Chapter Nineteen. ~
"Ito na lang isuot mo Aria!" sabay hagis ni Miley ng isang peach dress.
"Wait, mas maganda ito." lumapit sa akin si Anneth at itinapat ang isang red seducing dress. "Bagay sa'yo!" she exclaimed.
"Pwede bang isa-isa lang?" napakamot na lang ako sa ulo. "Haaaay, wag na lang kaya ako pumunta?" at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.
"Shunga ka ba?! Naka-oo ka na tapos bigla kang magba-back out?" sigaw sa akin ni Miley. Napaikot na lang ang mata ko sa sinabi niyang 'yon.
"Wag mo naman i-disappoint ang magulang ni Tyler. She like you that much. She personally welcome you to their family, wag mo ngang iset aside 'yon." tama rin si Anneth.
"Kinakabahan lang talaga ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakaharapin."
"Just be you!" sabi lang ni Miley. "Just act naturally."
"Yes, you don't need to feel pressure." at tinap ni Anneth ang balikat ko, "Sige na, isukat mo na lahat ng mga damit at titingnan namin kung ano ang pinakabagay sa'yo."
I just let out a sigh and finally move and dress myself up. It took almost an hour for them to decide which dress will I wear thing evening.
I end up wearing the peach dress with a floral design at the end of the linings. It was very simple yet pleasing to the eyes.
"Bakit ba ang ganda-ganda mo pag naaayusan, naiinis ako sa'yo!" pagmamaktol ni Anneth.
"Oo nga, di gaya sa'yo, panay ang make-up mo hindi ka naman gumaganda!" sabat ni Miley.
"Nakakainis ka!" at nagbangayan na naman ang dalawa. Haha!
Pagkatapos bihisan ay inayusan nila ako. Why do I feel like being pampered? I like that feeling anyway. Haha! SAna ganito sila sa akin palagi.
Pagkatapos noon ay dumating na ang sundo ko, akala ko ay may ipinadalang driver. Si Tyler na pala talaga ang susunod sa akin. Gosh! Bakit ako kinakabahan?
"Ingat!" halos sabay na bati ng dalawa kong kaibigan.
"Ingatan mo ang kabigan namin ha, kung hindi -- " hindi ko na pinatapos si Miley sa sasabihin niya.
"Ano ka ba! Magdidinner lang kami, walang mangyayaring masama."
"Oo nga naman, ang oa mo talaga kahit kailan!" pinagalitan na ni Anneth si Miley. Haha!
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Подростковая литератураIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?