarinig ako ng  "GRRRRRR" muntik na akong matumba nang makita ko ang isang dambuhalang aso. 

Di naman ako takot sa aso e pero baka ngayon matuto na akong matakot. Ang sama ng tingin nya sa akin. Parang hahangkabin na nya ako!

"GRRRRR"  galit na galit na sya. Binitawan ko naman yung tuta nya at dahan-dahang tumayo. 

"UY aso .. hindi ko naman sinaktan yung tuta mo e." 

"GRRRRR." mas lumakas pa yung tunog na nililikha nya kaya dahan-dahan akong umatras para lumayo na. 

Pero sa bawat pag atras ko, lumalapit naman sya. 

"Stay doggy, stay " utos ko sa kanya. Hindi nya yata naintindihan yung english ko. 

"UY aso, dyan ka lang. wag kang susunod! " sabi ko sa pag-aakalang maiintindihan na nya ako pero hindi pa rin. Ano ba, english at tagalog lang ang alam kong language!

Wala akong nagawa kung hindi ang  TUMAKBO! 

Namalayan ko na lang nasa school na ako. Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang naglalakad papuntang room. Grabe lang yung dinanas ko. Feeling ko huling araw ko na'to e.

Muntik namang tumalsik ang puso ko nang may tumalon mula sa likod ko sabay yakap sa akin. "Ariaaaa!"  si Anneth na parang bata na sumakbit sa likod. "Kumusta ang Prince Charming mo?"

"Bitawan mo nga ako!" utos ko sa kanya.

Bumitaw naman sya at humarap sa akin. Tiningnan ang mukha ko. "Bakit parang pagod na pagod ka?"

"May humahabol sa akin kanina."

"Yung Prince Charming mo?"  automatikong sabi nito. "Bakit mo naman tinakbuhan!"

"Gaga! Hinabol ako ng aso, alangan namang hindi ako tumakbo?!"

Natawa naman sya bigla sa sinabi ko. "Haha! Ang aga naman masyado ng malas mo!"

"I know right at kinakabahan na ako dahil baka may kasunod pa ito." sabi ko.

---

So far naging maayos naman ang lahat. Wala pa nang dumadating na kamalasan. Naku sana wala na talaga! Tumakas kami nina Anneth at Miley for lunch dahil gusto nilang bumalik sa Hard Rock Cafe. Napilit nila akong kumain dito kahit walang wala na akong pera. 

"Buurrp!"  sa di sinasadyang pagkakataon ay napadighal ako. (Wait, meron bang dighal na sinasadya? Haha!)

"Kadiri ka talaga Aria"  nandidiring sabi ni Miley.

"Wala kang manners!"  dagdag ni Anneth.

"Sorry na, sorry na. Para namang napakalaking kasalanan ang pagdighal."  sabi ko sa kanila. 

Kinuha ko na yung bag ko at sinakbit sa balikat ko.

"Uy, joke lang. Tampo agad!"  sabi ni Miley.

"Gaga! Anong tampo? Male-late na kaya tayo. Tara na!"

Napatingin yung dalawa sa orasan tsaka pa sila nagpanic. "Gosh late na nga tayo!" sigaw ni Anneth.

Pagkababa na pagkababa ko ng cab, "Una na ako guys, alam nyo namang terror yung instructor ko!"  sigaw ko sa kanila at kumaripas na ng takbo.

Hindi ko na sila inintay umimik pa. Late na kasi talaga ako ng 10 minutes. Mahigpit pa naman yung swimming instructor namin pagdating sa time. Psh!

Sa aming tatlo ako lang ang kumuha ng swimming class. Ewan ko ba, sawang sawa na kasi ako sa badminton at volleyball so maiba lang. Haha! Sabi nung dalwa hassle lang daw kapag nagkaron ng swimming class, well para sa akin hindi naman.

Dumaretso na ako sa locker room para magpalit. Iniwan ko na ang gamit ko doon at nilagay na sa leeg yung goggles.

Tumakbo na ako palabas ng locker room papuntang pool area nang biglang may nakita akong paparating na syang nagpatigil ng mundo. Medyo OA!

Biglang nagkaroon ng slow mo. This feeling is very familiar. Yung tibok ng puso ko, parang narinig ko na 'to noon. Siya na ba? Siya na ba ang Prince Charming ko?

Hindi ko namalayan na nagkabunggo pala kami. SHOCKS! Nagkabunggo kami! Oy ha, hindi ko sinasadya yon! OMG. Siya na talaga! Siya nga ang Prince Charming ko at ... 

Night in shining armor?

Natumba kasi ako nang bigla kaming nagkabanggaan at agad naman nya akong sinalo. Bigla tuloy natuwa ang puso ko.

This time, magkalapit na magkalapit na ang mukha namin, mga 2 inches na lang. Napatingin ako sa labi nya. Yan ba yung mga labing humalik sa akin?

Automatiko namang napapikit ang aking mga mata at iniintay na lang na maglapat ang mga labi namin. Ohhh. Nararamdaman ko yung init ng hangin na nanggaling sa bibig nya. Bigla akong kinilig!

Pero natigil ang momentum nang bigla siyang may tinawag. "Hon!" gumuho ang mundo ko. Ngayon na nga lang ulit ako nagka-crush, sa may gf pa! Ano ba naman ito. 

At ang nakakainis pa, basta na lang niya akong ibinagsak at tumakbo palayo para sundan ang gf niya. Halos mangiyak naman ako sa sobrang sakit! Sa sobrang sakit ng pwet ko!

Sana hindi na lang niya ako sinalo kung ibabagsak niya lang din ako! Mas masakit pa eh!

Nakakainis!

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon