Chapter Thirty

622 9 1
                                    

 

 

Chapter Thirty ~

 

TYLER's POV

 

"Will you still love me?" she asked me after that kiss but I left her without any words to say. I don't even know the answer to that question. I got confused. And her explanations makes everything even more complicated. 

 

Simula nang bumalik si Ritsu, wala akong naramdaman kundi galit at poot. Pagkatapos niya akong iwan ay babalik siya na parang wala siyang ginawa noon. But day after day, my anger seems to fade. I know that she's trying to bring back everything that we had. I can see all of her efforts. Kahit ipagtabuyan ko siya ay bumabalik pa rin siya. Mahal nga niya talaga ako. 

 

 

But why did she left me?

 

 

That question has been answered yesterday. Parang mas gusto ko pang marinig sa kanya na kaya niya ako iniwan dahil hindi na niya ako mahal. Pero hindi. She left kasi naisip niya na mas masasaktan ako kapag nakita ko siyang unti-unting nawawalan ng buhay. All this time, ako pa rin ang iniisip niya.

 

 

Ngayon, naguguluhan na ako. Ano na bang nararamdaman ko?

 

 

"Good morning, Tyler"  bati sa akin ni Ritsu nang pumasok siya sa kwarto ko.  As usual, may dala na naman siyang breakfast. 

 

Ritsu never cooks. Pero simula nang dumating siya, siya na yung nagluluto mng almusal ko. Pinipigilan na nga siya nang lahat pero talagang makulit at mapilit siya. At araw-araw, nakikita ko ang improvement ng luto niya. Talagang pinag-aaralan daw niya ang pagluluto. 

 

 

"Gusto mo subuan kita?" ang palagi niyang tanong sa akin sa tuwing kakain ako. Pero palagi ko lang siyang dinededma at pinagtataasan ng boses kapag sinasabi niya ito. "Joke lang, ito naman" agad niyang bawi, na marahil ay natakot siya na baka ganun na naman ang gawin ko sa kanya. 

 

Ngumiti lang siya sa akin at ipinatong ang tray sa side table. Bago siya tuluyang lumabas ay nagsalita ako. "Thank you, Ritsu." 

 

Nagulat siya sa narinig. Alam kong hindi niya inaasahan 'yon. Simula kasi nang bumalik siya ay hindi ko na siya kinikibo. Binabalewala ko lahat ng mga ginagawa niya. But I think she had enough. Hindi tama na tratuhin siya ng ganoon dahil malaki na ang sinakripisyo niya nang umalis siya. 

 

"If you need something else, just call me. Okay?"  at ngumiti uli siya nang makalabas sa kwarto ko. 

 

Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako para hanapin si Ritsu, nakita kong nag-uusap sila ni Tynnie sa may sala. Parang may pinagtatalunan sila pero ano namang pag-aawayan nila? Kahit alam kong may galit si Tynnie kay Ritsu nang dahil sa mga pasakit nito sa akin ay alam kong mananaig pa rin ang pagkakaibigan nila. 

 

"Anong problema?"  tanong ko. Parehas silang nagulat sa pagdating ko. Agad na lumapit si Ritsu kay Tynnie na para bang ayaw niya itong makalapit sa akin. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon