Chapter Twenty ~
Sa Enchanted Kingdom gaganapin ang Christmas Party ng orphanage. Halos ilang buwan din nila itong pinagplanuhan dahil iniisip nila ang safety and security ng mga bata. But now, they end up with the decision na ituloy na ang party. May mga security guards rin naman kasing mga pinadala plus marami ring mga volunteers para magbantay sa mga chikitings.
Wala pa naman sa 30 yung mga bata kaya kering keri naman na ihandle. Tsaka sa bawat isang volunteer, dalawang bata ang babantayan nito. Hindi na gaanong mahirap yun. Nakausap na naman ang mga bata bago dalhin dito e, na kailangan nilang magbehave.
Si Bochog at Betchay ang alaga ko ngayon. Siguro naman tanda niyo pa sila no? Pagkababa namin ng van ay agad nila akong hinila para makasakay na raw kami sa carousel.
Paalis na kami nang biglang lumapit si Shem. "Pwede bang sumabay na kami ng mga alaga ko? Gusto rin kasi nilang magka-carousel."
"Sure! The more, the merrier!"
Maraming tao ngayon sa EK dahil na rin siguro malapit na ang pasko. Kahit sa carousel ay napakahaba ng pila pero tiyaga lang din hanggang sa kami na nga ngayon ang sasakay.
Nasa unahan namin sina Shem. Binuhat ko naman si Betchay para makasakay na ito sa kabayo. Sumunod ay si Bochog, kaso mukhang may problema.
""Ang bigat mo Bochog! Sabi ko sa'yo ibigay mo na lang lahat ng pagkain mo kay Betchay kasi hindi mo na kailangan yun."
"Ihh, ate konti na nga lang kinakain ko e." pagdepensa niya.
"Konti pa talaga ang nakakain mo sa lagay na yan ha?"
Bigla silang natawa. Bubuhatin ko na sana siya uli pero agad na lumapit si Shem sa akin para tumulong. "Ako na, baka mangalas pa ang buto mo."
Bigla ko siyang hinampas "Ang sama mo talaga!"
"Ayieeee." sigaw nung mga bata.
Papagalitan ko pa sana sila nang bigla kong nakitang napangiti si Shem. Hindi ko alam pero nahawa yata ako sa ngiti niya. Kaya ngumiti na lang din ako that time.
Marami na kaming nasakyan. Yung parang airplane, tapos yung itlog. Haha. atbp. Basta mga kiddie rides. Gusto ko rin sana sa mga extreme rides kaso, mahaba ang pila tsaka kasama ko yung mga bata.
Oh well, 6pm na. Ang bilis ng oras, malapit na magstart ang party, Kailangan na naming pumunta dun sa Venue. Ang dami ng tao, at may mga clown pa. Nandito rin si Santa kaya tuwang tuwa ang mga bata. Binigyan sila ng regalo. Huhu. Bakit yung mga bata lang? Di ba pwedeng kami rin? Pagkatapos mamigay ng gifts ni Santa, nagmagic yung clown. Tapos ang dami pa nilang ginawa.
Tuwang tuwa ang mga bata. :)
Maya-maya, lumapit sa akin si Shem.
"Ang saya ng mga bata no?" tanong niya. Nakatingin pa rin ako sa mga bata na ngayon ay naglalaro na.
"Oo nga. Tingnan mo nga si Bochog! Hindi na makatalon. Hahaha." halos mautas na ako sa pagtawa dahil kay Bochog.
"Ako rin, masaya." sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti.
"Sino bang hindi? Haha!" at natawa pa rin ako.
Biglang hinawakan ni Shem ang kamay ko. Tiningnan ko ang mga kamay namin pagkatapos ay inangat ko ang tingin sa kaniya. Nakangiti pa rin siya na para bang wala siyang ginawa.
Bigla akong nakaramdam ng awkwardness, dahan-dahan kong inalis ang kamay ko at unti-unti namang nawala ang ngiti sa mukha niya. Ibinalik ko ang aking mga mata sa mga bata. "Mukhang ang saya maglaro" at tumayo na ako. "Tara sali tayo?" pagyaya ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Teen FictionIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?