Chapter Ten ~
Paggising ko, dinala ako ng mga paa ko sa harap ng salamin. Umikot-ikot ako na parang isang baliw at nakangiti pa. Creepy ba?
Maganda naman ako. Bukod sa kulot kong buhok ay wala na akong makitang mali sa akin. Hindi ko ito sinasabi para lang purihin ang sarili o dahil sa nag-aassume ako. Sinasabi ko lang ang nakikita ko.
"You look better without your eye glasses."
"Akala ko namalik-mata lang ako noong una pero your eyes are reallybeautiful same as your curly eyelashes."
Feeling ko tumuwid bigla yung buhok ko sa sobrang flattered. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Iba talaga kapag sa crush mo galing yung complement! Although hindi nya sinabi directly na maganda ako, yun pa rin ang nararamdaman ko! Hahaha.
Natigil ang aking pagde-daydream nang tumunog ang phone ko. Isang text galing sa aming leader na si Valerie.
|Guys, agahan nyong pumasok for our practice! Kailangan nating makausad, remember we only have one week left! |
----
Natatanaw ko si Shem habang naglalakad papunta sa aming room. Magkakasalubong kami and I was about to greet him na nang bigla itong yumuko at iniwasan ako. Napalingon na lang ako at napahabol ng tingin sa kanya habang naglalakad palayo sa akin.
"Nandito ka na pala Aria, pumunta ka na sa room at magsisimula na ang practice." sabi ni Charrie nang kulbitin nya ako.
Umupo ako sa sulok ng room para kabisaduhin ang mga natitirang lines na hindi ko pa namememorized. Mga ilang saglit pa ay nagsimula na ang practice at sumalang na sina Jazz at ang kaklase nitong bakla.
Napansin ko naman na dumating na si Tyler. Nakatingin lang ako sa kanya habang hila-hila ang isang silya at umupo sa kabilang sulok.
"Aria at Tyler, kayo na ang sunod." utos ni Andy.
Agad akong tumayo at inayos ang palda tsaka lumapit sa kanila. Ang eksena ay naglalakad ako sa kagubutan at makakasalubong ko si Prince Charming. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng magtagpo ang mga mata namin ni Tyler.
"ANO BANG NANGYAYARI SA'YO ARIA? PERFECT MO NA 'TO, DI BA? BAKIT NGAYON BUMABALUKTOT YANG DILA MO?!" galit na galit na si Director Valerie.
"Last na po." sabi ko.
"OKAY! 8th take mo na to ha!"
Sinubukan kong wag tumingin kay Tyler dahil yun talaga ang nakakapag-distract sa akin. Malayo-layo na ang aking nasasabi at hindi naman ako pumalya, mukhang effective! Sa gitna nang aking pagsasaya, nakarinig na naman ako ng bulyaw mula kay Valerie!
"ANO BA ARIA, DON'T FORGET THE EYE CONTACT!" ginulo nito ang kanyang buhok. Kitang kita ko ang galit sa kanya. Higblood si ate! "OKAY, BREAK MUNA!" muling sigaw nito.
Tumakbo agad ako kina Miley at Anneth na katatapos lang rin sa paggagawa ng ilang props. "Mukhang higblood si ate Valerie." bungad sa akin ni Anneth.
"Palagi naman syang ganyan." sabat ni Miley.
Ngumiti na lang ako pero deep in side, nadidisappoint ako sa sarili ko. I know I can do better! Hindi ko lang alam kung bakit kapag kaharap ko na si Tyler, umuurong ang dila ko.
Biglang may inabot na box sa akin si Miley. Familiar box!
"Kumain ka muna para hindi ka na mabulol mamaya. Malamang, gutom lang yan." sabi nya.
Tiningnan ko lang yung box at sinusuri. "Peace offering daw yan ni Shem!" biglang sabi ni Anneth.
Ayun, kaya naman pala familiar. Ganito rin yung binigay nya sa akin kahapon e. Kinuha ko naman agad ito at napangiti.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?