Chapter Six ~ 1
Good Morning sa inyo! Sweet and Mild ang kasama ko! Tamis ang yong hatid umaga ay walang pait! Good Morning sa inyoooo ~
Pakanta-kanta pa ako habang dala-dala ang dalawang tasang kape sa sala. Ewan ko, parang ang ganda lang ng gising ko.
"Ma, ang kape nyo oh." abot ko kay Mama at humigop naman ito kaagad pagkatapos ay ipinagpatuloy na nya ang pagco-cross stitch.
Ang aga-aga, nagtatrabaho na naman si Mama. Well sabagay, hindi naman nga pala trabaho yun para sa kanya. Hobby naman nya talaga ang pagco-cross stitch. Kaya nga balewala sa kanya ang trabaho kasi nag-eenjoy naman sya. Nag-eenjoy na, kumikita pa!
Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa sofa nang biglang utusan ako ni Mama. "Nak, kunin mo nga muna yung isang cross stitch pattern dun sa kwarto ko. Nandun sa sidetable ko."
Umakyat naman ako para kunin yung cross stitch pattern ni Mama. Pagkalabas ko ng pinto, nakarinig ako ng tunog mula sa kwarto ko.
You & I
could be like sonny & cher
honey & bears
Bigla kong naalala yung cellphone. Marahil ay yung Hon na naman ang tumatawag. Kailangan ko itong sagutin at iexplain na namisinterpret nya ang lahat. Dali-dali akong pumasok sa pinto at agad na sinagot ang tawag.
" Hey, give me back my cellphone." nailayo ko naman agad ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng pagkakasigaw nya.
"Pwede bang mag-relax muna kayo, ibabalik ko naman yung cellphone mo e."
"Really? Thank you! Thank you so much. " nakarinig ako ng relief mula sa kanya. Napangiti na lang ako kasi ang bait ko. Hahaha!
"Sa monday ko na lang isasauli, w-wait, sino ba 'to?"
Alam ko kasing kaklase ko lang sya sa swimming class kasi sa pool area ko yun nakita. Pero hindi nya sinagot ang tanong ko.
"I really need it now. Can we meet me at Lerixx' s Coffee Shop? 9am, if it's okay with you."
"Yeah, sure. Sure. " sagot ko naman.
"Thank You. I really owe you big time."
Magsasalita pa sana ako kaso sumigaw na si Mama. Kanina pa nga pala nya akong inuutusan, hindi pa ako nakakababa. "Sige po, magtetext na lang ako pag parating na ako." and I ended the call.
"Opo! Pababa na po!" sigaw ko nang muli akong tinawag ni Mama. Pagkababa ko ay agad ko itong inabot sa kanya. Ngumiti ako sa kanya kahit alam kong nad trip na sya. "Tumawag lang po si Miley." pagdadahilan ko bago pa man nya ako bungangaan.
Humiga ako sa sofa at binuksan ang TV. Sumakay si Aris sa tyan ko at tumalon-talon. Aray ko po! Katatapos ko lang mag-almusal!
" YAAAAHH. YAAAAHH " sigaw nya na animo'y nakasakay sa kabayo.
" Bebe, wag kang malikot. Sige na, baba ka na. Kunin mo na lang yung broom-broom mo. "
" Ala, yaw ko Atche. Gushto ko dito. "
" Aba? Gusto mo tawagin ko yung ipis? "
" Yuko. Baba na ako. "
At bumaba naman sya sa takot na biglang dumating ang mga ipis. Haha. Napatingin naman ako sa relo at nakitang 8:30 pa lang. Nag-unat unat naman ako at aktong ipipikit ang mata ko nang ..
W-wait. 8:30 na? May lakad nga pala ako ng 9am! Bakit nakalimutan ko kaagad! Di pa ako naliligo tapos magbibihis pa ako. Medyo malayo pa yung Lerrix's Coffee Shop dito sa amin. Patay na!
![](https://img.wattpad.com/cover/693607-288-k997303.jpg)
BINABASA MO ANG
Runaway Prince
Подростковая литератураIs it possible for a Runaway Prince to come back and make our own happy ending?