Chapter Twenty Seven

626 8 5
                                    

Chapter Twenty Seven~

Tama ba ang ginawa ko?

Hindi ko napansin na nasikatan  na pala ako ng araw sa kaiisip kay Tyler. Hindi kasi ako mapakali. There's a part in me saying I should have accept Tyler last night. I should have accept his appology and forgave him all the way. I should've listen to him because in the very first place, that's what I wanted to hear, that he also loves me. 

Pero bakit ko siya tinaboy?

Tama ba ang ginawa ko? Natakot lang kasi ako na baka pag naniwala ako, masaktan lang uli ako lalo. What if he's not sure of his feeling? Paano kung hindi naman pala niya ako mahal at si ate Kath pala tala ang gusto ko niya? O kaya si Ritsu pa rin hanggang ngayon ang mahal niya. 

There's a lot of what if's on my head and I'm too scared to take all the risks. 

Tumayo na ako at inayos ang kama ko. Dumaretso ako sa Cr at agad na naghilamos. Kapansin-pansin ang pamumugto ng aking mga mata. Halatang halata na ang dami kong naiiiyak kagabi. Hindi ko alam, pero parang narinig ko ang boses ni Tynnie. Agad akong bumaba at nang makita niya ako ay tumakbo ito sa akin. 

"Tell me, where's my Kuya?"  hindi ako makaimik. Bakit? May nangyari ba kay Tyler?

"H-he's not here."  nanginginig kong sabi. 

"Anong nangyari kagabi?"  tanong sa akin ni Mama. May alam ba siya sa mga plano ni Tyler? Kaya ba niya ako pinauwi para makapag-usap kami ni Tyler?

"W-we had a fight. Pinaalis ko siya."  pag-amin ko. 

"Hindi pa siya umuuwi. Baka kung anong nangyari doon."  biglang nagpanic si Tynnie.

Bigla akong kinabahan. Nakaramdam ako ng guilt. Pag may nagyaring masama kay Tyler, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa sarili ko. 

"Do you know where Tyler could go?" tanong ni Mama.

"Kapag may problema siya, madalas siya sa bar."  napahinto siya na para bang may naalala. "God."  agad na napahawak sa noo si Tynnie. "He's probably drunk right now. At masama siyang malasing."

Bigla akong kinabahan. That's true! Nang mag-away sila noon ni Ritsu ay nagpakalasing ito at sobra siya kung malasing. Hinagis pa nga niya yung frame na dala ko noon.

Biglang tinakpan ni Tynnie ang mukha nito at nagsimula nang umiyak. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi maguilty. Ako naman kasi ang dahilan kung bakit nawawala ngayon si Tyler. Niyakap ko si Tynnie. "Sorry, kasalanan ko ito."

"Hindi naman ginusto ang nangyari." pampalubag na saad niya sa akin. 

"Have you reported it to the police?"  tanong ni Mama.

"We already did. Pero hindi pa raw ito pwedeng ilabas na missing kasi wala pa raw 24 hours na nawawala si Kuya." 

Mama let out a sigh and then me. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Maya-maya ay biglang tumunog ang phone ni Tynnie. "It's Mom."  she said. 

Lumapit ako sa kanya para marinig ang pag-uusap nila.

"Hello Mom?" 

"I found your Kuya. He's here in the hospital."

"Ha? At what Hospital?" 

"St. Patrick's, please go here." 

"Okay Mom." then she ended it. 

"Let's go."

Papunta na kami ng Hospital. Kahit si Tynnie ay hindi pa rin alam kung ano nang kalagayan ng kakambal nito. Habang papalapit ng papalapit kami sa hospital ay mas lalo akong kinakabahan. Natatakot ako. Kapag may nangyari talaga kay Tyler ay hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon