Chapter Twenty Three

623 9 7
                                    

Chapter Twenty Three ~

Nagising ako at ang unang nakita ko ay si Tyler na hawak ang kamay ko. Nakaupo siya sa sahig habang ang ulo nito ay nakapatong sa kama na hinihigaan ko. Napatingin ako sa paligid. I once entered this room, no doubt nasa kwarto ako ni Tyler.

Binalik ko uli ang tingin sa kaniya. Biglang sumakit ang puso ko. Gusto ko sanang ma-touched dahil dinala niya ako rito pero nangingibabaw pa rin ang sakit nang makitang kahalikan niya si ate Kath. 

Dahan-dahan kong inalis yung kamay ko at agad na nagising si Tyler. Agad itong tumayo at bago pa man niya mahawakan ang noo ko ay agad ko itong iniwas.

"Uuwi na ako."  at pinilit kong tumayo pero hinawakan niya ang braso ko.

"Mainit ka pa."

"Kailangan ko nang umuwi." 

"Wala kang kasama sa inyo, your mom said she's on a business trip."

"Wh-aaat?"  agad na sumakit ang ulo ko sa pagsigaw.

"Just stay here."  at inihiga niya uli ako sa kama. "Wait, I'll just prepare your breakfast."

TYLER's POV

Pabalik na ako sa kwarto nang makarinig ako ng doorbell. Inilapag ko muna ang dala kong tray at lumabas para tingnan kung sinong nasa labas. 

"Walang hiya kay Tyler! Ibalik mo sa akin si Aria!" galit na galit na sabi ni Little boy. No, hindi na siya yung batang paslit noon, si Shem na siya ngayon. 

"Bakit, sa'yo ba siya?"  paghahamon ko sa kaniya.

"Sa'yo rin ba siya?"  matapang na sagot niya sa akin. "Minsan mo nang inagaw sa akin ang taong mahal, ngayon hindi ko na hahayaang makuha si Aria sa akin."

"Anong sinasabi mo? Sinabi ko na sa'yong wala akong inaagaw sa'yo!"

Hindi ko pa rin alam kung bakit niya pinagdidiinan na mang aagaw ako. Kahit kailan naman wala akong inagaw sa kaniya. Kung may galit man siya sa akin, yun ay marahil sa pinagt-tripan namin siya noong nasa lower years pa kami, noong nasa Holy Trinity pa ako. 

"Walang inaagaw?"  bigla siyang tumawa. "Ilabas mo na si Aria!" sigaw niya muli.

"Hindi siya pwedeng lumabas, may sakit siya at ikaw ang may kasalanan nito!"  

"Sigurado kang ako ang may kasalanan? Hindi ba ikaw?"  

Biglang kumunot ang noo ko. Nang makita kong tumakbo si Aria kagabi, sila ang magkasama noon. Wala naman akong ginawa kay Aria.

"Hindi ko hahayaan masaktan mo pa si Aria. Kung dati, ginive up ko sa'yo si Ritsu, iba na ngayon."

Sasagot pa sana ako nang biglang sumigaw si Tynnie. 

"Kuya, si Aria!"  parehas kaming napalingon. Agad akong tumakbo. 

Nang pumasok ako sa kwarto ay naabutan kong nagsusuka si Aria, nanghihina na siya.

"Kunin mo ang pagkain sa ktichen, pati ang gamot!"  utos ko kay Tynnie. 

Hawak-hawak ko siya sa braso habang pinupunasan ang labi niya. 

"Wag ka nang mag-abala, okay lang ako."  sabi ni Aria.

"Okay? Namumutla ka na nga eh!"

Pinikit lang nito ang mata at humiga na uli sa kama. Pansin ko ang panghihina niya, bigla akong kinabahan. Napalingon ako sa may pinto nang makarinig ako ng sigaw. 

"Ano ba, trespassing ka!"  boses iyon ni Tynnie.

"Ariaa!"  si Shem, binuksan niya ang pinto. 

Runaway PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon