Chapter Fifteen ~ 2
Hinabol namin si Tynnie pero nang makalabas kami sa restaurant ay wala na siya. Nakita ko ang pag-aalala ni Tyler na siyang ikinabagabag ko.
"Tawagan kaya natin?" I suggests.
Kinapa nito ang bulsa pero wala roon ang cellphone niya. "Naku, tinapon nga pala ni Tynnie." sabi ko at napakamot ako sa ulo.
"Naiwan ko sa bahay ang isa kong cellphone. You? Do you have your phone?"
Inilabas ko naman agad ang cellphone. Mabuti na lang may number pala siya sa contacts ko. Pagkatawag ko, You do not have enough balance to complete this call, please reload immediately. Napatingin naman ako kay Tyler.
"Oh, ano? Nagriring ba?"
"W-wala pala akong load. Hehe." nahihiya kong sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami sa pinakamalapit na prepaid station. Load card na yung binili niya at pagkatapos kong maiparegister ay agad na naming tinawagan si Tynnie.
"Ikaw na lang ang kumausap sa kaniya, baka pag marinig niya ako, ibaba na niya ang cellphone." tumango naman ako at dinial na ang number ni Tynnie.
Ni-loud speak ko ito para naman marinig niya ang pag-uusap namin. Naka-ilang ring muna bago pa sumagot si Tynnie. "Tynnie, nasaan ka?"
Nakarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya, "Are you with him?" tumingin ako kay Tyler para itanong kung anong sasabihin ko.
"Naghiwalay kami para hanapin ka." sabi ko na ayon rin kay Tyler "Nasaan ka ba?"
"I'm just wandering around" habang umiiyak.
"Where exactly are you? Pupuntahan kita."
Tumigil ito saglit. "I'm here at the front of a fountain."
"Sige, pupuntahan na -- "
"Just don't tell Tyler that you found me. I don't want to see him anymore."
Tumingin ako kay Tyler pero wala siyang sinenyas sa akin. Nakita ko lang ang lungkot sa mga mata niya. Para siyang naiiyak, bigla rin naman akong nalungko. Binalik ko na ang tingin sa cellphone, "Okay. Okay. Wait for me." then she ended the call.
Nilagay ko na sa bag ang cellphone at tumingin kay Tyler. Tumango naman ito na para bang sinasabing go ahead.
"Paano ka?" tanong ko.
"I''ll go wait at the parking lot."
Hinawakan ko ang balikat. "Sige, intayin mo kami" at umalis na ako para hanapin si Tynnie. Mabuti na lang alam ko kung nasaan yung Fountain na yun kaya naman mabilis ko siyang nahanap. Nakaupo siya sa gilid at nakatulala sa kawalan.
Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya ako napansin. Napansin lang niya ako nang hawakan ko ang kamay niya. Nakita ko ang mga luha niya na patuloy pa rin sa pag-agos. Yumakap siya sa akin at sa balikat ko siya humikbi.
"Why is it always her?" she asked me almost drowned by her tears. "Okay lang naman sana e, pero sumosobra na siya. Kinakalimutan niya na may kapatid siyang nasasaktan."
"Alam kong masakit pero isipin mo rin naman ang kapatid mo."
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin nang matalim sa akin. "Kaya nga pinapatigil ko na siya sa kahibangan niya eh, siya kasi yung iniisip ko!"
Naguilty naman ako sa nasabi ko. "S-sorry." Pero papananindigan ko pa rin yung sinabi ko. "Do you think it's easy to let go?"
Parang bigla siyang nagising sa katotohanan. "Tynnie, sobrang mahal niya si Ritsu at mahirap kalimutan yon. At kung anuman ang plano niya, ginagawa niya yun kasi mahal niya si Ritsu e."
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Roman pour AdolescentsIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?
